KYLE POV.
Kanina pa ako nakahiga, pero hindi pa rin dalawin ng antok. Heto at gising na gising pa rin ako. Lately madalas na pumapasok sa alaala ko ang batang babae na iyon. Kumusta na kaya siya, siguro dalagang dalaga na, maganda at hot. Baka nga may boyfriend na rin siya ngayon. At siguro ay hindi na rin niya tutuparin ang pangako niya noong mga bata pa lamang kami. O baka naman ay nag-asawa na siya at siguro natupad na rin ang pangarap niyang maging isang magaling na doktor?
Nakaramdam ako ng disappointment at kirot sa dibdib, lalo pa ngayong ilang weeks na lamang ay ikakasal na ako. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita. Kagaya ng kanyang iniwang pangako. Talagang lahat ng pangako ay walang katotohanan.
Kinabukasan ay nagising akong masakit ang aking ulo. Kaya naman ay tumuloy agad ako sa loob ng banyo upang makapag hilamos. Matamlay din ang aking pakiramdam hanggang bumalik sa loob ng kwarto. Muli akong nahiga, lately parang may gusto akong gawin na hindi ko matukoy kung ano. Pero kailangan kong pumasok sa opisina. Kaya kahit mabigat ang aking pakiramdam ay muli akong bumangon at nalakad papasok sa loob ng banyo upang maligo.
At hanggang sa opisina ay hindi pa rin ako mapalagay. Ngunit marami akong trabaho kaya sinikap kong pansamantalang kalimutan kung ano ang mga gumugulo sa aking isipan.
Ginawa kong busy ang aking sarili sa maghapong pagtatrabaho. Upang mawalan ng puwang ang mag-isip nang walang kwentang bagay. Mabuti na lang at marami ang mga papeles na kailangan kong pirmahan kaya hindi ko na masyadong namamalayan ang paglipas ng mga oras.
"Sir, almost 2-PM, na at hindi ka pa rin kumakain."
"Paki-order mo na lang ako ng pagkain at dito na ako kakain ng lunch."
"Sige po, Sir." nakangiting sagot ng aking mabait na secretary.
-
Matuling lumipas ang mga araw at naging kainip inip sa akin ang bawat oras. Wala akong ganang magtrabaho kaya sumandal na muna ako. Kailangan ko rin yatang ipahinga ang aking mga mata. Kaya pumikit na muna ako upang kahit paano ay mabawasan ang pananakit.
Nang biglang pumasok sa aking isipan ang babaeng walang sawang lapit nang lapit sa akin. Maganda, sexy at hot, hindi ko iyon maitatanggi. Pero ayaw na ayaw ko sa mga ganitong uri ng babae. Halos ibalandra na sa harapan ko ang sarili at kulang na lang yata ay yayain akong mag s*x kami. Syempre hindi ko siya pinapatulan. Kaya siguro matapos ko siyang tanggihan. Kung saan saang bar siya pumapasok at kung sino-sino ang kasama niyang lalaki.
Nang tawagin ako ng aking secretary ay bumalik ako sa realidad.
"Sir, narito na po ang lunch mo."
"Salamat," saka pa lamang ako nakaramdam ng gutom. Kaya mabilis na nilapitan ko iyon at agad na kinain.
Muling lumipas ang mahabang oras ng hindi ko namamalayan. At kung hindi pa kumatok ang aking secretary ay hindi ko pa malalamang gabi na pala.
"Sir hindi pa ho ba kayo uuwi? Almost 9-PM, na at naka-uwi na ho ang lahat ng mga trabahador."
"Y-yeah, pauwi na rin ako, salamat."
Inayos ko ang aking sarili at dinampot ang coat na nakasabit sa sandalan ng upuan. Pagkatapos ay tuloy tuloy na akong lumabas ng aking opisina. Mga panggabing guard na lamang ang tanging naiwan sa building. Matapos nilang bumati sa akin ay nagpaalam na ako sa kanila. Pagdating ko sa aking sasakyan ay naisipan kong tawagan ang kaibigan kong si Lexus.
"Tol, dating gawi."
"Sige, mag kita tayo doon, Pare."
Sa bar counter ako naupo at agad na nag order ng hard liquor. Hindi naman nagtagal ay dumating ang kaibigan ko. Nagpatuloy kami sa pag inom. Hanggang matawag ang aking pansin sa isang babaeng nagpoprotesta.