C h a p t e r - S i x

992 35 7
                                    

C h a p t e r – S i x

Habang naglalakad kami palapit sa kanila napahawaka ako ng mahigpit sa braso ni Budz. At ng magkalapit na kami at nasa tapat ko na siya hindi ko alam ang sasabihin ko.

“J-hope? Bro! Nice to see you again!! Ayumi? Ikaw na ba yan? Tignan mo nga naman babaeng babae ka na ah. Hehe! Kayo na ba? Ah anyways si Sharlotte pala my fiancé” pakilala niya sa amin. Napatingin ako kay Shar. Ang lawak ng ngiti niya.

“Hello guys! Hi Ayu!” bati niya sa akin. NAgulat nga ako ng bigla siyang makipagbeso beso sa akin eh.

Siya si Sharlotte ang totoong nagmamay ari kay RapMon. Matagal na silang engaged hanggang ngayon dipa sila kinakasal?

“Alam mo hindi kita nakilala! Tignan mo nga naman ano? Hindi ko aakalaing yung captain ng baseball noon at yung taong mahilig manamit ng panlalaki at laging naka baseball cap ay andito sa harapan ko and looking stunning.” Manghang mangha na sabi niya.

I flushed. Yeah! Boyish ako noon! At nung naging kami ni RapMon doon ko lang natutunan mag ayos ng sarili ko. At nung naghiwalay kami doon na ako nagpaka babae. Hindi ako katulad ng iba na pag na broken hearted magpapaka tomboy na. Ang goal ko kasi noon eh magpaka babae na at ipakita kay RapMon kung sino yung sinayang niya, kung sino yung sinaktan niya. Pero sa tingin ko wala siyang pinagsisisihan sa pagsira sa puso ko. He looks happy now, with her.

“Oo nga eh! Diko din akalain na biglang nagpakabakla yung dati kung buddy.” Singit naman ni Hoseok. Tinapik ko siya.

“Bakla sinasabi mo jan! Wag ka nga baka sipain kita jan ng wala sa oras eh!” sinamaan ko siya ng tingin.

“OMG babe look at them diba ganyan din tayo noon? You two look cute together.” Natutuwag sabi ni Shar. Agad naman akong pinamulahaan ng pisngi at tsaka yumuko.

“Ahm Shar let’s go na? Ah sige bro hanap lang kami ng table. Sige Ayu---

 

“Babe, why don’t we just share table with them? Diba guys? Tayo na lang magkakatable, kayo lang kasi yung medj kakilala ko. Hehe” sabi niya na nagpacute.

Oo kakilala niya kami. Medjo close nga kami ni Shar noong highschool kami eh. Pero hindi sya dito nag aral ng highschool. Noong naging kami ni RapMon nakilala ko siya bilang bestfriend ni Rapmon. At yun din yung time na nagkagulo na ang lahat. Yung time na nalaman kong hindi niya pala ito bestfriend kung hindi fiancé na niya ito. At mas pinili ni Rap ang hiwalayan ako at piliin ang mapakasal sa bestfriend niya. Walang alam si Shar sa past namin sa tingin ko, dahil kita naman sa inaasta niya eh. Alam kong walang balak na sabihin si Rap sa kanya.

 

“O-okay. Tara.” Sabi ni Hoseok sabay hila sa akin.

“Just be comfortable. I’m here buds. I’ll never leave you. Smile. Please” pabulong niya. I nodded.

Pinaghila niya ako ng upuan kaya nagulat ako doon. Mas lalo akong kinakabahan sa asal ng best buddy ko ngayon eh.

Lucky I'm Inlove With My Bestfriend [BTS-JHope FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon