Madz
This past few day's was just great. Everything run smooth. Hindi ako masyadong nastress. Walang asungot. Walang makulit. Ahh. Meron pala yung best friend ko. Pero sanay na ko dun. Ang tinutukoy ko na asungot at makulit eh ung si Ace. After kasi ng takbuhan portion namin hindi na nagtagpo ang tadhana namin. Tadhana talaga? Haha. Well mas okay yun. Pero ano na kayang ginagawa nun ngayon?
"Hi Madz" napalingon ako. Si Crystal pala. Andito kami ngayon sa party niya. And look who's with her! Yung nasa isip ko lang kanina aba ngayon nasa harap ko na. Ang poging babae talaga nitoh oh!
"Ahhm. Hi. Happy birthday" sabi ko sabay beso sa kanya. Ganun din ang ginawa ni Tina at Jan.
"By the way si Ace. My escort tonight" proud na proud na sabi ni Crystal. As if naman we're interested.
"K.dot." sagot naman ni Tina.
Hindi makatingin ng diretso si Ace sa akin at ganun din ako sa kanya. Ayy! Ano ba toh!? Erase erase. Hindi dapat ako nakafocus sa kanya.
"Ahm what about Vincent? Is he coming?" Asked Crystal.
"Yahh. He's on his way here." Sabi ko at napatingin kay Ace. Napailing naman sya at itinuon ang mata sa paligid.
"Great. So have fun guys. Doon muna kami ni Ace."
Umalis na silang dalawa at siya namang dating ni Vincent. Nakita kong napatingin si Ace sa'min. Eh kc nga sinusundan ko sila ng tingin ni Crystal. I don't know why, I just did it.
"Are you alright honey?" Tanong ni Vincent.
"I told you not..."
Hindi ko natapos yung sasabihin ko. Bigla na naman lumitaw tong si crystal.
"Oh vincent I'm so glad you're here. Para naman may escort din tong si madz." Sabi ni Crystal. Letseng babae toh aa.! Pasalamat ka gabi mo ngayon kundi nasaktan na kita!
"Of course ! Ayoko din naman kasing mag iisa si Madz " proud na proud namang sabi ni Vincent.
Habang nag uusap sila hindi ko mapigilan mapatingin kay ace. Parang wala sya sa sarili niya. Palinga linga sya sa paligid. At hindi nakikinig sa sinasabi ni Vincent o ni Crystal.Bangag ba toh? Ipinagpatuloy ko lang ang pagtitig sa kanya at yun nahuli nya kong nakatingin sa kanya. Nginitian nya ko at bigla tuloy akong namula pero inirapan ko lang siya. Baka kasi mamaya isipin pa niya na gustong gusto kong tinitingnan siya. Which is true naman!
Ace
"Di hamak na mas gwapo naman ako sa kanya. Lamang lang niya sa akin eh tunay syang lalaki..pero mas gwapo talaga ako sa kanya." Pabulong kong sabi. Nandito ko sa isang sulok ngayon. Tinataguan ko kasi si Crystal. Nakakapagod eh. Kung kani kanino ko pinapakilala.
"Hoy! Tol!" May biglang tumapik sa balikat ko. Si Princess pala.
"Bakit nagiisa ka yata? Bat di mo kasama si birthday girl? San si jan? Tsaka anong binubulong bulong mo dyan ha?" Sunod sunod na tanong niya. Hindi ko tuloy alam kung anong uunahin kong sagutin.
"Wala. Gusto ko lang mapag isa." Sagot ko.
"Sus! Sino ba yang lalaking pinagseselosan mo?hahaha" narinig niya kaya yung mga pinasasabi ko kanina?.
"Huh? Aah..a.ano bang pinagsasabi mo .." Syempre kunwari di ko alam.
"Kanina pa kaya kita pinakikinggan tol.! Hahaha" sabi niya sabay tawa ng malakas. Panong palusot ba gagawin ko.?
"Don't mind me dude! Wala kang narinig!" Sabi ko.
"How can I pretend? Hahaha. Yung kasama ba ni Madz yung tinutukoy mo kanina? Hahaha" . Paano niya nalaman? Masyado ba kong halata?

BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya! Pake Nyo Ba?
Teen FictionOh well first time to write a story like this. Pero matagal ko ng gustong gawin toh. Ang kwento na toh ay babae sa babae. Pag ibig ng isang babae sa kapareho niyang kasarian.Kaya kung makitid mga utak nyo at hindi niyo pa tanggap ang ganto sa societ...