Chapter- 6

1.1K 81 11
                                    

ZOEY POV.


NAPAGOD ako sa loob ng operating room. Dalawang pasyente ang na operahan sa araw na iyon. Ang isa ay heart transplant na si Mrs. Salazar, ay umabot sa 4 to 5-hours. At pinakiusapan akong mag assist sa isang doctor para ay liver transplant na umabot sa 6 to 7-hours.

Halos 12-hours, ang ginugol ko sa operating room. Kaya naman ay wala akong gustong gawin kundi makauwi ng bahay upang makapagpahinga.

Kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi ng tumunog ang aking cellphone. Hindi ko na sana iyon sasagutin ngunit nag-appear sa screen ang pangalan ng aking bestfriend. Isang buwan na rin ang lumipas mag mula ng huli kaming nagkita. Mabilis kong pinindot ang call at sinagot iyon.


"Hello?"


"Best friend, nasaan ka na ba, siguro nakalimutan mo ang araw na ito ano?"


Hindi agad ako nakasagot dahil iniisip ko kung anong meron sa araw na yon. At gusto kong kutusan ang aking sarili kung bakit nakalimutan ko ang mahalagang araw ng kaibigan ko.


"Best friend, hello, nariyan ka pa ba?"


"Yeah, happy birthday. Sorry kung ngayon lang ako bumati sayo. Meron kasi akong dalawang pasyente at katatapos lang operahan. Nasaan ka ngayon at sinong kasama mo?" paniniguro kong hindi siya nagtatampo sa akin.


"Halika na rito, naririto ako sa bar, kasama ko ang katrabaho ko."


"Okay sige, papunta na ako riyan. Agad kong pinindot ang end call. Bunuksan ko ang ilaw sa bandang uluhan at humarap ako sa rear mirror ng aking sasakyan upang sinilipin ang aking mukha.

Haggard na ang itsura ko dahil sa pagod ngunit hindi ko maaaring balewalain ang bestfriend ko. Siya lang ang kaisa-isa ko kaibigan. Higit pa sa pagkakaibigan ang relasyon namin. Dahil parang kapatid ko na siya.

Nang marating ko ang bar parking at makapag-park ng aking sasakyan ay bumaba na ako. Pinasadahan ko ng tingin ang aking suot at medyo okay naman. Pagdating ko sa loob ay natanawan ko si Thalia, meron itong dalawang kasama. Maingay ang loob, pero binati ko pa rin siya ng happy birthday.


"Halika best friend at ipakikilala kita sa mga kasama ko. Si Rose, at Cherie, isang departamento lang kaming tatlo. Ang best friend ko naman na si Dra. Zoey Poster." pagpapakilala niya sa aming tatlo.


"Hi," pagbati ko sa kanilang dalawa habang naka ngiti ako sa kanila. At ganun din naman silang dalawa. Hindi naman kami masyadong makapag-usap dahil sa ingay ng live band. Inabutan nila ako ng alak at nahihiya naman akong tumanggi kaya inabot ko na lamang iyon. Sumimsim ako at medyo napangiwi pa sa kakaibang lasa. Syempre hindi ako nagpahalata kaya dahan dahan kong iniinom iyon.

Maya maya pa ay naging crowded na ang lugar. Unti-unti na rin akong nakakaramdam ng pagkahilo. Siguro dahil pagod ako kaya mabilis tamaan ng espirito ng alak.

Nakita kong tumayo silang tatlo at niyaya nila akong sumayaw. Kaya naman ay pinagbigyan ko na lamang sila kisa maiwan akong mag-isa sa upuan. At habang sumasayaw ay mas nadadagdagan ang aking pagkahilo. Hanggang naramdaman kong may lalaking gustong hawakan ako. At dahil hindi nga maganda ang aking pakiramadam ay naglakad na akong pabalik sa upaun. Ngunit naipit ako ng mga taong nagsasayaw sa dance floor. Luminga ako sa paligid at hindi ko na makita ang aking mga kasama. Kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad kahit hirap akong makalabas sa kumpulan ng mga tao.

Kyle  Anderson "Bastardo#5"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon