Chapter 29

2.3K 118 6
                                    

Proverbs 29:25

The fear of man lays a snare,
but whoever trusts in the LORD is safe.

Nilanghap ni Mimi ang sariwang hangin habang naglalakad sa damuhan at nakatuon ang tingin sa mga kaibayong bulubundukin. Tila asul na anino ang mga iyon dahil sa distansiya mula roon sa Marianas. Maaga pa at malamig ang kapaligiran ngunit masarap sa balat. Inayos niya ang puting balabal sa kanyang balikat.

The colonial rock mansion stood like a valiant fortress at the top of Marianas Hill. Guarded by its high walls and the perimeters of pines and other native trees. The meadows are clothed with green greeneries of flower grass, twinkling in drops of fogs like gems of crystals. Nagkalat ang mga kumpol ng halaman, mistulang bantay sa buong lupain.

Huminto siya at tiningala ang tore sa silangang harapan ng mansion na tila dragon na nakatingala sa langit. Naroon ang relic. Nakapaloob sa chapel. Si Aguilyz lamang ang maaring pumasok. Kapag gabi, ang matingkad na liwanag mg Byzantine Cross ay tumatagos sa mga bintanang salamin at nagsisilbing ilaw ng tore.

Tinapunan niya ng tingin ang kuna sa cottage na nasa malapit at ngumiti. Ilang linggo pa lang nang isilang niya ang sanggol. Sa tabi ng crib ay ang asawa niyang mahimbing na natutulog sa hammock. Nilapitan niya ang kanyang mag-ama at sinilip ang anak.

Nagimbal siya nang mapansin ang patak ng dugo sa damit ng bata. Agad niya itong dinakma at lalong natilihan nang tumambad ang marka ng krus sa dibdib nito. Katulad ng markang mayroon siya. Hindi pwede! Hindi maaring maging handog para sa Hestas ang anak niya! Hindi siya papayag! Hindi!

---------------------------

The light rainfall was a blessing in disguise that morning. Iyon ang naisip ni Aguiluz habang nakasilip sa glass panel at pinanonood ang patak ng ulan. Tinamad nang umalis si Mimi. Sila naman ng mga kapatid niya ay nakaligtas sa maagang fashion show nila sa palengke. Nangungulit ang asawa niya kanina na bumili ng sariwang mga lamang-dagat at hindi niya ito matanggihan kahit kinuyog na siya nina Airey at Jerad.

"Today I appreciated the rain more than I did with my life," sabi ni Jerad na huminga ng maluwag at naupo sa couch. May bitbit itong wipes at kinuskos ang pulang-pulang labi para tanggalin ang lipstick.

He smirked. "Don't mess with your make-up."

"Shut up!" Angil nito at binalibag sa kanya ang wipes.

Humalakhak siya. Umalis sa pagkakasandal sa metal jamb. Tuluyan nang nakababa ang hamog.
Nabaling ang tingin niya kay Airey na galing ng dining room at abala rin sa kapupunas ng labi habang kinakalikot ang cellphone.

Ibinagsak nito ang sarili sa pandalawahang sofa sa may kabisera ng living room malapit sa piano. Ilang linggo na ba nilang binubuno ang mood attack ni Mimi? Maswerte siya at handang mag-adjust ang mga kapatid niya para sa kanya at sa asawa niya kahit nagmukha silang katatawanan tuwing may bisita.

"Got news from Rajive. Dinakip ng Hestas si Raymund kagabi." Balita ni Airey at ikinumpas ang cellphone.

He gripped the ring in his finger with his thumb. Internal conflict of the cult, but he knew downright he can't say it is nothing to do with them. Mula pa noon ay konektado na ang Hestas at Collumbus. Hindi sila makaiiwas sa gulo.

"Ask him about Leah." Lumapit siya sa kapatid.

"Missing."

Nagtagis siya ng bagang. "I can't leave her alone."

"That place is overrun by them, Alvin." Tumututol na pahayag ni Jerad at lumapit din.

"Taking on with us is foolish, they knew that. Their credibility however is less than nothing under the circumstances," sagot niya rito.

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon