"RED CAR"
Hello Diary,Galing school naglakad kami ng friend ko. Hindi ko siya schoolmate kasi sa private school ako pumapasok noon at si Erlinda ay sa public school. Nagkita kami sa may plaza. Nagsabay na kami naglakad dahil magkapitbahay kami.
Syempre habang naglalakad kami walang hanggang kwentuhan tungkol sa mga crushes. Pareho kaming hyper pagdating sa topic na yun. Malakas pa ang kilig at tawanan namin.
Habang nagkukwrntuhan kami ay marahan kaming naglalakad pero kahit mabagal lang ang hakbang namin ay dumating din kami malapit na sa bahay namin. Ang location ng tirahan namin ay nasa main highway maraming dumaraan na sasakyan at dahil highway may mabibilis talagang magpatakbo ng sasakyan.
Medyo naitulak ako ni Etlinda pag tapim niya sa balikat ko kaya na out balance ako.
May rumaragasang kotseng pula kaya hayun … nasapol ako!
Tarantang tinawag ng mga kapitbahay ang nanay ko dahil nga nabunggo ako ng kotse.
Sabi nila sobrang panic ni mother dear. Tumatakbo daw pero hindi umaalis sa pwesto niya. Can you imagine that scenario???
Well … to make the story short … ospital ang binagsakan ko … minor injuries lang … bruises … pero mahapdi ha! At masakit nalamog balakang at namamaga tuhod ko noh!
Katakut takot na sermon na naman ang inabot ko kay madir!
Pero okau lang kasalanan ko may service kasi ako di ko hinintay naglakad ako nang makita ko kaobigan ko he he he. Matigas din kasi ulo ko!
Pero ang good thing out of it, yung driver ng red car? Dyuskoday! Ang gwapo! Naging instant crush ko tuloy! Dinalaw niya ako sa bahay at kinamusta kung okay na ko. Dun din pala siya nakatira malapit sa bahay namin sa may kanto.
YAH, tumigil ka! Bata ka pa no? Pumapag ibig ang peg? Tinanong lang kung okay na kinilig ng todo!
Hay diary … may girlfriend na si Mr. Pogi. Pero tuwing makakakita ako ng red car … naaalala ko si Arnie.
Until next time,
“ YAH”
❤❤Don’t forget to vote!❤❤
BINABASA MO ANG
Hello Diary, Yah! (Completed)
General FictionThis is about a personal journal of someone who looks at the past events in her life as a learning tool while riding life's train. She thinks of our lives as a means of transportation. We travel daily and we won't go down unless we arrive at our o...