Song of Solomon 2: 16
I am my beloved's and my beloved is mine.
She can't utter a single word. While he is staring right into her eyes as drops of tears slipping down. Nahihirapan siyang huminga. Sinisinok siya. Nasasakal sa sobrang saya. Hindi na rin nagsasalita si Aguiluz at pinanonood lamang siya. Pinupunasan sa daliri nito ang kanyang mga luha.
"F-father..." ang tanging nabibigkas niya mula pa kanina.
"Alvin, call me by that name. Or, if you prefer Aguiluz, then it would also be great."
Pero lalo lang siyang napahagulgol. Ibig bang sabihin, mas pinili siya nito kaysa sa pangako nito sa simbahan?
"Lumabas ka sa pagpapari?" Piyok ang boses niyang tanong.
"That's resignation for layman's term. Somehow I am still required to stay at the Conventuals. May tungkulin ako roon na hindi kasali sa pagbaba ko bilang pari. The only difference now is that I can't officiate holy masses and anything related to it anymore."
She sniffed. Kahit walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha'y nakuha na niyang ngumiti.
"I-Ibig sabihin pwede na kitang yakapin?"
"Of course, I would love to have that from you." He didn't wait for her to do the first move instead pulled her into his arms and caged her in his broad chest.
"Namimiss kita, sobra."
"Same here."
A moment of sweet silence passed as they are both felt the thud of each other's heartbeat. Iyong ganito pa lang pwede na siyang mamatay.
"Kaya ba umuwi ka ng Italy ay para magpaalam?" Binasag niya ang katahimikan.
"Yes, and I also need to have a one month retreat. Something to do with the protocol of the order. Kaya nagtagal ng dalawang buwan ang pananatili ko roon."
Tumingala siya. Sumayad ang tungki ng kanyang ilong sa baba nito at nakiliti sa gaspang ng anino ng balbas na kaaahit lang. Natukso siyang haplusin iyon ng kanyang daliri.
"Ano kayang reaction ng mga tao kapag nakita ka nila? Anong iisipin nila?"
"Some of them might take this change indifferently, that's how human judgement works to balance everything. That is part of the consequences I have to deal with. Priesthood was my comfort zone, coming out of it entails a lot of sacrifices yet I know, all will be worth it because of you."
"Pero nag-aalala ka pa rin?"
Tumango ito. "Hindi iyon maiiwasan.
May kabayaran ang bawat pagtalikod sa sumpa. Pero hindi kinatatakutan iyon kundi dapat haharapin. Hindi ko sasayangin ang pangakong isinuko ko alang-alang sa pagmamahal ko sa iyo. Ipaglalaban kita katulad kung paano ko ipinaglaban hanggang ngayon ang pananampalataya ko sa Kanya.""Mahal na mahal kita, Alvin."
"Sa iyo ako at sa akin ka."
Ngumiti siya ng matamis at tumango.
"I think we should do something about your swollen eyes. Baka magtaka si Vanissa. May appointment pa kayo hindi ba?"
Napamulagat siya. "Oh my God, nakalimutan ko!" bulalas niya at aligagang sinipat ang oras. "Ten minutes na lang!"
"We should go." Ibinaba nito ang salamin ng bintana at tinawag si Jiego. "Let's get moving, Jigs!"
Mabilis na lumigid sa front seat ang bodyguard at sumampa sa likod ng manibela.
Umayos siya ng upo sa tabi ni Aguiluz at kinalkal ang bag. Face powder lang ang mayroon siya kaya iyon na lang ang pinang-retouch niya. Inanod na ng luha ang kanyang make-up. Kinagat-kagat niya ang labi para hindi manuyo. Nakatitig sa kanya ang lalaki nang balingan niya ito.
BINABASA MO ANG
NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅
RomanceKailan ba naging kasalanan ang umibig? "Bless me father for I have sinned. I fell in love..." Ang sunod na sinabi ng babaeng nangongompisal ay saglit na nagpatigil kay Fr. Aguiluz. It isn't new to him to be told by someone she loves him in spite of...