08

6 1 0
                                    

08

Kinabukasan ay nakangiti akong bumangon at agad naramdaman ang ecxitement sa aking puso. Hindi ko alam ngunit hindi mapakali ang puso ko kaka kabog habang papalapit ng papalapit ako papasok sa eskwelahan namin. Ngunit halos tumigil ito ng matanaw ko siya papasok na ng gate. Agad ko siyang nilapitan at inakbayan kahit na masyado siyang matangkad para maabot ko.

“Good morning.” Magiliw kong sabi sa kanya.

Kita ko namang nagulat siya at agad na nag iwas ng tingin. Kita ko ang pamumula ng kanyang tainga. Hindi ko mapigilang mapatawa sa reaksyon niya. Si Taylor? Nahihiya?!

“Hey! Don’t laugh. What’s funny?” masungit niyang ani habang nakaiwas pa rin.

“Bakit parang nahihiya ka at hindi makatingin ng deretso sa akin?” kuryosong tanong ko. “Kagabi nga lang, bigla mo akong yinakap at umiyak sa—“

Agad niyang tinakpan ang bibig ko. “Shh! Wag kang maingay. Don’t you dare to spread it to others.” Pagbabanta niya.

Tinanggal naman na niya ang pagtakip sa bibig ko at inakbayan ako habang papunta sa klasrum. Hindi ko man itanong kung bakit ayaw niyang ipasabi ko sa iba ay alam ko na ang dahilan. He is known as a Joker of the school not only in our classroom, At alam kong walang sino man ang nakakita pa sa kanya na malungkot o umiiyak—maliban sa akin.

And it’s very awkward to know and to see like him crying like a baby, I can’t even imagine it not until I saw it in my very own eyes. At first ay nagulat ako dahil hindi ko akalaing may side siyang ganoon ngunit napagtanto ko ring lahat ng tao ay may kahinaan at sariling suliranin sa buhay.

“Hep!Hep!Hep! Ano yan? Anong meaning ng akbay akbay na yan?” sita ni Clyde na nakaabang sa pinto ng aming klasrum.

Taylor chuckled, “Isn’t it obvious?”

Napatakip naman ng bibig si Clyde at nanlaki ang mga mata, ganun  din ang tatlo sa likod na animo’y nabatid ang gustong iparating ni Taylor.

Siniko ko ang tiyan ni Taylor ngunit hindi man lamang ito nasaktan.

Diretso lamang kaming naglakad papasok habang iniwan silang ganun pa din ang reaksyon. At hindi na ako nagulat ng makitang ganun din ang reaksyon ng mga kaklase namin.

“OMG! Anong ibig sabihin niyan? Tapos na ba ang war na namamagitan sa inyo, ha?” gulantang na sambit ni Carla na aming president.

“Love na ba ang namamagitan sa inyo?” wika naman ni Judy na aming Threasurer.

“Naniniwala na ako sa katagang ‘The more you Hate, the more you Love.” Iiling iling na sabi ni Aljon.

“Sabi na nga ba’t ito ang ending nilang dalawa.” Asik ni Emman.

Napatawa naman ako at agad na inalis ang braso niyang nakaakbay sa akin.

“Guys, you’re misunderstanding us—“

Agad akong pinutol ni Taylor sa pagsasalita.

“That’s right. I’m officially courting Her.”

Hindi pa masyadong nagsisink in sa utak ko ang sinabi niya ng magsitilian sila. Ano daw?! He’s officially courting me?! At kailan pa ako nagsabi ng Oo?!

Hinarap ko siya, “What?! At kailan mo pa ako niligawan?”

“Kagabi lang.”

“What? Kagabi?! Anong nangyari kagabi?” tsismis na ani ni Jewel.

“At kailan naman ako um-oo?” asik ko.

“Malamang kagabi rin. Gusto mo may ebidensya?” tinaasan niya ako ng kilay at agad na kinuha ang kanyang phone, at ilang saglit lang ay may narinig akong voice record kung saan sinabi ko ang ‘I do’.

In BetweenWhere stories live. Discover now