E p i l o g u e

1.2K 51 23
                                    

E p i l o g u e


"You may now kiss the bride." Announce ng pari. Biglang tumulo yung luha ko dahil sa sayang nararamdaman ko. I looked at Hoseok who's also looking at me.


He mouthed don't cry but I can't help it. I am so filled with happiness right now. I wiped my tears when I heard their claps at sigawan. Napatingin ako sa mga bagong kasal na katatapos lang maghalikan.


Ang saya nilang tignan.


Oh wait! Akala niyo kinasal na ako no? No no no. It was Greg and Charm. At ako yung bridesmaid.


After ng picture taking ay pumunta na kaming reception. Nasa car ako ngayon ni Hoseok. "Tayo na kaya ang susunod?" sabi niya na ikinabigla ko.


"Naiinggit ka no? Sus! Patapusin muna natin sina RapMon tapos tayo sunod para tayo ang bongga! Hehe." It's already been a month since naging official na kami na Hoseok. At sa isang buwan na iyon ang dami ng nangyari. Like pag aaway, well hindi naman talaga maiiwasan ang away sa isang relasyon pero sa amin? Muntik na kaming maghiwalay, pero hiindi eh, kahit na anong away namin we still end up losing each other's defense at binababa ang pride. Mas gusto ko ng maputol ang pride ko kaysa sa mawala si Hoseok.



"Kung makapag drama ka kanina parang ikaw yung kinakasal eh. Tayo na kasi ang sunod!" pangungulit niya.

 


"Isa Hoseok! Di makapaghintay? We have a lot of time para magpakasal. Inggit mo lang yan, ikain mo na lang mamaya." Sabi ko.


Hindi naman sa ayaw ko siyang pakasalan, kahit nga ikasal na kami ngayon okay lang I am willing to say yes to him pero kasi marami pa akong bagay na mga hindi nagawa being an independent. Kakaumpisa ko pa lang sa work ko, kakaroon ko pa lang ng lovelife and kakaayos ko palang ng buhay ko tapos magse'settle down na agad agad? And I know may time din para sa kasal.



"Excited lang naman kasi ako eh." I heard him whispered.



I just rolled my eyes at pinagmasdan ang bawat nadadaanan namin. We are now heading to the reception.  Ako ang nag plan ng wedding, I organized everything, from the designs and the venue. Pagkarating namin sa reception area I immediately went to the bride and groom syempre gawain ng isang maid of honor maging yaya ng bagong kasal na babae. Taga bitbit nung laylayan ng gown.



After ng mga chuchu ek ek ng emcee nagsimula na ang party, sayawan, kainan at kung ano ano pa.



After magsayaw ng bride at groom dumating na yung time na pinakahihintay ng mga atat na ikasal. One of our traditions in wedding ceremony ay ang paghagis ng bride ng kanyang bouquet at garter naman sa groom at kung sino man ang makasalo nung ay sila daw yung susunod na ikakasal. Ayoko sanang makipag agawan sa bulaklak pero si Hoseok ang nanulak sa akin papunta sa area ng mga gustong makipag agawan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Lucky I'm Inlove With My Bestfriend [BTS-JHope FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon