ZOEY POV.
NAIA...
"Welcome back Dra. Zoey," na-imagine ko na ang sasabihin ng aking kaibigan pag nagkita kami mamaya sa arrival area. At habang nakatayo ako at hinihintay ang aking mga maleta ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. Kung may makakakita sa akin na kilala ako ay siguradong mapapag kamalan akong baliw. Sobra yata ang lapad ng aking ngiti, hump! Pakialam ba nila eh masaya ako eh.
Nang makuha ko ang dalawang bagahe ko ay lumabas na ako ng arrival.
"Best Friend! Welcome back! Oh my God, isa ka ng Doktora ngayon. Inferness mas lalo kang gumanda, siguradong magkandarapa na siya sayo pag nakita ka." sa haba ng sinabi ng aking best friend ay natawa na lang ako. Dahil mali ang inaakala kong sasabihin nito.
"Humn... O.A mo, parang hindi naman ako nagbago. Ganun pa rin naman ako ah, ikaw kumusta ka naman?"
"Ito, hanggang ngayon wala pa ring nakikitang gwapo. Kaya single and available pa rin huh!"
"Bakit naman parang sobrang disappointed ka?"
"Kasi naman siguradong hindi magtatagal at mag-aasawa ka na. Dahil nakakasiguro akong hindi ka na bibitawan ng lalaking iyon pag nakita ka niya."
"Paano pala kung may asawa na siya." hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa aking bibig.
"Bakit wala ka bang balita sa lalaking 'yon?"
"Wala eh, ang tanging alaala lang niya sa akin ay itong bracelet ko."
"Hanggang ngayon suot mo pa rin yan?"
"Oo naman, ito lang ang bagay na pinanghahawakan ko. Noong ibigay niya ito sa akin maliit pa lang kami at nangako ako sa kanya na siya lang ang lalaking pakakasalan ko. Kaya nga pinadugtungan ko ang tali nito upang magkasya sa akin."
"Paano yan saan mo kaya siya hahanapin ngayon?"
"Ewan ko, wala akong idea." nakaramdam ako ng sobrang lungkot. Ang isipin na hindi kami magkikita at baka may girl friend o maaaring nag-asawa na ang lalaking itinatangi ay nagpapasakit sa aking dibdib.
"Sabagay may kasabihan, kung talagang kayo ang itinakda ay pagtatagpuin pa rin kayo ng tadhana." pampalubag loob na pahayag ng aking kaibigan.
".... halika na ihahatid na kita sa bago mong bahay. Kung bakit kasi ayaw mong sa amin na lang mag stay. Lagi namang nasa ibang bansa ang parents ko at kami lang ni Kuya ang naiiwan sa amin."
"Huwag na, mas mabuti nang ganito. Saka magkaiba tayo ng trabaho at siguradong maiisturbo lang ang isa sa atin sa ingay natin pareho." Nakangiti kong pahayag sa kanya. Ayaw ko rin isipin niya na umiiwas ako at baka magtampo pa ito sa akin.
"Saan ospital ka dito sa Pilipinas, last na nag-usap tayo sabi mo ay may nag hire sayo dito na malaking ospital?"
"Sa Philippine Heart Center, kailangan nila ng surgeon maraming heart transplant na naka schedule. Supposed to be by next month pa ako dapat uuwi. Pero nakiusap ang head dahil kailangan na nila."
"So, bukas papasok ka na agad?"
"Hindi pa baka sa susunod na araw pero kailangan kong mag report na bukas ng umaga. Kukunin ko na rin ang schedule ko, ang gusto nga nila ay maging oncall ako. Pero pinag-iisipan ko pa dahil mahirap lalo at sunod sunod ang ooperahan ko."
"Napaka galing mo kasi bestfriend, ikaw ba naman one take lang at mataas pa ang nakuhang score. Kaya pag-aagawan ka ng mga ospital dito sa atin."
"Kundi lang dahil kay Kap, hindi ko naman tatanggapin ang offer nila sa akin. Maganda ang trabaho ko sa California, pero dahil gusto ko na siyang makita kaya pumayag na rin ako."