Chapter 8

2.3K 138 25
                                    

Solomon 6: 8-7

It's flashes are flashes of fire. Many waters cannot quench love, neither floods can drown it.

Kung lumipas ang mga araw ay mistulang alikabok sa kanyang palad na tinangay ng hangin. Ngunit ang bawat detalye ng mga alaalang iniwan ay bumakas sa puso niya at nanatiling sariwa. Alaalang nilikha ni Father Aguiluz na nagpapangiti sa kanya at nagbibigay ng sigla sa araw-araw.

Katulad ngayon.

Maaliwalas ang mukha ni Mimi kahit abala sa paglilipat ng pangalan ng mga kliyente sa dalawang record book. Incoming and outgoing. It was her second day at the mayor's office. Dagsa ang mga barangay officials na humingi ng ayuda para sa mga proyekto. 

"Ready for signature na ba ang mga ito, Mimi?" tanong ng kasama niyang si Merlou. Tinukoy ang tambak na mga dokumento sa ibabaw ng desk niya na kailangang pirmahan ng mayor para makausad na sa susunod na proseso.

"Oo, ready na ang mga iyan. Teka, tutulungan na kita." Tumayo siya.

Dinala nila sa desk ng mayor ang mga papeles. May maagang meeting si Mayor Vanissa kasama ang DSWD at HR office. Magsisimula na kasi ang munisipyo sa updating ng household sa bawat barangay na sakop ng siyudad.

"Good morning po, ma'am." Isang may edad na lalaking barangay captain ang lumapit sa cubicle niya. May bitbit itong mga papeles.

"Good morning po, upo kayo, kap." Magiliw niyang iminuwestra rito ang bakanteng silya.

"Heto po ang resolution para sa roon sa hiningi kong solar street light kay mayor."

Kinuha niya ang dokumento at sinuri ang attachment.

"Para po iyan sa kabubukas lang na extension road sa barangay namin," dagdag nito.

"Kap, kulang po ng program of works. Punta ka muna ng engineering para magawan nila." She instructed politely and returned the papers to him.

"Thank you, ma'am."

"Walang anuman, kap."

Itinuloy niya ang iniwang gawain habang ang katabing mesa na ang nag-entertain sa mga walk-in clients na karamihan ay humihingi ng financial assistance para sa hospital at paaralan.

Kinatanghalian ay umakyat siya sa HR office at ipinasa ang paunang mga requirements niya para sa kanyang promotion.

"Hindi ba kukuha ka pa ng police clearance at NBI? Ako na muna ang tatao sa table mo namaya," nagvolunteer si Merlou habang kumakain sila ng lunch sa may pantry ng opisina.

"Thank you so much, Ma'am Merlou. Nakapag-online na ako kahapon kaya pupunta na lang ako roon para sa payment."

Tumango ito. "Tapos ka na ba sa PDS mo?"

"Ipinasa ko po kanina."

"Mimi, may naghahanap sa iyo sa labas!" Sumilip sa pintuan ng pantry ang messenger nilang si Dodoy.

"Ay, sige. Patapos na ako!" Inubos niya ang natitirang pusit at uminom ng tubig sa kanyang tumbler.

Si Merlou ay tapos na ring kumain. Masiglang niligpit niya ang lunchbox niya at hinugasan sa may lababo ang nagamit na soup bowl at china plate.

Kung ilang ulit siyang kumurap-kurap. Tiniyak na ang babaeng nakaupo sa silya sa harap ng desk niya ay hindi kamukha lamang ni Bella. Ang asawa ni Francis Villaflor. But it was really her.

Nagawi sa kanya ang titig nito habang papalapit siya.

"Good afternoon, Mrs. Villaflor. May I help you?" Nginitian niya ito ng tipid.

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon