Ace
Sobrang tagal nman ng jeep na sasakyan ko papunta sa bahay ng kaibigan ko. Nandun na daw lahat ng barkada at ako na lang ang kulang. Hayy kung bakit ba naman kasi ang tumal ng jeep papunta sa knila eh.
Halos 30 mins na kong naghihintay dito. Magkakaugat na ata ako dito sa kinauupuan ko eh. Buti sana kung may chickababe na natatanaw. Oopppsss teka, dininig agad yung hiling ko. May chicks na papalapit dito sa kinauupuan ko. She looks familiar. Parang nakita ko na siya before. Isip.isip.isip. wala kong isip ay wala akong maisip kung saan ko nakita ang babaeng toh. Naupo siya sa tabi ko. Ahh hindi pala sa tabi, sa dulo ng bangko na kinauupuan ko.
Bali dulo to dulo yung kinauupuan namin ngaun. Naiimagined nyo ba? Pasimple ko siyang tinitingnan. Nakayuko siya kaya di ko masyadong makita mukha niya. 95% sure ako ng nakita ko na siya dati pero d ko maalala kung saan. Dibale na nga lang. Baka nagkakamali lang ako.
Another 20 mins passed by at sa wakas parating na daw yung jeep na sasakyan ko sabi ni manong. Woooaahh ! Mabuti naman kung ganun. Baka kung dpa ku makaalis eh lasing na lasing na yung mga kaibigan kung naghihintay skin pagdating ku dun wala na Kong makainuman.
Sinabihan kami ni manong na pumila na para makasakay ng maaus pagdating ng jeep. Napalingon ako dun sa babae. Pag tumayo kasi ako dito bka bumaliktad yung upuan at bumagsak sya. Pano ba toh!
"Ahhm, miss .? Tatayo na kasi ako baka bumaliktad yung upuan. " sabi ko sknya.
Hindi ata ako narinig.
" miss urong ka dito oh bka kasi bumaliktad ka pag tumayo ako." Muli kong sabi.
Pero hindi pa rin ako narinig. Dumating na yung jeep. At nkapila na pasakay yung mga tao. Binalik ko ang tingin ko dun sa babae. Nakayuko pa rin sya. Pano ba toh bka iwanan ako ng jeep.
"Miss! Tatayo na ako baka bumaliktad ka. !" Pasigaw kong sabi. Naku naman! Kay gandang babae bingi naman! Juice colored!
"Oh mga sasakay jan oh! Huling byahe na.Aalis na toh! "
Bahala na! Kung dpa ko tatayo maiiwanan na ko ng jeep at hindi na makakapunta sa barkada ko.
Isa, dalawa...
Blaaaagggg!!!!
Madz
"Waaahhh!!!" Napasigaw ako. ! Pano ba naman kasi bumaliktad yung kinauupuan ko at bumagsak ako.
"Miss okay ka lang ?" May nagtanung.
Iniabot niya yung kamay niya para tulungan akong tumayo. Hindi naman ako tumanggi. Kumapit ako sa kamay niya dahil masakit talaga. Ang lambot ng kamay niya. Wala sigurong ginagawa toh sa bahay. Baka mayaman o bka naman tamad lang.
"Miss pasensya kna kung tumayo na ko ha, kailangan ko na kasing sumakay ng jeep . kanina pa kita tinatawag pero hndi mo ko naririnig, pasensya na talaga" sabi niya.
Di ako nagsalita. Tinitigan ko siya. Tinitigan nya din ako.
"Ikaw na naman!!" Sabay naming sabi sa isa't isa.
Siya ung nakabanga skin ng bike nung nakaraan. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko.
"Nung nagalusan ako, dahil yun sau tapos ngayon balak mo naman akong pilayin.!!!" Gigil kong sabi sknya.
"Miss ilang beses kitang tinawag pero hndi mo kasi ako naririnig." Sagot niya.
"Pano ko maririnig eh nka'earphones ako!!" Inis na inis kong sabi. At kinuyom ko na ang kamao ko. Ready to punch! Kabwisit kasi eh. Bukod sa sakit na nararamdaman ko mula sa pagkabagsak ko, kahihiyan pa sa dami ng tao na nakakita kung paano ako bumagsak.

BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya! Pake Nyo Ba?
Novela JuvenilOh well first time to write a story like this. Pero matagal ko ng gustong gawin toh. Ang kwento na toh ay babae sa babae. Pag ibig ng isang babae sa kapareho niyang kasarian.Kaya kung makitid mga utak nyo at hindi niyo pa tanggap ang ganto sa societ...