Entry No. 9

176 25 49
                                    

                  “NEW NEIGHBOR”

Hello Diary,

Nice afternoon!  Dahil sa summer, tinutulungan ko si mama sa aming source of income.  Kumuha kasi siya ng franchise ng isang kilalang name ng sio mai at  shake para sa napapanahong temperature.

Ako ang nakatoka sa dalawang booth at may isa akong assistant na kinuha ni Mama kasi pag nagkasabay sabay ang bumibili mahirap mag isa,ka lang.  Lalo na after ng basketball games … daming suking nag uunahang maka order.

May isang super cute na guy na bumili ng sio mai at coke.  Ngayon ko lang sya nakita na naglaro ng basketball sa court ng subdivision namin.

He smiled at me and said “hello,” na sinagot ko naman ng “hi,” na may kasamang matamis na ngiti.

Gwapo niya  .. kalurkey!  Whiter teeth … kissable lips at wheeew … oozing sex appeal lalo na sa suot niyang basketball attire.

Pero nanghinayang ako nang marami pang dumating na costumers na kailangan kong asikasuhin.  Noong kumonti na ang mga suking bumibili, wala na siya … sayang!  Ngayon lang ako nagka crush sa isang lalaki.  Yung attracted talaga ako sa ngiti pa lang niya. 

Dati kasi noong bata pa ako nagka crush ako sa naka kotseng pula na may girlfriend na pala.  Pero na realized ko na yung pulang kotse talaga yung dahilan ng admiration kasi siya lang yung may ari kaya napagkamalan ko lang pala yung feelings.

Pero iba itech!  Sinetch itech??? Anong name niya???

Andami naming benta!  Wagi ang kaha pero sawi ang bruha!

Medyo pagabi na nang sabihin ni mama na ako muna ang tumao sa tindahan dahil maliligo lang siya at sa dami ng niluto niya di na raw mawarian ang amoy niya.

Pagod rin ako at malungkot pero carry pa naman.  Sino pa ba naman ang maaasahan ni mama sa kaha kundi ako?

May narinig akong tinig na parang na budul budol ako!

“Hello, miss pabili nga ng Nescafe creamy 3-in1 mga 10 sachets at samahan mo na rin ng skyflakes isang pack.”

Sa pagkakatingin ko sa kanya di ko alam kung  halata ba ang super OA kong reaction!

“Huh?  A- Aaahhh …. W- wait l-lang ha.

Tumakbo ako sa likod ng partition na may nakasabit na salamin.  Tiningnan ko kung ok pa ba ang hitsura ko   Ok pa naman   nagpulbos lang ng very light at naglagay ng konting lip tint. Medyo inayos ang buhok ko sa pagkakatali.  Mukhang fresh na.

Nang bumalik ako ay dala ko na ang inorder niyang nescafe at skyflakes.  Inilagay ko iyon sa plastic saka iniabot sa kanya sabay abot ng 100 peso bill na bayad niya.

Habang kumukuha ako ng sukli tinanong niya ako kung anong name ko.  Nagpakilala siya.  Rayven ang pangalan niya at bagong lipat daw sila sa subdivision namin.

Siyempre umalagwa na naman ang tibok ng dibdib ko.

“Just call me Iyah.  Welcome to the neighborhood.”  Kalmado kong sambit.  Pero kung alam nyo lang halos mapulupot ang dila ko bago ako nakapagsalita.

“Nice to see you again.  Sige, tutuloy na ko …” magalang niyang paalam.

“Hey, Rayven, yung sukli mo … nakalimutan mo!”  Sigaw ko.

“Ooopppps … sorry … thank you ha!”

Sabay abot niya ng sukli.  Nagkalapat ang aming mga palad.  Nagkatitigan kami ng ilang segundo.  Feeling ko … pulang pula ang mga pisngi ko.

Natulala din siya pero agad kaming nakabawi agad.  Mabilis siyang tumakbo papauwi na waring napahiya.

Dyuskupo!  Mas torpe pa sa akin! Ako nga dapat mapahiya eh!  Inagawan ako ng eksena!

Haaaaaaaiiissssttttt!!!!

Hey, dear diary … pumapag ibig yata ako … ayieeee!

Next time again, buddy!

                             Love always,

                                    “YAH”

♥Thanks for reading♥♥

♥Don’t forget to vote❤❤

Hello Diary, Yah!  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon