DACCIANA





Naguluhan ako sa sinabi ni Sir Leon kaya yun ang gumulo sa isip ko buong araw. 

Yes, I stayed in the office the entire day doing nothing. Nandun lang ako sa pantry. Nakaupo lang at painom-inom lang ng kape. Ano pa bang gagawin ko dito?

Tinitigan ko lang ang kontrata. Okay na siguro yung 80k every month. I already scanned the agreement a while ago and it  was okay. Basta ba may reasonable salary, aayaw pa ba ako sa 80k?

"Mapirmahan na nga" sabi ko ulit sa sarili ko at napatigil ng marealize na wla akong pen na dala. "Ano ba yan..."

Tumayo ako dala-dala ang kontrata at saka ako dumeretso sa department kung saan nandoon yung mga empleyado. They were ang busy kaya nagdadalawang isip ako kung itutuloy pa ba ang panghihiram but oh well, andito na din naman ako. 

"Miss excuse me." Tumingin lang yung saglit yung babaeng nilapitan ko. "Pwedeng makihiram ng Pen?" 

"Sure" sabay ngiti nya sa akin at inabutan agad ako ng ng ballpen. "Maupo ka muna dyan. Ikaw yung bagong E.S diba?" 

Naupo naman ako at agad na pinirmahan ang kontrata ko

"Yes i'm Gabri-- I mean, Dacciana. Dacciana Legazpi."

"Ako naman si Charmaine. Pwedeng Cha or Charm nalang ang itawag mo sakin. Isa ako sa mga accountants dito."

"Nice to meet you." Sabi ko nang nakangiti. 

She looks nice hindi kagaya ng iba na kung makatingin ay pinaparamdam sa akin na bawal ang newbie dito. 

"Matagal ka na dito Charm?"

"Magiisang taon na din. Sana tumagal ka din dito. Masayang magwork dito" sabi nya tapos bahagyang lumapit sakin. "--- Lalo na't direct boss mo si Sir Austin." 

Nasamid tuloy ako sa sinabi nya. As in, naubo ako. Pagkasabi nya kasi nun ay parang nagtutweetums sya. 

The hell, Kilala kasi akong liberated sa university namin at ayoko sa mga pa-girl masyado. Yung mga pahinhin effect ba. 

"What's good in Sir Austin?" walang kyeme kong tanong sakanya. 

She smiled dreamily and sighed. Honestly, I find her weird ha. Halatang crush nya Si Sir Austin. "He's good at everything. Napaka smart nya!" 

Actually, Hindi na ako naattract sa mga smart guys kuno. I had the smartest boyfriend in our school but he ended up like some kind of a dumb for dumping a Pretty girl like me. 

"Tapos, super serious nya sa work. Siguro sa relationship ay ganun din sya." dagdag pa nya kaya pasikreto ko syang inikutan ng mata. 

My ex boyfriend was also serious but he treated me like a joke. 

 "Kapag nasa mood ay nakikipagbiruan sya sa amin. At take note. Napaka caring pa nya" sabi nya pa at saka ito humagikgik na akala mo ay isang highschool student na kinikilig.

 "Swerte mo Dacciana, ikaw ang kauna-unahan nyang Executive secretary." 

I looked at her weirdly. "Ako?Bakit?" 

"Oo. Kaya nga nabigla kami ng bigla syang magpahanap ng E.S last month e meron naman syang secretary. Yun nga lang..." putol nya sabay bulong. "--Lalaki."

"Ohh..." 

"At boyfriend ko pa." sabay hagikgik nya. Napapoker face nalang ako. Grabe sya kung kiligin kay Sir Austin tapos may boyfriend na pala sya. Tss, nababaliw na ata ang isang to.

One Lie, One KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon