Corrine's Point of View
Malapit na mag-alas onse ng gabi at papunta ako ngayon sa Okada. Oo, sa Okada, specifically sa bar nila dun. Ang lala 'no.May tumawag sa akin na lalaki kanina gamit ang cellphone ni Theo. Sabi niya manager daw siya ng Okada nga malamang. Kanina pa raw umiiyak si Theo dun at tinititigan 'yung number ko. Kaya nung nakatulog daw ito, ay tinawagan ako ni Kuya Manager.
Napaka talaga. Imbes na natutulog na ako at nagpapahinga, papunta ako sa bar. Istorbo ka, Theodore Bustamante!!!
Huminto ang stop light at nairita na naman ako. Pagod na pagod ako ngayong araw tapos kanina ko pa gusto magpahinga, kaso wala eh. Eh kung hindi ko pupuntahan 'to, konsensya ko ang 'di magpapatahimik sa'kin. Tapos hindi rin ako makatutulog. Kaya eto ako ngayon, manunudo ng asawa sa bar ng alas onse ng gabi. Sermon talaga sa'kin 'to bukas.
"Hello, Ma'am?" Sagot ng lalaki sa kabilang linya pero hindi si Theo 'yun.
"Sino 'to? Asan si Theodore? At bakit na sa'yo ang telepono niya? " Sabi ko kaagad at kinabahan naman ako bigla.
"Ah, Ma'am, good evening po. My name is Tony and I'm the senior manager here in Okada Manila. Sorry to disturb you, Ma'am but Sir Theodore is here in our lounge crying and constantly looking at your number since he arrived. Kaya po nung nakatulog, tinawagan ko na po kayo," sabi nung lalaki. Napabangon ako sa kama ko. Theodore, jusmiyo ano na namang ginagawa mo? Nagpapahinga na ko eh!
"Saan nga ulit? Sa Okada ba?" Tanong ko sa lalaking kausap ko. Grabe talagang sa Okada niya pa napili magpakalasing, edi ang daming nakakita sa kanya. General siya tapos maglalasing-lasing. Hindi niya ba naisip reputasyon niya? Ano na lamang sasabihin ng tao tungkol sa kanya? Panigurado, madadamay si Luna dito.
"Yes, Ma'am," sagot niya at napatango naman ako kahit hindi niya nakita.
"Sige, salamat. OTW na ako," sabi ko naman at nagpasalamat siya. Binaba ko na ang telepono ko at nagbihis ako ng medyo maayos na damit dahil nakapang-tulog na ko at hindi na naglagay ng make-up.
Bago ako umalis, sinilip ko muna si Luna sa kwarto niya. Mahimbing siyang natutulog kaya maingat kong isinara ulit ang pinto at tsaka ako nagtungo sa labas kung nasaan ang kotse ko.
Mabilis akong sumakay at ipinaharurot ito papuntang Okada.
Grabe, malapit na mag alas dose pero grabe pa rin yung traffic. Yung totoo? Natutulog pa ba mga tao?
Sinasabi ko na nga ba, maglalasing 'to panigurado. Pero hindi ko naman inaakala na ako yung gagambalahin. Ewan ko sa'yo, Corrine. Kasalanan mo rin yan eh. Kung ano anong pinagssasabi mo sa tao kanina. Malamang masasaktan 'yun.
Maya-maya, pagkatapos ng ilang kembot, nakarating na 'ko. Tinigil ko 'yung kotse ko sa may entrance at sinabi sa guard na may susunduin lang akong lasing kaya 'di na ko magpapark, mabuti naman at pumayag.
Pumunta ako sa lounge ng hotel at nakita ko si Theo na tulog sa counter ng bar. May mga ibang manginginom pero konti nalang.
Lumapit ako sa kanya at sinubukan siyang gisingin. "Theo? Theodore, gumising ka na. Iuuwi na kita," sabi ko habang tinatapik likod niya. May lumapit naman sa amin na lalaking medyo kaedad namin na nakita ko namang nagttrabaho dito.
"Ma'am, excuse me po, ikaw po si Ms. Corrine diba po? Ikaw po 'yung nanay nung batang vlogger na si Luna," sabi nung lalaking nasa harap ko at tumango lang ako.
"Ang ganda niyo po sa personal, Ma'am. Hehe. Ako po 'yung tumawag sa'yo kanina, Ma'am," sabi niya. Oh share mo lang?
"Pasensya na po kayo dahil naistorbo namin kayo," sabi niya at medyo yumuko.
BINABASA MO ANG
Reminiscence
FanfictionLuna, a vlogger and the unica hija of Corrine and Theodore, was planning to get her parents back in each other's arms. She thought of making a series that will feature her parents telling their love story in her channel and doing different challenge...