Ace
"Hoy Ace bakit ka makikipagdate kay Ashley??
"Huh? Ehh.. Pagbibigyan ko lang naman si Princess.."
"Magsama kayong dalawa!!"
"Hindi... maaadz..wag kang umalis,.maaadz..wag mo kong iwan, maaadz. Maaadz..I love...."
"ESTRADA!!"
"Ma'am??" Nagising at napatayo agad ako sa sigaw niya. Nakatulog kasi ako habang naglelecture sya.
"Who told you to sleep during my class???!!" Mataray niyang sabi sa akin. Palibhasa matanda na eh.
Hindi ako nakasagot at napatingin na lang ako sa paligid ko. Lahat sila nakatingin sa akin. Iba talaga pag artistahin. Hahaha
"I'm warning you Ms. Estrada. !" Sabi nya at pumunta na sa harap para magtatatalak.. Ai teka, Miss? Miss ako sa hitsura kong toh? Patawa toh si ma'am.
"Tol, si Madz nasa panaginip mo nuh? Hehe" pabulong na sabi ni Jan. Hindi kasi kami magkatabi. Sinadya talaga ng ma'am na toh na ilayo kami sa isa't isa. Mga tatlong upuan siguro layo namin sa isa't isa.
Suminyas ako na hindi. Syempre pag umamin ako aasarin niya ko.
" wag mong ideny binabangit mo sya kanina nung tulog ka. " pabulong niyang sabi ulit at nagtakip ng bibig para pigilan ang tawa.
"Mali ka hindi sya yun..." Sagot ko ng mahina pero maririnig niya.
"Estrada! Sanchez! Get out!"
"Ma'am/bakit pati ako?" Sabay naming angal ni Jan.
"Nakakahiya naman kasi sa inyo. Nakakaistorbo ang klase ko sa pagkkwentuhan nyo. Labas na!" Sabi niya sabay turo ng pinto.
Hindi na ko nagpakipot at lumabas na ko agad. Pinalabas niya ko oh di lalabas. Kala niya aa! Haha. Pero itong si Jan nagmamakaawa pa na wag syang palabasin. Kabakla talaga nitong tomboy na to.
"Tol! Tara na .. Labas daw eh. " sabi ko sa kanya at sumunod naman siya skin.
"Sira ulo ka talaga tol! San tayo ngayon nyan?!" Nag aalalang sabi ni Jan. Minor subject lang naman yun kaya okay lang skin.
"Txt mo si Princess.." Sabi ko.
"May klase pa yun." Nasa ibang department kasi yun si princess kaya magkaiba kami ng klase.
"Sabihin mo matulog siya o kaya makipagkwentuhan sa katabi niya para palabasin na siya." Sagot ko. Bright idea dba? Hahaha
"Baliw!" Sigaw skin ni Jan. Hahahaha
"Hahaha, dun tayo sa garden.. Sipat tayo ng chix." Sabi ko. Hehe, parang ang hyper ko ngayon. Hahaha
"Ikaw lang ! May babes ako. Hahah" kunwari loyal pa toh! Hahaha
"Mauna ka na dun, magc'CR lang ako.." Sabi ni Jan at naglakad na siya palayo.
"Tol!" Tawag ko skanya .
Lumingon naman siya.."I love you Janine!!!" At pinlying kiss ko siya. Hahaha. Pinatinginan tuloy kami. Hahaha. At ayun miniddle finger niya ko. Hahahaha
Naglalakad na ko papunta sa garden. Madami kasing puno dito kaya masarap tumambay. Sumilong na ko sa paborito kong puno sa lahat. Ito ang pinakamatanda at pinakamalaking puno dito sa uni . sa laki nito hindi mo makikita kung may nakasilong ba sa kabilang bahagi nito. At ito na nga may nakasilong na mga babae. Naririnig ko kasi yung boses nila na nagkkwentuhan at nagtatawanan.
"So, ano nga ? Kinausap ka lang lumambot ka na agad?!" Parang kilala ko yung boses na yun aa.
"Nagpaliwanag naman siya best ehh." Sagot naman nung isa.
Tama nga ako. Si Tina at Madz yun. Kung suswertehin ka nga naman oh.. Si my love nasa likod ko lang.hahaha.
Nagpatuloy lang ako sa pakikinig habang nakapikit at nakasandal dito sa puno.
"Hayy naku! Pano pag sila pa pala nung babaeng yun!?" Tina
" Hindi na best, wala na talaga sila ngayon. May bf na ung babae." Madz
"Kaya pinatawad mo na?"
"Ahm. Ahh. O. .. Oo. ...Nagsisisi naman sya sa eh"
"Magpapaloko ka na naman! Siguro mahal mo pa yun nuh?! "
Bigla akong kinabahan at minulat yung mga mata ko. Natatakot ako sa isasagot ni Madz. Sa pag uusap nila alam kong ex o bf ni madz yung tinutukoy nila.
"Ano? Tama ako dba ? Mahal mo pa siya._" sabi ni Tina dahil hindi sumagot agad si Madz.
"Ha eehh.. Siguro oo basta.. "
May mga kasunod pa syang sinabi pero hindi ko na pinakinggan. Tumayo na ko at naglakad palayo.
"Tol, saan ka pupunta? Papunta na dito si princess may pag uusapan daw kayo." Si Jan nakasalubong ko.
Yung tungkol kay Ashley siguro yung pag uusapan namin.
"Pakisabi wag syang mag alala sisiputin ko si Ashley. Uuwi na ko." Sabi ko na wala sa sarili at naglakad na.
"Ahh. Nga pala yung babes mo nanjan sa garden.. " pahabol kong sabi.
Hindi ko alam kong saan ako pupunta ngayon. Ayoko pa talagang umuwi. Lumabas na ko ng gate at nag abang ng masasakyan. Ahh. Alam ko na dun na lang ako sa napag usapan namin ni Princess.
Fast forward
"Oh hi! Kanina ka pa?" Si ashley yung maarteng pinsan ni princess na pinapadate niya skin.
"5pm" sagot ko.
"Huh? Eh 8 naman ang usapan natin aa.."
"Don't think that I'm excited about this matter kaya ako maaga. Gusto ko lang matapos agad to kaya ko inagahan." Prangka kong sabi sa kanya.
"Okay.. So let's have something to eat. Order na tau .."sabi niya . hindi man lang nasaktan sa sinabi ko tong babaeng toh.
Siya na lang pinag order ko. Wala din naman kasi akong ganang kumain eh.
"Masakit nuh pag yung taong gusto mo hindi ka gusto." Hindi ko na napigilan yung nasa loob ko at bigla kong nasabi sa kanya.
"Huh???!!" Halatang nagulat sya sa sinabi ko. Hindi niya kasi naisubo yung pagkain na isusubo niya dapat.
"Pero mas masakit pala yung hindi ka na nga niya gusto malalaman mo pang may mahal na siya." Sabi ko ulit at nakatitig lang sya skin. Kailangan ko lang talaga maglabas ng saloobin.
Ashley
Sa mga sinabi niya wala akong naisagot. Dahil alam ko yung ganung pakiramdam. Hindi man niya sabihin ng diretso alam kong may pinaghuhugutan siya.
Ashley Nicole Montenegro ang pangalan ko. Maraming naiinggit sa akin dahil bukod sa ganda at talino mayaman ang daddy ko. And yes! That Montenegro shipping line is ours.
Wala akong hindi nakukuha na ginusto ko. Basta ginusto ko nakukuha ko. Except Kay Ace. Hindi ko nga alam kung ano bang kulang sa akin bakit hindi niya ko magustuhan. Oo marami na kong naging bf at naghahabol mapalalaki o lesbian pero I give up all of them para kay Ace. Si Ace lang ang gusto ko wala ng iba.
"Ba...bakit mo naman nasabi yan? " tanong ko skanya. Ang totoo nyan yung ganung sakit nararamdaman ko skanya.
"Aahh. Wala naman. Nasabi ko lang." Sagot niya. Iniwasan niya yung tanong ko.
Pero kahit hindi niya sabihin nakikita ko sa mga mata niya na malungkot at nasasaktan siya. Hindi ako pwdeng magkamali may mahal na siya. Pero sino?? Kailangan kong malaman kung sino siya dahil hindi ako papayag na mapunta si Ace sa kanya . Akin lang si Ace! Akin lang... Ako dapat ang mahal niya. Ako lang!!
A/N
Thank you sa patuloy na pagbabasa. Tumatanggap po ako ng boto. Hahaha. Pavote naman ☺☺. Thank you and God bless.See Madz picture ☺

BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya! Pake Nyo Ba?
Teen FictionOh well first time to write a story like this. Pero matagal ko ng gustong gawin toh. Ang kwento na toh ay babae sa babae. Pag ibig ng isang babae sa kapareho niyang kasarian.Kaya kung makitid mga utak nyo at hindi niyo pa tanggap ang ganto sa societ...