“CRUSHES”
Hello Diary,
Let’s talk about my high school classmates tutal tapos na graduation namin.
I am just thinking … when I was in second year high school, I can hear my classmates whispering about their crushes.
Kinikilig sila pag dadaan si crush. Saka nag ba blush on na sila at mascara with matching lipstick.
Hindi kasi ako nakaramdam ng ganung kilig during my high school life.
Ewan dear diary, abnormal yata ako or sadyang di pa nakatadhana lol!
Mga classmates ko may palihim na abutan ng love letters at chocolates. May nagkikita sa kanto ng school …. May sabay kumakain sa canteen … may hatid sundo sa bahay … etc … etc…
Habang ako? Masaya lang nag aaral … sumusulat ng lyrics ng songs … at siyempre nag iimbento ng sarili kong comics😁🤣😊
Nung bata kasi ako ang daming komiks. Usung uso komiks nun at pocketbooks.
Sina Mama at Papa??? May kanya kanyang sinusubaybayan na komiks characters!
Ako naman gumagawa ng sarili kong komiks … ha ha ha!
Tuwing magbabantay ako sa tindahan namin … maraming tumatambay na mga teen agers na boys. Regularly yun mga tambayers … ha ha ha! Minsan nga kabisado ko attendance nila alam ko kung may absent lol!
Hindi ko dati naiintindihan kung bakit ginagawa nilang meeting place ang tindahan namin.
Until one day, kinausap ako ng ate ng isang tambay. Medyo may pagkamataray ang peg nya.
Tinanong nya ako kung may pag asa daw ang kapatid niya. Nakapameywang pa nang tawagin ako sa may gate namin.
Gosh, diary, anong pinagsasabi nito?
Of course, tinanong ko kung anong aasahan.
Sabi niya, di ba nanliligaw sa yo yung utol ko? Hindi namin maisama sa byahe eh! Laging nakatunganga sa yo! Aba … baka sikatan na ng buwan yun dun di mo naman sasagutin!
Syempre nagulat ako masyadong straight forward magsalita si Ate.
Ni hindi ko nga alam na pag tumambay nanliligaw agad???
Isa pa hindi naman sumisikat ang buwan … araw ang sumisikat di ba dear diary?
Sinabi ko na lang kay Ate Ester na hindi po ako nililigawan ng kapatid ninyo. Wala po akong alam sa sinasabi n’yo.
Nagpaalam na ako sa kanya. At tuluyang pumasok sa bahay namin.
Haaiiiissssttttt! Ano ba yun? Kinabahan ako sa taray ni Ate! Parang sa shot gun wedding ang datingan! Ha ha ha!
Anyway, sabi ni Dory, kaedad ko na kapitbahay namin, kaya raw tumatambay dun yung mga guys na yun dahil may mga crush sa akin.
Hello Diary, haba ng hair ko, hanggang floor… ☺😉😊
Well cute naman sila. Iba iba ang pagka cute. May singkit, may super fair skin, may morenong brusko, may pakwela mahilig mag jokes … at iba pa.
Pero wala pang spark eh … yung tipong kakabog ang dibdib ko … wala pa talaga!
Well, diary, I will finish it here for now. See you next time!
Love always,
“YAH”
❤Thanks for reading❤❤
❤Don’t forget to vote❤❤
BINABASA MO ANG
Hello Diary, Yah! (Completed)
General FictionThis is about a personal journal of someone who looks at the past events in her life as a learning tool while riding life's train. She thinks of our lives as a means of transportation. We travel daily and we won't go down unless we arrive at our o...