A/N: flashback = italicized text
Corrine's Point of View
Kakagaling ko lang galing sa kwarto ng anak ko na si Luna. Kakapagod ang trabaho kaya dumeretso na 'ko sa kwarto ko para magpahinga.When I entered, the first thing I saw was our family picture. Hindi pinaalis ni Luna 'yan sa'kin kasi sabi ko sa kanya noon na mananatili kaming pamilya kahit na naghiwalay na kami noon ni Theo. At ang sabi niya, mangako raw ako na hangga't hindi ko inaalis ang picture frame na 'yan dito sa dating kwarto namin ni Theo, pamilya pa rin kami kaya nandyan pa 'yan.
Pero totoo naman 'yan. Pamilya pa rin kami and nothing's ever going to change that. Hiwalay man kami ni Theo, we still consider ourselves na isang pamilya for Luna. 'Di lang kami nakatira sa isang bahay, and that doesn't make us less of a parent. Sinisigurado pa rin namin na naaasikaso si Luna at nabibigyan ng sapat atensyon at pagmamahal mula sa amin.
And speaking of Theo, he's my husband. Yes, kasal pa rin kami pero sa papel nalang. Ayaw rin kasi ni Luna na magfile kami ng annulment.
Siya nga pala, dumalaw siya kanina sa restaurant ko para sabihin sa akin 'yung plano niya para sa birthday ni Luna.
Tinanong niya muna kung ano gusto ni Luna at sinabi ko na ang request ng bata ay simpleng dinner lang. Yung mga importante at malalapit sa kanya lang daw 'yung gusto niya imbitahan.
Busy ako sa pagtingin ng mga papeles ng aking restaurant nang may kumatok sa pintuan ko.
"Pasok!" Sigaw ko habang 'di inaalis yung mata ko sa mga papeles.
"Excuse me po, Maam?" Narinig kong sabi ni Candy, ang assistant ko.
"Yes, Candy? Ano 'yun?" Tanong ko sa kanya pero 'di pa rin ako tumitingin sa kanya.
"Ma'am, may bisita po kasi kayo? Papapasukin ko na ba?" Sabi niya na medyo nanginginig yung boses. Tsaka ako tumingin sa gawi niya nung sinabi niya ''yun.
"Sino ba naghahanap sa'kin?" Tanong ko, nakita ko namang lumunok siya.
"Uhm, Ma'am, si Sir Theo po," sagot niya.
Ano namang kailangan ni Theo. It's been a while, nung huling beses siya dumalaw sa'kin.
Bakit, Corrine? Namiss mo?
Sira, hindi. Malamang hindi. Nasabi ko lang 'yun kasi - teka nga, bakit ba 'ko nagpapaliwanag sa sarili ko. Pero as I was saying, nasabi ko lang 'yun kasi biglang lilitaw ng walang pasabi. Tama. Biglang lilitaw. Nothing more, nothing less.
"Ma'am?" Tawag ulit ni Candy kaya napatingin ako sa kanya ulit. "Ah oo, sige. Papasukin mo na." Sagot ko, sabay sarado ang folders at nilagay sa drawer ko.
Pumasok siya, smilling from ear to ear. Kapal. Close ba kami??? Tumayo ako at hindi ko mapigilan mapatitig. I must say, mas gwumapo siya ngayon. Nakashades siya and nakagel ang buhok. He's wearing a simple white polo shirt and pants pero grabe ang dating. Artista ka ba? Bat ang pogi mo? Ano ba 'yan, Corrine. Yang utak mo.
"Anong atin, Theodore?" Tanong ko kasi kanina pa kami nagtititigan dito. Siya nakangiti pero ako nakasimangot.
"Ah, sabi ng staff mo hindi ka pa kumakain. Let's talk about it over lunch. Kahit dito nalang din. Don't worry, magbabayad ako," sabi niya at putol-putol pa. Kung nakikita niyo kung gaano kabado 'tong lalaking nasa harap ko, baka pagtawanan niya. Parang hindi General.
"Busy ako ngayon, kung anong gusto mong sabihin, sabihin mo na," mataray kong sabi.
Weh pero sa loob loob, gusto na makasabay kumain. Diba Corrine?
Alam mo, traydor ka.
Nakita ko namang nagbuntong hininga siya kaya napa-iling nalang ako.
"Sige, fine. Dun tayo sa VIP section," sabi ko habang paalis ng kinatatayuan ko.
Nakita ko namang napangiti siya. "Uy, di ako matanggihan," pang-aasar niya. Luh kung makapang-asar, kala mo close kami?
"Sige ituloy mo 'yan, baka magbago isip ko," sabi ko at nilampasan ko siya.
"Eto naman, hindi mabiro. Salamat at pumayag ka," sabi niya habang nakangiti.
Tumango lang ako at kinausap ko 'yung manager ng resto ko. Sabi ko ihanda kami ng table sa loob. Mabilis naman siyang tumango at sumunod.
"Halika na dun na tayo sa loob," sabi ko at nauna na ulit maglakad patungong VIP area.
Paupo na sana ako nang magsalita siya, "Teka," sabi niya at ipinaghila ako ng upuan. Aaminin ko, kinilig ako. Oh masaya na kayo? Pinipigilan kong ngumiti para hindi niya mahalata.
"Salamat," bulong ko at tumango naman siya at naupo na rin.
May lumapit sa amin na staff ko and tinanong orders namin. As usual, 'yun pa rin order niya. Favorite niya 'yun eh. Malamang recipe ko.
Pagkaalis nung staff ko, tinanong ko na kaagad kung anong pakay niya.
"So ano na nga pag-uusapan natin, Theo?" Napansin ko namang napatigil siya. Damn, what did I just called him?
"I mean Theodore. Ano na pag-uusapan natin?" Pag-ulit ko ng sinabi ko kanina.
"Tungkol sana sa birthday ni Luna. Malapit na 'yun. Anong plano natin?" Sabi niya sakin pero ramdam ko pa rin yung kaba niya. 'Tong lalaking 'to talaga. Kung nandito si Luna, panigurado aasarin na naman niya 'to.
"Tinanong ko siya last week kung anong gusto niya. Sabi niya gusto niya raw ng dinner pero tayong tatlo lang daw. Ewan ko ba 'dun. Sabi ko magparty siya at mang-imbita pero ayaw niya talaga," sabi ko at tango naman siya nang tango.
"Edi kung 'yun ang gusto niya, edi pagbigyan natin," sabi niya at dumating na order namin. Mabilis lang prinepare kasi nga VIP.
Nagpasalamat kami sa waiter at pag-alis niya nagsalita ulit ko. "Dito sa resto ko?" Tanong ko at tumango ulit siya. Sige, tango nang tango parang 'yung mga display sa kotse.
"Pwede ba tayo sa bahay para magspecial?" sinuggest niya.
"Pwede naman, magluluto nalang ako ng mga paborito niya," sagot ko at sumubo ng pagkain ko.
"Gusto mo ba magpaparty tayo pagkatapos? Isurprise natin. Tutal Wednesday naman ang birthday niya. Tapos isurprise natin ng Sabado kasama mga kaibigan niya," sabi niya.
Magandang suhestyon. Kaso malapit na birthday niya, kaya ba namin 'yun?
"Pwede rin. Dun sa condo ko pwede. Yayayain ko nalang siya dun tapos maghintay kayo dun. Tutal malaki naman 'yun, kasya naman." sagot ko at tumango na naman siya. Di talaga makahindi sa'kin, lahat ng sinabi ko okay sa kanya hahahaha.
Talaga Corrine? Parang kanina lang 'di ka rin nakahindi sa kanya...
Naputol ang pag-iisip ko nang mag-ring ang telepono ko. Pag tingin ko sa caller, si Theodore pala.
Sige, wag mo ko patahimikin. Okay lang talaga.
Sinagot ko ang tawag. "Hello?"
"Hello, Ma'am?" Sagot ng isang lalaki sa kabilang linya pero hindi si Theo 'yun.
to be continued...
BINABASA MO ANG
Reminiscence
FanficLuna, a vlogger and the unica hija of Corrine and Theodore, was planning to get her parents back in each other's arms. She thought of making a series that will feature her parents telling their love story in her channel and doing different challenge...