C h a p t e r - N i n e

716 34 4
                                    

C h a p t e r – N i n e

Hindi ko alam kung bakit ganito ako nasasaktan ngayon. Kung bakit parang wasak na wasak ang puso ko dahil lang sa nakita ko siya na may kasamang iba. Mas masakit pa itong nararamdaman ko ngayon kaysa sa naramdaman ko noong iniwan ako ni Namjoon.

TT__TT

“Sabi mo mahal mo ako! Sabi mo ako yung mahal mo! Pero tangina mo lang Hoseok! Malunok mo sana yang dila mo! Napakasinungaling mo! Paasa ka! Tangina mo!” hindi ko mapigilan ang sarili ko at pinagsasalitaan na siya ng masama.

Bigla kong pinunit yung picture namin noong nasa Norte kami. At agad ko naman itong kinuha ulit at pilit  na binubuo like a puzzle. Now I’m getting crazy!. Nababaliw na ako dito.

“Nakakainis ka! Gago ka!” pinagsusuntok ko rin yun life size bear ko na niregalo niya noon sa akin.

Tok tok

 

Diko pinansin yung mga katok at patuloy lang ako sa pagiyak at pag aaway sa walang muwang na teddy bear.

Tok tok

 

At dahil naririndi na ako sa katok na yan ay agad kong inayos ang sarili at pilit pinapatahan yung sarili ko.

Tok to—

 

“Bakit ba? nakakarindi na yang katok mo ah! Kung may sasabihin ka sabihin mo na lang sana!” pambungad na sabi ko sa kumakatok kanina,

Oo lahat pagbubuntungan ko ng galit ko. Kahit sino pa siya.

“A-ayu…” bigla akong napatingin sa nasa harapan ko si Greg.

“What are you doing here? Diba nasa States ka?” tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

“Kita mong nasa Pinas na ako eh. Actually nasa bahay niyo pa nga. Nakatayo sa harapan mo!” nakangiting sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Whatever! Bakit ka pumunta dito? Anong kelangan mo?” sunod sunod na tanong ko at nilagpasan siya. Pumunta akong sala at sumunod naman siya.

“Na-miss kita.” Sabi niya. I rolled my eyes at him.

“Sorry hindi kita miss.” Sabi ko naman.

Si Greg ay isa din guy friend ko. Siya yung naging kaibigan ko noon noong naging kami ni Namjoon. Actually bestfriend siya ni Namjoon.

“Ouch! Seryoso dimo ako na’miss?” hindi ko na siya sinagot.

“Okay hmm. Andito ako para sana imbitahan ka—

 

“Hindi ako makakapunta.” Putol ko sa agad niyang sasabihin. Wala akong gana sa mga parties or whatsoever jan.

“HA? Eh bakit naman? Wag naman Ayu! Wag akong biguin. Nilagay na kita sa inivitation oh.” Sabay tingin sa invitation na nasa table sa harapan ko.

Binasa ko yung nandoon.

Dela Cruz – Juarez Nuptial

 

“Ikakasal ka na???” napasigaw na tanong ko. Nagulat pa ata siya sa inasal ko pero agad itong tumawa. Binatukan ko nga.

“Aray naman! Oo! Ikakasal na ako! at ikaw ang Maid of Honor ko.” Nanlaki bigla ang mata ko. WHAT? ME? MAID OF HONOR?

Okay O.A Ayu! Pero seryoso ikakasal na itong kumag na ito?

“gago ka *boogsh* tsaka mo lang naisipang *wapak* magbakasyon ngayong *hiyaaa* ikakasal ka na *pyong* Tapos ako pa ang abay mo *boogsh*” ayan pinagsasapak, tadyak, kiliti at kung ano ano ko na siya. >__< xD

“A-aray naman Ayu! Kahit kelan sadista ka pa rin! Aba kasi naman ayaw akong pagbakasyunin ng asawa ko—

 

“Future wife. Baka mag back out pa yun. Hahaha”

“Hoy hwag naman! Mahal na mahal ko iyon.” Agad akong natahimik nong sinabi niya iyon. Mahal?

Sus! Mawawala din yan! Bitter ba? Sorry broken hearted eh!

“Mabuti ka pa nahanap mo na yung other half mo. Eh ako? Mag madre na lang kaya ako?” bigla kong nasabi.

Pinalakihan naman niya ako ng mata.

“Darating din sa’yo yung taong nararapat para sa’yo. yung taong sasabihin mong siya na. Hwag mo nga sabihing mag madre ka. Isa kang demonyo hindi ka bagay dun. Hahahaha-Aray naman!” kasi naman eh. Ang ganda na niyang mag advice tapos may kasama pang segway! >3<

“Sus! Eh bakit noonng kami ni Namjoon? Sinabi kong siya na. tapos hindi naman pala?” bigla kong natanong. I saw him grinned. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Masyado pa kayong bata noon. Tss. May iba sigurong nakatakda sa’yo. Wag ka ngang atat. Marami pang pwedeng mangyari. Haaayy!”

Oo nga. Marami pang pwedeng mangyari. At siguro hindi pa ito yung tamang panahon para makaharap ko siya. Siguro God is still preparing for that day. That day na mahahanap ko siya.

“tara! Libre mo ako! nagugutom na ako. At tsaka baka huling date na nating tong dalawa. Malapit ka ng matali.” Pagbibiro ko. Ginulo niya lang yung buhok ko.

Kahit papaano. Gumaan naman yung pakiramdam ko. Sana lang hindi masisira itong ngiti ko ngayon.

Haayy! Si Greg ikakasal na. SI Namjoon engaged na. Eh ako? Nganga! Bwisit! Bakit ba ang malas malas ko pagdating sa lovelife? -__-

--

Sorry sa sound effects hahaha. Poor kasi ang author guys. Hahaha :D at dahil sinipag ako mag update edi nag update ako. sana magustuhan niyo ang UD ko today. Nga pala pakibasa yung Scared To Death V’s Fanfiction. Ayun lang. Enjoy your day! ^__^

Lucky I'm Inlove With My Bestfriend [BTS-JHope FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon