Entry No. 2

338 80 14
                                    

              "THE CRAZY WOMAN"


Hello Diary,


When I was in grade three,  my eczema was totally gone.  So I can walk alone without my father carrying me. 


Dati mula grade one ay hatid sundo ako ng tatay  ko.  Tinutukso ako ng mga kaklase ko kasi baby pa daw ako na kailangang ihatid sundo.  Ang daming bully noon  hilig mang asar.


Mula nang nakalakad ako ng maayos, nae enjoy ko na ang mga larong kalye.  Hindi ako nakasabay sa mga kapitbahay namin na mga estudyante din dahil sumali pa ako sa chinese garter sa school ground.


Nawala kasi sa isip ko na may matandang babaeng baliw na nambabato sa mga dumaraan lalo na kung kakaunti o mag isa ka lang.  Naka elevate pa naman ang bahay nila mula sa kalsada ay mas mataas ito ng mga 20  ft.  Kaya pag nambato siya madaling tatamaan ang inaasinta nito.


Ayaw naman ng pamilya niya na dalhin sa mental hospital eh halata namang may diperensya sa pag iisip.


Diary, kabang kaba ako.  Lalo na nang makita kong nakatayo na sya sa daraanan ko at may hawak na kung ano.  Wala pa naman akong kasabay.


Nang biglang tumakbo siya papunta sa akin.  Takot na takot ako nang makita kong nasa harapan ko na siya.


Napapikit na lang ako.  Ngunit kinalabit ako ni Aling Sisa.  At ibinigay sa akin ang isang kumpol ng indian mango na kapipitas lang.


Laking tuwa ko at hindi niya ako sinaktan.  Mabait pala siya.  Sinusumpong lang pag tinatawag siyang baliw  ng mga salbaheng bata


Naging magkaibigan kami ni Aling Narcisa.  Kapag may mga bagong pitas na prutas o gulay ay binibigyan niya ako pag uwian na namin galing sa school..


Alam mo Diary, isa siya sa masayang parte ng kabataan ko.


                                       Always,
                                        “YAH”


        ❤❤Don’t forget to vote❤❤

Hello Diary, Yah!  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon