11

9 1 0
                                    

DACCIANA 

"No" isang malaking no ang sagot nya. Sumimangot tuloy ako. Curious lang naman ako sa anak nya. Kung ilang taon na ba sya o kung anong grade na ba sya. Ni hindi ko nga alam kung babae bao lalaki ag gender pero who am I to know that anyway? ako na nga naka-offend, ako pa 'tong makapal ang mukhag magtanong about his kid.

"Okay, pero sa akin na to Sir!" Inagaw ko mula sa kamay nya ang isang libo. yoko namang maglakad pauwi no!

"Ge. Bye."

Yun na yung hudyat ko para lumabas ng kotse nya. Halos mapatili pa nga ako nang kumaripas ng takbo ag kotse nya pagkalabas napagkalabas ko.

"Bye Sir!!!" I shouted while waiving my hands. Aalis na sana ko para ipagpatuloy ang Job hunting ko nang may maisip ang wise kong utak. Sakto ng may nahagip na taxi ang paningin ko kaya naman pinara ko iyon. At dahil maganda ako, huminto agad sya sa harap ko. Sinamaan tuloy ako ng tingin ng mgataong kanina pa nagiintay doon.

Pumasok agad ako sa backseat "Kuya diretso ka lang may susundan tayong kotse" sabi ko 


Nakita ko nalang ang sarili ko na pinagmamasdan ang itim na ford expedition ni Sir Austin mula sa loob ng taxing sinasakyan ko. Feeling ko, para akong isang stalker sa pinag-gagagawa ko ngayon. Curiosity is bugging me. I just feel like knowing about his kid. Marahil ay mahal na mahal nya ang kanyang anak para maghire sya ng Mommy para dito.

Napadungaw ako sa saradong bintana sa backseat nang makita kong lumabas ng gate si Sir Austin karga karga ang isang batang babae. She has a long hair na nakapig tail and it's a bit curly. Maputi at mamula mula ang kutis na pag nabilad sa araw ay mangangamatis talaga. May kasingkitan ang mga mata na parang intsik. pero... bakit sya umiiyak?

Hindi ko alam pero bumagabag na saisip ko ag nakiytang eksena ng mag-ama hanggang sa pagtulog ko. Hindi ako mahilig sa bata pero naawa talaga ako sa anak nya. Nakakatouch pa dahil sya pa ang nagsundo dito. My dad never did that to me. Masyado kasi 'yong busy sa work. 

Kinabukasan, maaga akong nagising. Nagtaka pa  nga si Rein dahil mas nauna pa ako sakanya. Naabutan nya kasi akong nagkakape sa sala

"Bat ang aga mo yata ngayon? Mag-aapply ka ba ulit? " 

Umupo sya sa tabi ko.  Nilapag ko naman sa center table ang tasa ng kape ko tsaka sya nilingon

"Hindi ko alam. Nawawalan na ako ng pag-asa e "

"Yan ka na naman"

"I can't help it, Rein.  Kahit saang trabaho, di ako tinatanggap. May utak naman ako, hindi naman ako pangit. Bakit ayaw nila sa akin?"

"ay sad ghorl yarn? HAHAHAHAHAHAHA" she teased me kaya sinamaan ko sya ng tingin

May sasabihin pa sana si Rein pero may nagdoorbell kaya di nya na tinuloy. Tumayo sya para tignan kung sino ang nagdoorbell kaya naman binuksan ko ang tv para sana maglibang muna.

At kung inaasar ka nga naman ng tadhana, ang palabas ay isang talk show na ang guest ay father at son

"Mahirap bang maging single dad?"

"Mahirap pero kinakaya ko naman para sa anak ko." the guest answered that made me drink my coffee

Naalala ko tuloy si Sir Austin. Siguro mahirap yung pinagdadaanan nya. Napaka-taklesa ko pa naman kahapon at sinabihan syang baliw. "Stupid mouth!" asik ko sa sarili sabay sampal sa sarili kong bibig. For sure, naoffend ko talaga ng bonggang bongga si Sir Austin.

I turned the tv off and laid my back on the sofa. "Hindi naman nya yon gagawin ng dahil sa wala diba? malamang may mas mabigat pa syang reason pa sya kung bakit kinukuha nya ako bilang--"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Lie, One KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon