Entry No. 8

176 25 40
                                    

                    “KISS AND TELL”

 

Hello Diary,

One Sunday afternoon, may anim na kalakakihang nasa ages 20 to 25 na siguro ang umorder ng isang kahong beer sa tindahan namin.  Dun din nila ininom sa harapan ng tindahan namin kasi may maliit na parang kubo dun na designated area sa ganoong gatherings.  Parang style resort na walang pool.

Umorder sila kay Mama ng fried Itik with spicy sauce at saka bbq at sitsarong bulaklak.

Hindi naman sila nanggugulo.  Iginagalang nila ang mother ko sa lugar namin.

Yun nga lang nung medyo mga lasing na ang napag tripang pag usapan ay tungkol sa mga babae sa buhay nila.

My Gee!  Nagulat ako sa tema ng pinagkukwentuhan nila!

Sabi ni Lhao … itong si Jerry nakita namin kagabi … ha ha ha!  Sinabayan din ng halaklak ng dalawa pang kainuman nila.

Hindi man lang daw dinala sa maayos na lugar si Thereese.  Doon na daw bininyagan sa garden ng amo nito.

Tinawag pa nilang “atsay killer” daw ito.  Kasi yung mga katulong sa subdivision nila … siya ang “tirador.”

At ang matindi may audience pa habang inaangkin ang pagkababae ng katulong.

Worst … pinagkukwentuhan pa nila ngayon.

Kilala ko ang mga katulong sa subdivision nila kasi sa amin bumibili ng groceries nila.

Kawawang mga babae.  Pinagsamantalahan ang kanilang damdamin at pagkatao.

Si Rudy naman ay sa may gilid daw ng kumbento naman “tinira” yung babaeng nililigawan niya na sa tuwing may dadaan daw na sasakyan ay naiilawan sila at nakikita ang ginagawa nila.  Sabi niya mas exciting daw.

Haayyyy … Diyos ko po! Ang babastos nila!  Kita ngang hindi pa ko nagkaka crush kung anu ano na naririnig ko … paano pa ako magkakainteres sa mga lalaki?  Yucckkksssss!!!

Hindi ko naman maiwan ang tindahan namin para hindi ko sila marinig dahil nagluluto si Mama ng orders.

Isa kasi sa nagpapalakas ng kita namin ay yung mga orders ng mga suki.  Halos yung nasa neighboring subdivisions ay kay Mama umoorder ng lutong bahay na ulam.  Naka pack na siya pag pick up.  Maganda ang packaging niya. Mukhang sosyalin ang dating at super sarap magluto si Mama!

Well, patuloy pa rin sila sa payabangan nila sa kanilang sexcapades.

Banat ni Jhun,  “Wala kayo sa kin!  Yung nililigawan ko hindi ko pa syota … isinakay ko sa kotse kunwari ihahatid ko pero dinala ko sa kubo namin sa farm.  Hayun … isinuko ang Bataan!  Alisan ko ba naman ng panty habang nili lips to lips ko … tapos isinabit ko yung panty sa bubong ng kubo … hindi niya maabot yun.  Hanggang pag uwi nga walang panty eh … ha ha ha!”

Sumabat din ng pagyayabang si  Tony… bukas abangan nyo si Mercy kung makakalabas … tinadtad ko ng chikinini habang nagsi s_x  kami sa manggahan.

Tumanim sa isip ko yung ginagawa nila.  Hindi na nila binigyan ng kahihiyan yung mga babae.

Hindi kaya nila naisip na kung ganon ang gawin sa kapatid nilang babae, sigurado bubugbugin nila yung nagkakalat nun di ba?

Kasi yung mga kapatid nga nila ang babata pa may mga boyfriends na rin at sumasama na ring makipag date kung saan saan ayon sa bali balita ng mga tsismosa.

Haaayyyy … sa wakas … natapos rin si Mama … may ibang naka-aasign sa packaging kaya pumunta na si Mama sa tindahan dahil hindi niya rin gusto ang naririnig niya sa mga nag iinuman kaya pinapasok na ako sa loob ng bahay.

Hello diary, may pagka tsismosa yung sulat ko ngayon.  Di bale tayong dalawa lang naman nagkakaintindihan.  Hindi ko naman sinadyang marinig eh.  Nagkataon lang na ako ang bantay sa store.

Sige na … napagod ako eh … sa pakikinig!  Ha ha ha ha!

Next time uli …. Muaaahhhhh!

                            Love always,

                                 “YAH”

❤Thanks for reading❤❤

 

❤Don’t forget to vote❤❤

Hello Diary, Yah!  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon