Chapter- 3

641 47 2
                                    

KYLE POV.


MATAPOS ang pagkikita namin ng kapatid ko ay dinala ko agad siya sa aking inuupahang bahay. Tinawagan ko ang kaibigan kong doktora upang ipa-check ang mga gasgas niya sa katawan. Gawa ng pagkahulog niya sa bangin ay may mga sugat din siya sa braso at binti. Gusto ko siyang dalhin sa ospital ngunit ayaw niya dahil sa mga taong kanyang tinatalasan.


"Baby sis, pag dumating si Doktora, huwag mong sasabihin na magkapatid tayo, okay?


"Humn... bakit naman?"


"Makulit kasi iyon, hindi ko naman siya type."


Maya maya ay nakarinig kami ng mga katok.


"Siya na yan Baby Sis, basta ang bilin ko, okay?"


"Oo na Kuya." Nakangiti niyang sagot sa akin. Kaya naman ay iniwan ko na siya at pinagbuksan ng pinto si Doktora.


"Pasok ka, naroon siya sa kwarto ko."


"Sino bang pasyente at hindi mo sa ospital dinala. Pinapunta mo pa ako dito para ipagamot siya sa akin?"


"Mamaya mo na ako tanungin, gamutin mo muna ang baby ko." Nakita kong natilihan siya nang marinig ang huling sinanabi ko. Pero hindi ko itinama ang maling akala niya. Dahil gusto kong isipin niya na karelasyon ko ang ipapagamot ko sa kanya. Isang paraan upang tigilan na rin ako ng babaeng ito. Hindi ko siya type, kaya gusto kong tantanan niya ang pagsunod sunod sa akin.


"Aalis na ako at sa susunod ay huwag mo na akong tatawagin muli upang papuntahin dito okay?" Inis na pahayag niya bago nag paalam.


"Gamutin mo muna ang baby ko, bilis na bago ka umalis." Nakita kong napipilitan lang ito at nang matapos ay nagmamadaling humakbang palabas ng kwarto. Hindi ko siya sinundan ngunit makulit itong kapatid ko kaya napilitan akong tumayo.


"Salamat." Wika ko pa na may malapad na ngiti.


"Whatever!" Inis niyang pahayag sa akin bago tuluyan lumabas ng bahay.


Binalikan ko ang aking kapatid at kinausap ko siya, subalit bigla ang pangyayari. Nakarinig ako ng boses na tila galit na galit. Kaya tinanong ko kung ano ang ikinagalit ng lalaking bigla na lang pumasok sa bahay ko. At nagkaroon kami ng konting sagutan ngunit bigla niya akong binaril.


"K-Kuya!" Narinig ko pa ang malakas na sigaw ng kapatid ko at ibang sinasabi niya. Hanggang nagdilim na ang paligid ko.


Nang magising ako ay nasa opsital at naroon ang kapatid kong si Sunshine.

Hanggang nalaman ko na ang lalaking bumaril sa akin ay ka relasyon pala niya.


Matapos ang pangyayaring iyon sa buhay ko ay isinama ako ng kapatid ko upang magpagaling. Syempre hindi kami okay ng lalaking yon. Muntik na akong namatay dahil sa kanya. Kaya natural na galit pa rin ako. Lalo pa at nalaman ko ang ginawa niya sa kapatid ko.

Kyle  Anderson "Bastardo#5"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon