C h a p t e r - T e n

716 31 3
                                    

C h a p t e r – T e n

Andito kami ngayon sa isang restaurant. Sabi ko sa Mcdo na lang or sa Shakeys eh dinala ba naman ako sa isang fine dining. Mabuti na lang at medjo formal tong suot ko. Naka dress at 3 inches heeled shoes. Nasanay na kasi akong mag heels pag namamasyal. :)

“Diba siya yung best friend mo?” bigla ay napatingin ako sa may pintuan. Biglang nanikip yung dibdib ko sa nakita ko. So palagi na lang ganun? It feels like dejavu. Ganito din noon eh. Nasa isang restaurant ako tapos makikita ko siyang kasama itong babaeng malanding ito.

“Oyy bawas bawasan ang titig baka matunaw sila.” Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Kung nakakatunaw lang sana ang titig.” Sabi ko tapos tumingin ulit sa gawi nila.

I hate how that girl flirts with my bestfriend. Tang*na!

“May gusto ka sa best friend mo no?” bigla ay napatigil ako at napatingin sa kanya.

May gusto ba ako sa best friend ko? Hindi. Wala!

“H-hindi no! W-wala!. B-bakit mo naman nasabi?” I uttered.

“Halata eh.” Sabi niya sabay tingin sa plato ko.

Oh great! Kawawa yung karne na sobra ng nadurog dahil sa nagngingitngit na ako sa galit at selos. Bigla ay naramdaman kong parang nagtutubig na yung mata ko. “Excuse me. C.R lang ako. Naiihi eh” lame excused. Alam kong alam niya kung ano ang gagawin ko.

Pagkapasok ko sa loob hindi ko na mapigilan at napaiyak na ako doon. Nakakainis! Ang sakit sakit. Ang sakit sakit dahil kasalanan ko kung bakit siya lumayo sa akin. Kung bakit iba yung kasama niya at nagpapasaya ngayon sa kanya.

Pero hindi ko alam kong kasalanan ko ba talaga o ano! Sabi niya ako si Mayumi pero bakit yung kasama niya si Mayumi naman! I need a fucking explanation! We need closure. But I don’t know how to face him. After rejecting him in front of many people? TT_TT

“Uh! H-hey! A-are you okay?” bigla akong nagpunas ng luha at tumingin sa pumasok.

Nagulat ako ng kaharap ko siya. Yung babaeng dahilan ng pagiyak ako.

“A-ah. Y-yes!” sagot ko. Lalabas na sana ako kaso pinigilan niya ako.

“Are you Ayumi? Ikaw yung best buddy ni Jhope right? Oh great! Gusto na kitang makilala, matagal na. Pero laging may excuses si Jhope sabi niya always busy ka daw and don’t have time para makipag hang out sa akin.” She pouted. Tila ay nabingin ako sa narinig ko.

Matagal na niya akong gustong makita? Pero laging nagrarason si Jhope para lang di kami magkaharap? What’s with him? ANong kagaguhan ba itong ginagawa niya?

“A-are you okay? B-bakit umiiyak ka na naman?” nag aalalang tanong niya.

Ngayon ko lang narealize na umiiyak na naman pala ako.

“A-ah ano… Sht!” bigla akong tumakbo palabas ng c.r

Papunta na ako sa upuan naming nung may mabangga ako. ‘Ayu?” biglang tumigil yung pag ikot ng mundo ko ng marinig ko yung boses niya. God! How I miss his voice. TT_TT

Sht! Sht! Sht! Mas lalo akong napaiyak. I wanna hug him right now. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at pagsasapakin bakit niya ito ginagawa sa akin. Bakit siya lumalayo sa akin. Hindi sapat yung pagreject ko sa kanya para layuan niya ako. magtatlong linggo na simula noong nireject ko siya.

“I’m sorry.” Sabi ko before akong tuluyang umalis. I’m sorry. Doble meaning para sa akin yun.

Sorry dahil nabunggo ko siya. And sorry dahil napahiya kita sa harap ng maraming tao. Pero mag so sorry ba ako kung nasaktan ko siya? Eh mukhang hindi naman siya nasaktan dahil sa pang reject ko sa kanya noon?

Agad kong kinuha yung bag ko tsaka ako lumabas ng restau. “A-ayu Okay ka lang? Hey! Wait!” narinig kong sumusunod si Greg sa akin. Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Tatawid na sana ako kaso biglang may humila sa akin at niyakap ako. From there mas binuhos ko yung sakit ng nararamdaman ko. Sobrang sakit. Ang sakit sakit. “Iiyak mo lang yan.” Sabi niya.

Bakit kasi sa dinami dami ng pwede kong mahalin ulit ay sa best friend ko pa? Bakit kung kelan handa na ulit ako magmahal sa lintik na best friend ko pa? Bakit ako nahulog sa taong walang kasiguraduhan kong sasaluhin niya ba ako?

“Ang sakit Greg. Ang sakit sakit…” halos pabulong na sabi ko. Hinaplos niya yung buhok ko at tinap yung likod ko.

Sa tuwing magmamahal na lang ba ako ay makakaranas ako ng ganito? “Get off your filthy hands to my best friend bro!” pagkarinig ko nun ay bigla ko na lang naramdaman ang isang kamay ng hila hila ako.

Anong nangyayari? Naramdaman ko na lang ang sarili ko na na tumatakbo dahil may humihila sa akin. When I look whos this bastard is… “H-hoseok?” I whispered. 

Bigla siyang tumigil at hinarap ako. tinignan niya ako sa mata. Napupuno ito ng galit, selos, punong puno ng emosyon ang mga iyon.

“You’re with an engaged man, Ayu. Are you nuts?” bigla ay tanong niya..

biglang umakyat yung dugo ko. “What’s with you anyway? Wala ka naman ng pake’alam sa akin, diba? Balikan mo na lang si MAYUMI doon. Baka magwala dahil iniwan mo. I can handle myself.” Marahas kong binawi yung kamay ko na hawak hawak niya.

nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. What? Nagulat siya dahil alam ko na si Mayumi yung kadate niya? Na alam ko na niloloko niya lang ako? Pwes! Gago siya! Dahil hinding hindi ko siya mapapatawad!

--

Lucky I'm Inlove With My Bestfriend [BTS-JHope FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon