ZOEY POV.
KAHIT na snatch ang aking bag ay sulit naman nang dumating si Kap o Kyle. Lalo nang yakapin niya ako ay parang bula na nawala ang takot ko.
Agad din akong gumanti ng yakap sa kanya at sinubsob ko pa ang aking mukha sa kanyang dibdib. Ambango niya lalaking lalaki ang amoy ng kanyang katawan. Pumikit pa ako upang lasapin ang masarap na pakiramdam dulot ng matitigas niyang muscles. Subalit ang papikit pikit kong mata ay biglang napadilat ng malakas niya akong itulak.
"Sinasamantala mo ang pagkakataon. Hindi dahil niyakap kita ay gusto na kita!" hindi ako nakaramdam ng kahit konting inuslto sa aking narinig. Kundi paghihinayang dahil naputol ang yakapan namin.
"Hoy! Huwag mo akong pangarapin dahil hindi kita papatulan! Saan ba kita ihahatid at may mahalaga akong pupuntahan dahil nakakaisturbo ka!" napaka brusko talaga ng lalaking ito, ganun pa man ay mas lalo yata akong nai-in love sa kanya.
"Kap, pwede bang makuha ang cellphone number mo?" at matamis ko pa siyang nginitian.
"Hindi! At teka muna bakit mo ako tinatawag na Kap, kilala mo ba ako?"
"Ahm, yeah... I mean narinig ko sa kaibigan mo." bigla akong kinabahan kung sasabihin ko ang totoo ay baka hindi niya ako paniwalaan.
"Huwag kang sinungalin dahil Kyle, ang tawag nila sa akin?"
"Ahm.... s-sa totoo lang ay narinig ko doon sa mga pulis na nag-uusap. Kaya nalaman ko rin ang bahay mo."
"Mga pulis? Kailan at saan?"
"Ahm, matagal na rin, kararating ko pa lamang ng bansa ng time na yon. Kumakain kami ng kaibigan ko noon. Tapos narinig ko ang pangalang Kap. Sa totoo lang ay pinagbabantaan nga nila ang buhay mo."
"Anong sabi mo, natatandaan mo ba ang mga mukha nila?"
"Yeah, pag nakita ko silang muli ay makikilala ko silang lahat." Sa aking narinig ay kinuha ko ang aking cellphone. Binuksan ko ang library at pinakita ko sa kanya ang mga litrato ng mga dating kasamahan kong pulis.
"Yeah, sila yon... s-sabi pa nga nong isa ay bala lang daw ang katapat mo."
"Matagal na akong wala sa serbisyo pero hindi pa rin pala nila ako nakakalimutan."
"W-Wala ka na sa pagiging pulis mo?"
"Wala na mahigit nang isang taon. At iyong sinasabi mong pulis na nagsalita ng bala lang ang katapat ko. Siya iyong sinapak ko bago ako umalis ng headquarters."
"Pero mag-ingat ka pa rin dahil parang pinagpaplanohan ka talaga nila."
"Hindi ako natatakot sa mga corrupt na mga pulis." Hindi na lamang ako sumagot. Mukhang uminit na ang ulo ni Kap.
"..... by the way, mula ngayon ayaw kong tinatawag ako sa pangalang Kap."
"O-Okay, sige K-Kyle."