Chapter- 1

6.8K 338 81
                                    

KYLE POV.

LUMAKI ako sa kalye, at sa batang edad ko ay sanay na akong mangalakal. Wala akong kinagisnang magulang kundi ang kaisa-isa kong Lola, na isang bulag. Ganun pa man ay sinisikap kong makapag-aral, dahil libre naman sa pang publikong eskwelahan. Minsan nagagawa ko rin ang mangdugas sa kapwa ko dahil sa hirap ng buhay. Hanggang nag binata ako at nasanay na sa gulo ng kapaligiran.

Isang araw ay nasali ako sa rayot at hindi sinasadya ay nasaksak ako. Ang akala ko ay katapusan ko na ng mga oras na iyon ngunit nakaligtas pa rin ako.

Hanggang maka graduate ako ng high school. Sinubukan kong kumuha ng exam sa isang pamantasan at nagbabakasakali na makapasa sa mataas na pagsusulit. At hindi naman ako nabigo, sa katunayan ay mataas pa ang score na nakuha ko kaya nagpasya akong kumuha ng kursong criminology.

Ako si Kyle Anderson Parker, edad 28 years old, anak sa labas ng isang bilyonaryong si JB Montemayor. At kailanman ay hindi ko pa nakikita ang aking tunay na ama. Ang aking ina naman ay umalis noong sanggol pa lamang ako at hindi na raw nakabalik magmula ng nakipagsapalaran ito sa ibang bansa.

-

Ang kasalukuyan....

"Parker! Pinapatawag ka ni hepe, sabi ko naman sayo ay hindi pwede ang kayabangan mo rito sa headquarters. Kabago bago mo ay ang angas mo kaya yan ang napapala mo,siguradong masasabon ka roon!"

"Hindi ako mayabang sadyang wala ka lang kakayahang gawin ang tungkulin mo dahil sa pera."

"Hoy! Wala kang katibayan sa pinagsasabi mo Parker! Baka kasuhan kita sa pagbibintang mo!"

"Eh, kasuhan mo ako! Puro ka lang naman salita!"

"Aba't!"

"Ano yan Valdez? Ang aga aga ay mainit ang ulo mo?"

"Paano hindi iinit ang ulo ko diyan kay Parker! Kabago bago rito ay napaka yabang!"

"Pagpasensyahan mo na iyon kusa, ginawa lang siguro n'on ang trabaho niya."

"Alam mo Montereal kung hindi lang dahil sayo ay may kalalagyan ang kayabangan ng kaibigan mo!"

"Huwag gano'n dahil kapwa pulis natin iyon, hayaan mo at pagsasabihan ko."

Samantala ay namataan kong palabas ng building ang kaibigan ko kaya't malakas na nag busina ako para tawagin ito. At sinagot naman ako nito ng kaway na agad ding lumapit at mabilis na sumakay sa aking jep.

"Galit sayo si Valdez, ano ba ang ginawa mo roon at malaki ang galit sayo?"

"Sinupalpal ko yan pare, masyadong natapalan na ng pera ang pagmumukha kaya kahit maling gawain ay pinasok. Dapat hindi na siya nag pulis eh, nadadamay tuloy tayong mababait."

Natawa sa akin ang kaibigan ko dahil sa sinabi ko.

"Mabait raw eh napaka terror kaya nating dalawa."

"Tama lang naman yon, tara pare magpalipas muna tayo ng oras?"

"Sure, saan tayo?"

"Aba syempre doon sa may mahihimas tayo."

"Manyak ka talaga, bagay nga sayo ang isang pulis masyadong patulis."

Malakas akong natawa sa tinuran ng kaibigan ko sabagay totoo naman yon at aminado ako. Wala eh hilig ko na talaga ang mga babae, iyon lang naman ang pang pawala ng aking stress at problema.

Kasalukuyan kaming nagtatawanan nang biglang nag pugak pugak ang makina ng aking pinakamamahal na jeep. Hinampas ko ang manibela sa inis, ngayon pa talaga tumirik kung kailan nasa highway na kami. Kaya't napilitan kaming bumabang dalawa at sinilip ang makina.

Kyle  Anderson "Bastardo#5"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon