C h a p t e r - T w e l v e

908 38 5
                                    

Dedicated to her. Thank you din dahil sa super suporta ka story na ito. labyuuu~ myehehe :") Sana sa chapter na ito hindi ka na maiyak. Hihi. Sana mapakilig na kita. yay! 

(Play the song at the side/multimedia Bestfriend by: Jason Chen)

C h a p t e r – T w e l v e

I decided to go out and have some walk. Nakakabagot na din kasing tumambay sa loob at para naman makalanghap ako ng fresh air.

“Ayu…” nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko yung boses niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Tatakbo ba ako? Lilingon? O magpapalamon ng buhay sa lupa.

“A-anong kelangan mo?” tanong ko ng hinarap ko siya.

Medyo nasa malayo siya. “Pwedeng ayusin na natin to?” tanong niya.

I laugh sarcastically. “Anong aayusin? Wala namang nasira eh. Ay meron pala. Yung tiwala ko sa’yo. Pero hindi na maayos iyon. Dahil sirang sira na.” pinilit kong hwag maiyak.

Pati tong puso ko Hoseok. Wasak wasak. At hindi ko alam kong maayos pa ito.

“Bakit ba parang galit na galit ka? What did I do to you?” mas lalo akong nainis dahil sa inasal niya.

“Gago ka talaga eh no?! Napakasinungaling mo! Napakagago mo! Paasa ka!” hindi ko na mapigilan at napasigaw na ako dito. bigla na namang nagsituluan yung mga traydor kong luha. Agad ko itong pinunasan at pinilit na patahanin yung sarili ko.

“Ano bang nagawa ko?” parang tanga niyang tanong.

Ang sarap ibato sa kanya ang mga bato dito sa paligid ko. “Manhid ka ba? Tanga ka ba? Akala mo ba hindi ko alam na pinaglalaruan mo lang ako? Akala ko bestfriend kita pero hindi ko akalaing gagaguhin mo ako! Sinabi mong si Mayumi at ako ay iisa. Sabi mo Mahal mo ako! Pero gago ka! Lokohin mo na lahat wag lang ako! alam mo kong ano ang pinagdaanan ko noon! Pero may gana ka pang lokohin at gaguhin ako.” nakakainis. Nakakaasar. Sige lang sa pagtulo itong mga luha ko. Ramdam ko din ang sakit sa puso ko.

Nakita ko ang lungkot at gulat sa mga mata niya.

“Sabi mo ako si Mayumi. Pero tang*na mong gago ka! After mong ma’reject makikita ko kayong magkasama nung Mayumi na yun?” napahawak ako sa puso ko dahil sobrang sakit na ito.

Parang dinudurog ng paulit ulit.

“anjan ka na naman Ayu eh! Agad agad ka na namang nagco’conclude! Uso magtanong, Ayu!” sabi niya. “Ikaw ang Mahal ko. At kung ano yung nakita at narinig mo noong Reunion’s Ball ay totoo. Ikaw at si Mayumi ay iisa.” Dagdag pa niya

Umiling iling ako habang umiiyak. “Wag mo nga akong gaguhin! Alam ko ang totoo. Yung kasama mo sa restaurant noon ay si Mayumi. Totoo si Mayumi. At hindi ako si Mayumi! Narinig ko sila noon sa c.r sa isa niyang kakilala. Ikaw din yung boyfriend niya na nakilala niya sa fb.” Napayakap ako sa sarili ko dahil biglang umihip ang hangin.

Lucky I'm Inlove With My Bestfriend [BTS-JHope FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon