4

19 6 0
                                    

DACCIANA 




"So yung AD Mart Inc., ay company ng grocery chains sa bansa? Parang Puregold ganon?" Nagbobrowse kasi ako ngayon for a little background check sa AD Mart. 

Aba'y hindi ako susugod dun ng walang kaalam alam sa papasukan ko diba? malay ko ba kung kumpanya pala ng pornography yan at gawin ako pornstar? wth? Dacciana ano ba tong mga pinagiisip mo!

"Oo sikat na din yan, two years ago lang sila nagsimula pero matunog na agad ang pangalan sa business world" sabi ni Rein habang kinukulot ang dulo ng buhok ko gamit ang curlers. 

I stared at the mirror with my reflection on it. Wala pa akong makeup dahil inuna ni Rein na ayusin ang buhok ko dahil matatagalan daw sya doon dahil sa haba at kapal ng buhok ko. 

"anong oras ba dapat ang punta dun Rein?"

"9 am palang ay dapat nandun ka na. Kapag lunch time na sila huwag ka pa din umalis dun. Baka maunahan ka e. Magbaon ka nalang ng pandesal tapos palamanan mo ng keso"

"My gosh, stop being so tightwad Rein!"

inikutan nya lang ako ng mata bago nya tinapos ang pagkukulot ng buhok ko. She then grabbed her makeup kit at sinimulan na akong lagyan ng makeup. 

"Nosebleed ako, what's tightwad?"

"Kuripot!" I snorted out and I heard her soft chuckles kaya medyo nanginig ang kamay nya. "Rein! wag kang tumawa dyan! Yung makeup ko! Mygosh, job interview pupuntahan ko hindi clown interview ha! ayokong maging forever pabigat ha! nakakahiya na kaya sayo."

Pinagpatuloy nya na ang paglalagay ng makeup sa mukha ko. Napapikit nalang ako ng maramdaman ang brush na lumapat sa mukha ko. Nakakakiliti.

"Sus, huwag mo ngang isipin na pasakit ka sakin. Masaya nga ako kasi may kasama na ako dito ngayon sa apartment, hindi na ako nagi-isa."

"Sweet" natatawang sabi ko saka iminulat ang mga mata ko para makita sya. Nakita kong nakangiti din sya habang inaayusan ako. "Kaso nakakahiya pa din"

"Bumawi ka nalang sa akin kapag natanggap mo na ang unang sweldo mo, gusto ko sa isang eat all you can buffet ah?" sabi nya kaya kinurot ko sya sa tagiliran "Aray! Dacciana nyo mapanaket!"

"Wish ko lang na sana maganda ang trabaho ko, Rein. Mamaya talaga pag janitress ang bagsak ko yari ka sakin!" pagbibiro kong banta sakanya. Tumawa lang sya at ipinagpatuloy ang ginagawa




Rein made sure that I look professional before we stepped out of her apartment. Kaya naman ito ako ngayon, looking so sophisticated in my corporate attire. Naka black fitted dress ako na sa sobrang pag ka fit ay kitang kita na ang shape ng katawan ko. Kung hindi lang dahil sa blazer ko ay kitang kita na ang curves ng katawan ko. idagdag pa ang soot kong closed toe pumps na talaga namang nagpapaemphasize ng pagiging career woman look ko. 

"Shete, Dacciana ang ganda mo talaga!"  puri nya sa akin habang tinititigan ako. Nandito na kami ngayon sa harapan ng building ng AD Mart Inc. I started to feel uneasy, Usual feeling it is. 

"Gosh kinakabahan ako Rein!" lumunok ako habang tinitignan ang ganda ng building sa labas. Mataas at matayog ito kaya mahahalata mong hindi lang basta establishment

"Huwag kang kabahan kaya mo yan!"

pero mas lalo lang akong kinabahan ng minotivate nya ako "Para namang makakapasok ako diyan, tignan mo nga ang classy at ang sosyal ng mga pumapasok halatang professionals" sabi ko sabay turo sa isang grupo ng empleyado na papasok sa loob ng building. 

One Lie, One KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon