1 Corinthians 13: 1-8
Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails.
Itiniklop ni Mimi ang bibliyang binabasa at itinagong muli sa loob ng kanyang bagpack. That was the second reading for the day. Nasa ikatlong araw na siya ng misa-novena para sa kapistahan ni Sr. Sto. Niño. Kahit may klase pa siya ay pilit siyang humahabol. Naipangako kasi niyang kokompletuhin ang misa-novena hanggang sa ika-siyam.
Maliban sa pangako ay gusto rin niyang mangompisal ngayong araw para sa ikatatahimik ng kanyang puso. Iilan pa lang ang mga parokyanong nasa loob ng simbahan. Madalas na hindi siksikan dito kapag may misa. Ang simbahan ay nakatayo sa malawak na lupaing sakop ng pag-aari ng Conventual Order of St. John Bosco. May matayog na pader ang buong compound.
Napaunat siya sa pagkakaluhod step ng mahabang upuang nasa unang hanay sa harapan nang mamataan niya ang paglabas ng paring nakasotana at estula. Sa ilalim ng sagradong mga kasuotan nito ay ang kulay abo na abito.
Dumaan sa kanya ang paningin ng pari at bahagya itong ngumiti. Alam niyang pagbati lamang iyon ngunit ang tindi na ng epekto sa kanya.
Pinilipit niya ang mga daliring may nakabiting rosaryo at sinundan ng tingin ang paring naglalakad patungo sa confessional booth.Nakagawian na rito na bago ang misa ay nagpapakompisal muna. Kakayanin ba niyang mangompisal? Makakaya ba niyang ikompisal ang kanyang kasalanan kung ang nasa kabilang booth ng confession room ay ang paring laging laman ng isip niya bawat araw na dumadaan?
Ibinaling niya ang mga mata sa altar. Sa imahe ni Sr. Sto. Niño at sa Diyos na nakapako sa kruz na kahoy. Nagsisikip ang dibdib niya dahil sa pagngatngat ng kanyang budhi. Nandito nga ba siya para sa kanyang pananampalataya o dahil kay Father Aguiluz?
Inaamin niyang nagkasala siya dahil hindi niya sinubukang labanan ang kanyang nararamdaman. She never really tried after all these years, she only kept her feelings for him.
She was in love with him before when he was still the head of Knights of the Altar and she is more in love with him now that he is an ordained priest. Nang umalis ito patungong Italy akala niya makakalimot na ang kanyang puso. Pero hindi. Ang pag-ibig niya para sa lalaki ay hindi kayang burahin ng panahon.
----------------
Isinandal ni Fr. Aguiluz ang likod ng ulo sa dingding ng compartment at naghintay ng sunod na papasok. Pang-sampu na iyong huling parokyanong lumabas.
Sinipat niya ang oras. May twenty minutes pa bago ang misa. Bahagyang umuga ang confession booth nang muli ay may pumasok sa kabila at lumuhod sa step.
Malinaw niyang maririnig ang boses mula sa latticed opening pero hindi niya makikita ng malinaw ang mukha. Sinasadya iyon para magkaroon ng privacy ang parokyano.
"Bless me father for I have sinned," nagsalita ang babaeng nasa kabila. Nangangatal ang boses at tila umiiyak. Kaya inilapit niyang maigi ang tainga sa makikipot na butas upang pakinggan ang mga sunod nitong sasabihin. "I fell in love...with someone. I'm in love with you, Fr. Aguiluz Alvin Andromida." Ang sinabi nitong iyon ay saglit na nagpatigil sa kanya.
BINABASA MO ANG
NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅
RomanceKailan ba naging kasalanan ang umibig? "Bless me father for I have sinned. I fell in love..." Ang sunod na sinabi ng babaeng nangongompisal ay saglit na nagpatigil kay Fr. Aguiluz. It isn't new to him to be told by someone she loves him in spite of...