Entry No. 1

358 82 13
                                    

               "WHEN I WAS A KID"


Hello Diary,


When I was three to five years old,  I was always jealous of my neighbors... Yung mga kasing edad ko.  Lagi ko silang pinapanood mula sa bintana ng aming bahay.  Ang sasaya nila.   Naglalaro sa kalsada.  Patintero… tumbang preso… chinese garter… mga larong pinoy na nae exercise talaga ang katawan mo.


Unlike nowadays, kahit two year old kids may hawak ng tablet.  Laging gadgets ang umuukopa ng oras ng halos lahat ng kabataan pati adults.


Going back sa pagkainggit… inggit na inggit ako kasi hindi ako makasali.  Ultimong sa paliligo nila sa ulan at pagpapaanod ng bangkang papel sa kanal tuwing umuulan… ay kinaiinggitan ko.  Lagi kong tanong sa sarili ko kung bakit ako pinagkaitan ng pagkakataong gawin ang mga bagay na magpapasaya sa isang bata?


Lagi akong nag iisa.  Kinakausap ang sarili.  Naglalaro rin ako.  Sa aking sariling mundo.  Ako ang Tatay, ako ang Nanay, ako ang Ate, ako ang Kuya at siyempre … ako pa rin ang bunso.  Di ba unique? Bahay bahayan ang laro na yun.  May mga laruan akong palayok,  pinggan, at iba pa na gawa lahat sa lata.  Saka yung uso noon yung nababasag na palayok at kawali may kalan pang kasama.  Isang set pag binili mo.


Alam mo, diary, sana wala na lang akong sakit sa balat.  Malalang eczema na may kahalong skin asthma.  Grabe sugat ng buong paa ko at binti.  Haayyyy … bukod sa masakit na, makirot mahirap lumakad pero ang pinakamatindi nakakahiyang ipakita sa iba dahil pangdidirihan nila ako!


Buti nga nasasabi ko lahat sa yo, diary.  At least ikaw, hindi mo ko mapandidirihan tulad nila.


                                Bye for now,
                                     “YAH”


     ❤❤Don’t forget to vote!❤❤

Hello Diary, Yah!  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon