C h a p t e r - T w o

1.3K 45 6
                                    

C h a p t e r – T w o


At dahil summer ngayon syempre magsu’swimming kami! Wieeehhhh! On the way na kami papuntang North. Sa Pagudpud. Pupunta kaming boracay of the north!

“Nadala mo ba yung sunblock mo? Yung earphone mo? Nagdala ka ba ng swimsuit mo?” tanong ng budz ko. Jusko. Naman makakalimutan ko ba ang mga iyon? Syempre hindi!

“All complete master!” nakangiting sagot ko sa kanya. Nag nod lang siya at pumasok na ng sasakyan. Sumunod na lang ako sa kanya.

“Mom sa Hannahs po tayo mag check in?” tanong ko kay Mom na nasa tabi ni daddy sa harap. Si Daddy ang nagddrive.

“yes darling.  Mabuti na lang at kasama natin si Hoseok.” Sabay tingin kay Hoseok sa tabi ko. Nakangiti naman siya kay mom.

Sina Hoseok ang may ari ng hotel na pagsstay’an namin. Mayaman talaga ang bruha! -.-

Habang nasa biyahe kami naglalaro lang ako sa tab ko. Si Hoseok naman ayun tulog. Kelan pa siya gising? Hihi. Ang cute matulog ng budz ko. Ang sarap kurutin. Pero wag na masama pag kinukurot siya habang tulog baka patayin pa ako neto :D

**

 

“Wooooh! Hello Norteee~!” masayang bati ko pagkalabas namin sa sasakyan. Napatingin tuloy yung iba sa amin. Well, I don’t care basta maganda ako pwede akong mag ingay. Mwahaha :D

“Kahit kelan talaga kalahating speaker kalahating tao ka.” Napakamot siya sa ulo. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagdiretso na sa loob ng hotel. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.

Tig isa kami ng room na kinuha nina Mom alangan namang mag ka room kami ano? Duh! Kahit daw best friend kami di pwedeng magkatabi kaming matulog sabi ni Dad. Pero si mommy okay lang sa kanya. Alam naman niyang good girl ako eh. Wala lang talagang tiwala sa akin si dad. And it hurts. :3

After kong maayos ang mga gamit ko sa room lumabas na ako at pumuntang tabing dagat. Waahhh! Para talagang nasa bora kami! Pumunta ako sa mga statue doon. Nagselfie. Nakita ko si Hoseok na nakashades, naka white short at naka manggas lang yung stripe blue and white. Grabe laglag ang panga ng mga babaeng madadaanan niya. ang gwapo naman ng best friend ko :””> ^____^

 

“Buddyyyya~!!” tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin tsaka kumaway. Yung mga bruha naman sinamaan ako ng tingin at mga parang nawalan ng pag asa. He’s my best buddy. Walang sa inyo mga bruha kayo! Hmp!

 

“Nakakainis ka budz! Tignan mo iyong mga mata nila? Kung makatingin sa’yo parang hinuhubaran ka na.” naka pout na sabi ko.

Ginulo niya yung buhok ko sabay tawa ng mahina. “Selos ka naman budz?” tukso niya. tinaasan ko lang siya ng kilay.

 

 

“Duh! Hindi ah! Akala ko ba mahal mo si Mayumi? Eh bakit ka pumapayag na landiin ng iba?” sabi ko.

Sasabihin may mahal na siya tapos hahayaan niyang landiin siya nung mga bruhang iyon kanina! >3

 

“Hahaha. O siya mag selfie ka na nga lang. Akin na cellphone mo picture’an kita.” Binigay ko na sa kanya at nagselfie lang kami ng nagselfie.

 

“Gusto ko ng maligo. Tara budz maligo na tayo?” yaya ko sa kanya. Nakaupo kami ngayon dito sa may buhanginan pero nilatag namin yung malaking panyo na nakasuot kanina sa akin. Naka two piece na lang ako ngayon. Wag kayo! Sexy ako! walang baby fats! Myehee~ May abs ako. Syempre nagwo’work out ako every Wednesday and Saturday. Kelangan sexy din ako no! :D

Lucky I'm Inlove With My Bestfriend [BTS-JHope FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon