Entry No. 5

327 71 14
                                    

             “DETERGENT POWDER”


Hello Diary,


Since I was a kid I remember we had a Sari Sari Store.  Nag iisa lang yun noon sa lugar namin kaya malakas ang bentahan at sobrang dami ng suki namin.


Tuwing pagkagaling ko sa school, ako ang pinagbabantay ng nanay ko dahil marami siyang inaasikaso.  Uso kasi noong araw yung tingi tingi.  Nakarepack halos lahat ng paninda.  Yung mantika, nilalagay sa plastic yun tapos iba iba ang sukat.  May pang piso at may pang singkwenta sentimos.


Yung mga pansahog tulad ng toyo, suka, patis … lahat yun nirirepack.  Hindi uso sa bentahan noon ang bumibili ng isang bote.


Pati gas tinatakal.  Ang mga bawang, paminta, laurel, asin, asukal … niri repack lahat yun kaya sobrang busy talaga kami noon.


Pag maraming assignments sa school naiinis ako pag pinagbabantay ako ng tindahan.  Sa dami ng tambay na maiingay dahil dun sila nag iinuman sa harapan ng tindahan namin, hindi talaga ako makagawa.  Isa pa ang dami ding bumibili.


Sa araw araw … ayokong ayokong darating ang uwian sa school kasi ako na naman ang magbabantay.


Ang reward ko dun … magaling ako sa kwentahan.  Eh di nag e excel ako sa Math!


One day, my dear diary, may kapitbahay kaming maya’t maya ay bumibili ng detergent powder.  Alam ko naman na hindi yun ang brand na gamit niya.  Halos sa buong pagbabantay ko nung hapon na yun hanggang gabi , naka sampung balik siya kabibili ng sabong panlaba na yun.


Na curious talaga ako kaya di na ko nakatiis nung bumalik sya ay tinanong ko kung bakit pabalik balik.  Ayaw na lang bumili ng isang bilihan para di siya napapagod.


YAH:  Ate, bakit po ayaw nyo na lang bumili ng sampung piraso para di kayo napapagod kababalik?


TESS:  Malay mo baka masayang.  Baka mabuksan ko na ang baul ng kayamanan!  Di hindi ko na maisasauli kung nabili ko na.


YAH:  Baul ng kayamanan?  Sa loob po ng pakete?


TESS:  Oo, Iyah.  Nakasulat sa loob ng pakete ang premyo.  Ang grand prize ay yung pakete na may drawing ng baul ng kayamanan na nagkakahalaga ng 200,000 pesos.  Meron ding ibang mas maliliit na halaga.


YAH:  Sino po nagsabi sa inyo?


TESS:  Napanood ko sa commercial nila sa TV.


YAH:  Ganun po ba?


TESS:  Oo.  Sige uuwi na ko. 


YAH:  Babay po!


Sa sinabing iyon ni Ate Tess ay may naisip akong gawin.  Kinuha ko ang mga pakete ng detergent powder at nagpunta ako sa likod bahay.  Doon ko ibinuhos ang laman ng mga pakete. At isa isa kong binuksan.  Marami rami na akong nabuksan ngunit puro try again later ang nakalagay.


Narinig ko ang tawag ng nanay ko.  Hinahanap ako.  Nagmamadali akong pumasok at sa pinto sa likod bahay ako dumaan.


Nang makita ako ni Nanay ay agad akong tinanong kung ubos na ba daw ang detergent powder?


Sinabi ko na opo.  Pero kabang kaba ako.  Nagtataka ang nanay ko dahil gabi na siya namalengke at marami siyang biniling sabon.  Wala namang naglalaba ng gabi.  Karaniwan ay umaga nabibili ang mga tinda nilang sabon.


Kinabukasan ay galit na galit na galit ang nanay ko sa akin.  Nakita pala niya ang mga itinapon kong powder sa likod bahay nang mamitas siya ng talbos ng kamote.


Sabi niya bakit ko daw sinayang ang mga sabon ay konti konti lang daw ang tubo sa bawat pakete.


Umiiyak ako sa takot habang nagpapaliwanag ako.


Sabi kasi ni Ate Tess na may kayamanan daw sa pakete kaya sa kagustuhan kong ako ang makakuha ng premyo para hindi ka na mahirapang sa kari repack at kakagawa ng yelo at iced candy.


Naluha din naman ang nanay ko sa dahilan ko.


Sabi niya bakit ko daw itinapon ang sabon ay pwede daw gamitin sa paglalaba.


Nag sorry ako ng nagsorry kay Nanay.  Sabi ko hindi ko na uulitin.


Sabi pa ni nanay ay paraan lang daw yun ng may ari ng produkto para maraming bumili nito. 


Sabi rin ng nanay ko na ang pagyaman ay hindi iniaasa sa swerte.  Mas kailangan daw ang sipag at tiyaga bonus na lang daw yung swerte.


Hayan diary, malaki ang natutunan ko today mula kay nanay.


Sa susunod uli…


                                        Always,
                                         “YAH”


      ❤❤Don’t forget to vote!❤❤

Hello Diary, Yah!  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon