DACCIANA



"My god, Rein. Naiistress ako sa nangyari kanina. Jusko! gagawin nya akong ina ng anak nya?! oh god, ano ako cheap?! tsaka ambata ko pa para magka-anak! what the hell at the age of 22 may anak na ako?!"

OA na kung OA but I can't help myself but to express my rants to Rein. Actually, hindi ako mapakali simula pa kanina. Gusto ko kasing ilabas itong mga rants ko dahil kung hindi ay sasabog na ako anytime. 

Kaso imbis na makirant din, eto namang si Rein, humagalpak lang ng tawa. "Seryoso? Five million a year? bongga! ako nalang kaya?"

Sinamaan ko sya ng tingin. Ambitious frog. 

"Itsura neto. Syempre kaya ako yung natipuhan na gawing mom ng anak nya kasi i'm pretty." Umirap ako sa hangin. 

Kanina ko lang napagtanto na ang bilis pala ng phase ng pagkakahira sa akin

 "Kaya pala pinaikot lang ako nung interview tapos hired na agad ako!"

Kasalukuyan kaming kumakain ni Rein ngayon ng dinner sa apartment nya. Nagtake out sya ng bucket meal sa KFC dahil sweldo daw nya ngayon. 

"Eh bakit daw ba naghahanap ng mommy?"

I rolled my eyes upward. "Tatanungin ko pa ba yun?Rein binibili nya ang puri't dangal ko! Syempre umayaw agad ako."

"Gaga! OA nito, puri't dangal agad?" pambabara nya sa akin kaya napasimangot ako at kumagat nalang sa chicken ko.

 "Let me ask you this Gabby--"

"Dacciana." pag tatama ko.

"Okay Dacciana," at umismid sya. "Matanong ko lang, ilang taon na yang boss mo?"

Napaisip ako. Ilang taon na nga ba si Sir Austin? Wala akong alam sakanya bukod sa kaapelyedo nya ang ex kong gago. And then, something hit me. Sabi ni Sir leon sa akin noon ay 26 years old na si Sir Austin. Wow, he looks younger than his age.

"26 years old"

Pinanlakihan nya ako ng mata sa gulat. "26?! akala ko ba matandang panot na uugod ugod na?" 

"Sinabi ko ba yun?"

"Oo!!" asik nya. Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko maalala kung kailan ko sinabi iyon. 

"Why don't you try it?under probation ka lang naman OA mo agad eh. Akala mo, Pasado ka agad bilang mommy eh. Sayang din yung 80k ah."

Napaisip tuloy ako. In fairness, may point sya ah. Practical moves. Pera din yun eh sayang naman kung tatanggihan ko pero...

"Hindi! ayoko! ang weird lang na under probation ako tapos kapag pumasa ako ay gagawin akong mommy? hindi ka ba naweweirdohan dun? kasi ako, I find it strange."

Strange talagang maituturing yung pinasok ko. Hanggang sa pagtulog tuloy, iyon pa din ang iniisip ko. Hindi ako makatulog kaya tumayo ako sa kama at tumambay muna sa veranda. Naupo ako sa upuan at natulala sa kawalan.

Ganto pala nag buhay sa labas ng Manila. Napaka weird ng mga pangyayari. Hindi porke desperada na akong magkatrabaho ay papatusin ko na ang trabahong yun. Madami pa namang ibang trabaho dyan e. Tss.

Naalala ko tuloy yung usapan namin kanina ni Sir Austin sa loob ng powder room. He was so crazy for stepping in a woman's powder room. Hindi ko kinakaya ang guts nya.


"3 months kang under probation sa pamamagitan ng pagiging Executive Secretary at kapag nakilala na kita ng husto, gagawin kitang mommy ng anak ko. I'll be giving you an addendum if you surpass you three month probation. From 80k, gagawin kong five million a year." 

One Lie, One KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon