6

15 1 0
                                    

DACCIANA




"Ano to?Bakit three months lang?! Three months lang ang trabaho ko dito?!" Tanong ko kay Karla, yung staff na naga-asikaso ng mga aplikante kahapon. 

"Si Sir Austin ang gumawa nyan. Wag ka na magreklamo. Wala kang laban dyan kay Sir"

Pinandilatan ko sya ng mata. Anong walang laban? Minamaliit nya ba ako? pero teka, Naguguluhan talaga ako.

 Kasalukuyan ko kasing binabasa ako contract na binigay sa akin ni Karla kanina pagdating ko at base dito tatlong buwan lang akong matatrabaho dito. Akala ko ay tatlong taon pero tatlong buwan lang talaga! ilang beses ko ng binasa ng paulit ulit pero tatlong buwan talaga iyon! anong kabaliwan to?!

"Nandyan na ba si Sir Austin? hindi naman ako aware na may duration pala yung pagiging secretary ko. Ibig sabihin, Contractual ako? akala ko kaya may involve na contract ay dahil sa salary ko pero hindi pala. Eh ano to? pwede paki-explain? paliwanag mo sakin. Make me understand it"

Tinaasan nya ako ng kilay dahil sa sinabi ko. Napaawang pa nga ang bibig ko nung tignan nya ako mula ulo hanggang paa. 

"Ke bago-bago mo dito reklamadora ka na?Tapos kung makautos ka akala mo ikaw ang boss. Sino ka ba para sundin ko?" 

I gasped in shock. Dramatic reaction lang. For sarcastic purpose kumbaga. "Am I not allowed to ask questions about my contract? Don't I have the liberty to ask questions?"

Bumuga sya ng hangin pagtapos marinig ang mga sinabi ko. Parang kinakalma nya ang sarili nya. What? this bitch! sya pa ang may ganang kumalma ha! serves you right bitch! ang ayos-ayos ng tanong ko tapos mamaldatahan mo ko?

"Kung anong nakasulat dyan Gabrielle intindihin mo nalang"

"Don't call me Gabrielle. Dacciana ang itawag mo sakin"

"Whatever" she rolled her eyes like a real bitch. Nako may kalalagyan talaga sa akin ang isang to. 

"Ayusin mo ugali mo. Bago ka lang dito wag kang--"

"Nagtatanong ako ng maayos and what did you do? you bitched me. Sarcastic ka pa. Ugali mo ang ayusin mo Karla dahil nasa'yo ang problema wala sakin"

"What's this chaos all about?" Napatigil ako ng marinig ang boses na iyon habang si Karla naman ay napaayos ng tindig.

 Yung ibang mga empleyado naman ay nagpatay malisya at pinapatulog ang ginagawa nila. Tss, looks like i'll be working in hell. 

"Nothing, Sir"

"NOTHING?!!" big word! tumayo ako at agad syang sinamaan ng tingin. Hawak-hawak ko pa din yung kontrata ko. "Ang gusto ko lang naman ay ipaliwanag nya sa akin yung contract but what she did is just shoot me with her sarcastic answers. Syempre sino hindi maiinis? Nagtatanong ka ng maayos tapos ganoon ang isasagot sayo?"

Sir Austin heaved out a sigh. Nakita kong inabot nya sa akin ang laptop bag nya at agad ko naman iyon kinuha. 

"Pakidala sa office ko yan Dacciana and you, Karla let's talk...."

Habang hinihintay na makabalik si Sir Austin ay wala akong magawa sa office nya kaya't tumingin tingin nalang muna ako sa mga frames na meron sya doon. 

Pak na pak pala ang mga achievements ni Boss. Summa Cum laude with a lot of certifications. May malaki pang frame ng Brief history ng AD Mart Inc pero syempre, hindi ko na iyon binasa dahil tinatamad ako.

Buti nalang ay dumating na si Boss makalipas ang ilang minutong pagiintay ko. Narinig ko kasing bumukas ng pinto kaya agad kong nilingon ko sya at saka ako nagmamadaling umupo sa kinaroroonan ko dapat.

One Lie, One KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon