"GUAVAS"
Hello Diary,The memory of guavas to me seems a little annoying but cute...
Dahil nga matagal bago ako nakalakad ng normal, maraming bagay akong na miss. Kapag nagkukwentuhan ang mga kaklase ko noon na nangunguha sila ng bayabas kina Cecilld … naiinggit ako … sabi ko sa sarili ko sana ako din.
So, nang kaya ko nang lumakad ng normal … nang magkayayaan ang magkakaklase … siyempre sama agad ako! Chance ko na eh!
Nalibang talaga ako bukod sa masarap talaga yung guavas ang dami ko pang nakuha isang plastic bag. Malawak kasi yung bayabasan ng clsssmate ko. That was an amazing experience during that moment … for me. First time kong hindi umuwi ng lunch para lang makasama sa kanila.
BUT OH MY GOD COCONUT!
Nung pumasok na ko ng classroom for the afternoon session ng class … dumating ang nanay ko … ang lakas ng boses … sinigawan ako … grabe parang may amplifier!
Galit na galit na pinalabas ako sa room at sinalubong ng pingot sa tenga at di pa dun natapos yun. May dala pa siyang patpat at pinalo ng pinalo ang binti ko.
Umiyak ako sa sakit at kahihiyan sa kaklase ko.
Galit na galit siya kasi hindi ako umuwi ng lunch. Hindi ako nagpaalam. Akala niya daw kung ano na nangyari sa akin kaya hindi ako nakauwi.
Siyempre kasalanan ko rin dahil hindi ako nagpaalam. Pero bata pa ako noon at nagtanim ako ng hinanakit sa nanay ko kasi napahiya ako sa buong klase. Pwede niya naman sana akong kausapin ng mahinahon.
Pero siyempre tampung topak lang yun Lumipas din agad.
Goodnight na diary. Next time uli!
Always,
“YAH”
❤❤Don’t forget to vote❤❤
![](https://img.wattpad.com/cover/248492372-288-k851167.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello Diary, Yah! (Completed)
General FictionThis is about a personal journal of someone who looks at the past events in her life as a learning tool while riding life's train. She thinks of our lives as a means of transportation. We travel daily and we won't go down unless we arrive at our o...