Chapter 9

2.3K 133 13
                                    

Proverbs 30: 18-19

How an eagle glides through the sky, how a snake slithers on a rock, how a ship navigates the ocean, how a man loves a woman.

Tinanggal ni Fr. Aguiluz ang benda sa kaliwang kamay na ngayon ay wala nang lakas at nanginginig. Sinadya niyang magmarka ang sugat sa bahagi ng kanyang palad kungsaan tumatagos ang pako sa kamay ni Kristo.

His fingertips are numb. But not enough to repel the deep pain from cutting in. The swelling is visible now. Though it doesn't bleed much earlier during the onslaught of the wound. The cutter blade missed hitting complex nerves.

He tried moving his fingers but can't. Playing the piano must have drained the remaining strength. Pumasok siya ng banyo at nilinis ng running water ang sugat. Doon na rin niya ginamot at muling binalot ng benda. He wore a black leather half glove.

Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. He gave in to his emotion. Being human, capable of doing mistakes, prone to committing sin, and violating the law are not an excuse. Nag-aral siya. Hinasa ang sarili sa mga turo ng simbahan at kabutihan. Dumaan sa matitinding pagsubok upang patibayin ang kanyang tatag. Pero nabigo pa rin siya.

Tinalo siya ng kanyang emosyon. Ang galit na humagupit sa tatag ng kanyang pasensya ay hindi biro. Hinawakan niya ang kwintas na krus at huminga ng malalim. Hindi siya aalis. Hindi niya lalayuan si Mimi. Kahit kailan ang pagtakas ay hindi magiging solusyon.

Lumabas siya ng kanyang silid at bumalik ng simbahan. Sumilip siya sa loob. Naroon pa rin ang dalaga. Nakaluhod sa step sa unang hanay at umiiyak na nakatitig sa altar. Pumasok siya at nilapitan ito. Bahagya itong nagulat at lumingon. Pinalis ang butil ng luhang humabol pa ng patak.

"Kapag pinagdadasal ko kung anong nasa puso ko naiiyak na lang ako." Paliwanag nito at naupo sa mahabang bench.

"Prayers in liquid form will never evaporate unnoticed," he said gently. "Tinawagan mo na si Martin? Gabi na."

"Tinawagan ko na. Parating na raw siya. Isasara niyo na ba itong simbahan?"

"Hindi pa. May evening prayer pa kami mamaya." Itinago niya sa ilalim ng kanyang abito ang sugatang kamay bago pa nito punahin iyon at usisahin na naman siya. Kapag tinanong nito ang dahilan ng sugat hindi siya pwedeng magsinungaling.

She smiled, with her cheeks blushing and her gentle eyes shy from crying. She isn't doing anything unusual but the impact of her existence is getting wider. Right now, looking at her through a man's perspective, he sees the vivid details. The contour of her small face. Her little upturned nose. Her lips, free of artificial paint.

Simple but pure.

"Bakit?" Inosente nitong tanong.

"While waiting, pwede nating pag-usapan iyong gusto mong ikompisal kanina." He suggested.

Tumango ito at umusod para bigyan siya ng espasyo sa mahabang upuan. He sitted next to her and she started telling the story.

"May hinatid kasi ako sa opisina nila tapos iyon ang sinabi niya. Lalo akong namumuhi sa kanya dahil sa ginagawa niya sa kanyang asawa. Siguro may dahilan siya pero hindi pa rin tama iyong paraan niya. Ang baba ng tingin niya sa mga babae."

"It's good that you don't go in there to confess," he tilted his head towards the confessional booth.

"Bakit naman?"

"Mimi, when you are confessing, don't justify your mistake by blaming other people. If you start talking about their shorcomings you are not confessing. Concentrate on your actions. I understand that we need to speak out to relieve the stress but in the proper place."

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon