Chapter 2

2.8K 149 10
                                    

1 John 4: 18-19

There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love.

Nang umagang iyon, si Fr. Aguiluz ang nasa altar. Habang si Mimi na nakatuon ang buong atensiyon sa misa at sa pari ay hindi mapalis ang ngiti sa labi. She had joyfully counted how many times his eyes passed on her direction.

Hindi niya iyon binibigyan ng anumang kahulugan. Ang ikinasasaya niya ay dahil nakikita siya nito. Kabilang pa rin siya sa mga tinitingnan nito. Walang panghuhusga. Walang pagtatakwil.

Natapos ang misa na magaan at maaliwalas ang kanyang dibdib. Gusto pa sana niyang bumati kay Fr. Aguiluz pero nang puntahan niya ito sa labas ng sakristiya ay napapaligiran na ito ng mga kabataan.

Pumihit siya pero nahagip ng tingin niya ang pagsulyap ng pari sa kanyang gawi. Nagtagal ng ilang saglit ang pagtatagpo ng mga mata nila bago ito banayad na bumawi at muling bumaling sa mga dalagitang kausap nito.

Mistula siyang may sapi. Nakangiting naglalakad paalis. Naisip niyang dumaan ng park na kaugnay lamang ng buong St John Bosco compound. Noong isang linggo lang natapos ang rehabilitation ng parke at binuksan na ulit para sa mga gustong mamasyal.

Iilan sa mga pamilyang nagsisimba ay tumuloy din doon. Bagong pintura na ang mga concrete benches. Kulay berde at malamig sa paningin. Ang sementong perimeters na nakapalibot sa mga malalaking pine trees ay may pinturang puti at ang hitik sa makukulay na magic roses. Naka-trimmed ang mga halamang santan sa magkakabilang gilid ng daanan.

Nagtungo siya sa bakanteng bench sa ilalim ng puno at naupo roon. Nilapag sa kanyang tabi ang bag at kinalkal sa loob ang assignment niya. Ang prose na hindi pa rin niya nasimulan. Kumuha siya ng yellow paper at ball pen.

Sa anong elemento pwedeng ihalintulad ang pag-ibig? 

Sa apoy kasi mainit? Tapos sa tubig dahil biglang lalamig. Pwede ring sa hangin na bigla na lang maglalaho o sa lupa na madalas inaabuso at tinatapakan.

Wala siyang maisip kung alin nga ba sa mga iyon. Nilibot niya ang paningin at napansin ang lumang mailbox sa tabi ng bench. Gawa iyon sa kahoy at ang pintura ay mapusyaw na maroon.

Binawi niya ang paningin at muling itinuon sa papel. Sa kawalan ng maisip ay gumawa na lamang siya ng bulaklak na papel at tumayo. Lumapit sa mailbox. Sinilip niya ang loob. Napakalinis. Nilagay niya roon ang papel na bulaklak.

Bukas na lang siya magsusulat ng prose. Kailangan niya ng ideya. Iyong hindi pang-jologs. Lagi siyang nauuwi roon sa mapapait na konsepto dahil sa mga nakikita niyang isyu.

Tahimik sa bahay pag-uwi niya. Wala si Charice at nasa water refilling station na naipundar ng mag-asawa anim na buwan pa lang ang nakararaan. Gawa iyon ng pinagsamang loan ng mga ito sa bangko kungsaan nagtatrabaho si Martin.

"Ate, pwede ba tayong mag-usap?" Lumapit sa kanya si Martin habang nagsasalang siya ng mga labahin sa washing machine.

Sinulyapan niya ang kapatid at tumango. "Tungkol ba iyan sa nangyari kagabi?" Binuhusan niya ng liquid detergent ang tubig at isinara ang cover.

"Hindi ko talaga sinasadyang saktan si Charice. Napipikon na kasi ako dahil ayaw niyang pakinggan ang paliwanag ko. Tama na magkasama kami ni Louise noong Sabado pero wala namang nangyari, maliban lang doon sa halik."

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon