Corrine's Point of View
Anong oras na pero hindi ako pa rin ako makatulog. Kanina pa akong 10 pm sa kama pero it's already 12! Anong ginawa ko ng dalawang oras? Tumitig sa ceiling the whole time??Gising na gising pa rin diwa ko, that's why naisip ko na tumambay sa pool area at maglabas ng wine. Pero sinilip ko muna si Luna at nakita ko namang mahimbing na siya.
Yang Compatibility Test na yan, yan ang may sala. Partly, ang tatlong bruhilda! Paalala ba naman yung first kiss namin ni Theo tapos dumagdag pa yung tanong ni Luna tungkol sa first "I Love You" naman.
Oh diba hindi bagay. Sa tanda kong to, ganito pa rin iniisip ko. Pero kasi hindi ko madeny na importante siya at di ko makalimutan.
Nagsalin ako ng wine sa wine glass malamang at ininom ito at huminga ng malalim.
Today, sa wakas, natuloy na rin ang picnic ng barkada. Andito kami sa Antipolo so mahangin at presko.
It's been five months since Elise's birthday, the day when Theo announced sa barkada na nililigawan niya ako.
We've known each other for about a year now, and I can say that what we have is really really special. And I can't deny the fact that I'm falling for him. Hehe.
Sa gwapo ba naman nito? At hindi lang'yun. Gentleman, may respeto, maalaga at marami pang iba. Baka hindi ako matapos kapag inisa-isa ko. So to make it short, he's my ideal guy, the man of my dreams. Sinisigurado ko lang kaya 'di ko pa sinasagot.
"Corrine oh," he gave me a paper plate and smiled. Kakatapos lang namin mag-ayos ng ppwestuhan namin. Naglatag lang ng mga malalaking tela and nilabas yung mga food sa basket. Ang daming food! Hahaha nagpotluck kasi para lahat may ambag.
Inisa-isa niya lahat ng pagkain, inaalok ako kung gusto ko ba. At kada sasagot ako ng oo, lalagyan niya ako ng pagkaing 'yun sa plato ko. Gentleman 'no? I'm one lucky woman!
Kumain kami lahat ng sabay-sabay at puro kami jokes, kwentuhan tapos asaran. Ang saya lang! Swerte ko sa mga 'to kahit mga siraulo madalas.
"May gusto ka pa bang kainin?" tanong niya after he gave me a bottle of water.
"Wala na, thank you," I replied and drank from it. After ko uminom, kinuha niya sa akin 'yung bote tapos siya nagtakip kasi nasa kanya yung cap since niya nagbukas.
At mukhang di nakaligtas yun sa mata ni Veronica kasi sumigaw. "Uy, naks! Sweeeeeet!"
"Kayo na ba?" tanong ni Will na kasintahan ni V tapos nag-ingay na naman yung barkada pero sinaway sila ni Theo.
"Tumigil nga kayo, baka lalo akong 'di sagutin eh. Hindi PA kami, okay?" sabi niya na parang nababadtrip. Hahahaha.
Natawa naman ako, "Tong mga to, pinanganak talaga kayong mga chismoso't chismosa ano??" sabi ko tapos lalo silang natawa.
"Eto naman nagugulat pa, binuhay kami para dun!" sabi ni Terry tsaka tumawa na naman.
-----
Nagkkwentuhan kami tungkol sa kahihiyang ginawa ni V nun huli naming labas.
"Sa kasabawan mo, kung sino sino hinahawakan mo, napagkakamalan ka tuloy na magnanakaw!" asar ko. Nasa mall kasi kaming apat na babae, eh etong si V, sanay siya na nagccling sa mga kasama niya. Basta gusto niya nakahawak.
Tapos naglalakad lang naman kami, ewan ko kung ano nangyayari sa kanya, biglang humawak dun sa babae sa harap namin. Tapos nagulat yung babae. Modus daw namin 'yun para makapagnakaw?? Mukha ba kaming magnanakaw? Sa ganda naming 'to!
BINABASA MO ANG
Reminiscence
FanfictionLuna, a vlogger and the unica hija of Corrine and Theodore, was planning to get her parents back in each other's arms. She thought of making a series that will feature her parents telling their love story in her channel and doing different challenge...