Chapter 7

2.4K 150 24
                                    

Psalm 143: 8

Let the morning bring me word of your unfailing love, for I have put my trust in you. Show me the way I should go, for to you I entrust my life.

Kumurap si Mimi at tumirik paitaas ang mga mata sa pag-iisip sa sinabi ni Fr. Aguiluz. Pero tinalikuran na siya ng pari bago pa niya mahimay ang utak at bigyan ng kahulugan ang linyang iyon sa bibliya. Maliksing sinundan niya ito at tuluyan nang nakalimutan kung anong pakay niya roon.

Is he going to officiate the holy mass before the procession? Kumabog sa saya ang puso niya. Nabilaukan siya nang bigla itong lumingon. Nakaangat ang isang kilay.

"May sasabihin ka ba?" tanong nitong nasa mga mata ang aliw na hindi niya alam kung para saan.

Ngumiti siya ng matamis at umiling. Pinagsalikop sa likuran ang mga kamay at kunyari ay sinuyod ng tingin ang paligid. Doon niya nahagip ang pinsang si Dolly. Naglalakad patungo sa karo kasama ang isang matandang babae. May bitbit na mga dahon ng olibo ang dalawa para dagdag sa palamuti.

Tumingin sa gawi niya ang pinsan at nanlaki ang mga mata.

"Mimi!" hiyaw nito. Kumaripas patungo sa kanya at muntik nang matisod sa sintas ng sapatos nito. "Kanina ka pa ba? Namitas ako nito roon sa ibaba." Halos matusok ang butas ng ilong niya nang iwasiwas nito ang bitbit na mga dahon ng olibo.

A gentle laugh from Fr. Aguiluz stole their moments. Parehas silang nagblushed ni Dolly na bumaling sa pari. Ngunit pumihit na ito paalis at iniwan sila.

"Ang gwapo niya talaga!" pabulong na tili ni Dolly. Tinakpan pa ang bibig nang ilapit iyon sa kanyang tainga.

Pinandilatan niya ang pinsan at awkward na sumulyap sa papalayong pari.

"Ako ang nagsuggest na siya ang imbitahin para sa misa ngayon. Daming nagsecond the motion," humagikgik  ito. "Kapag siya ang nagmimisa feeling ko nasa langit na ako."

Natawa siya sa kalokohan ng pinsan at idinaan sa buntong-hininga ang pagmaga ng kanyang puso. Aware siya sa epekto ni Fr. Aguiluz sa mga kadalagahan sa kabila ng abitong suot nito na nagsasabing wala na itong karapatang suklian ang romantikong pagmamahal.

Hinatak siya ni Dolly patungo sa karo at tumulong siya roon sa final touch ng flower arrangement.

"Nagkausap kami ni Martin tungkol doon sa paninirang puri sa iyo sa post. Kung ako lang magdedemanda ako para magtanda ang babaeng iyon," pahayag nitong tumingin sa kanya.

"Palalakihin ko lang ang issue kung dadalhin ko pa iyon sa korte. Mamaya pati sina Mama at Papa madamay."

Umiling si Dolly. Hindi sumang-ayon sa kanyang sagot.

"Mamimihasa ang babaeng iyon kung walang magtuturo sa kanya ng leksiyon," komento nito.

"Pero ang daming mas malalaking krimen sa lipunan na hanggang ngayon ay hindi naresolba. Imbis na iisipin ko ang pagkamit ng hustisya para sa puri ko, ipagdadasal ko na lang na makamit iyon ng mga tunay na biktima. Saka naniniwala akong maniningil talaga ang kalikasan balang araw."

Rumolyo ang mga mata ni Dolly pero hindi na nakipagdebate pa.

Nilinis sila ang mga kalat ng bulaklak at halaman sa paligid ng karo. Niligpit ni Dolly ang mga flower foams na hindi nagagamit at binitbit naman niya ang balde. Ibinuhos niya sa mga nakapasong bulaklak ang tubig na laman.

"Mimi," si Raymund na papalapit.  Mukhang ito lang mag-isa ang sumunod doon sa kapilya.

"Hi, Raymund!" bati niyang nilapag ang bitbit na balde at pinukol ng tingin ang pinsan. Sadya yatang lumayo ito sa kanila bitbit ang walis-tingting at dustpan.

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon