11
“Do you know how to Bike?” he asked while holding a bike.
I shook my head, “Nope.”
I don’t usually go outside and it’s not my hobby to roam around the city that’s why i never thought of riding a bike. I don’t have a childhood memories like other kids that playing outside with their friends and having a first fall when their learning how to bike.
Napatango tango nman siya, “What do I expect...” he whispered but i can clearly heard it.
Napairap naman ako, “Don’t tell me...”
“Yes, it is.” He said while smirking.
Agad akong napaatras, hindi ko pa nasusubukang mag bike at hindi ko na nanaising sakyan ito. Nagsimula ang isipin kong ito nang makita ko noon sa tapat ng bahay namin ang isang batang nahulog sa pagbabike at nasugatan. Just the thought of falling scares me.
“Oh come on! Hahawakan naman kita eh.” Pagpupumilit nito.
“No! Baka masugatan ako tsaka hindi na ako bata no.” angal ko
“Bata lang ba ang nagbabike?” tanong naman nito, “ Sige, maglakad ka na lang.”
Sumakay naman ito ng bike at agarang pinaikot ang pidal para iwan ako. Sinundan ko ito ng tingin habang nakasimangot, akmang sisigaw ako na uuwi na ako ng maunahan ako nito.
“Kita na lang tayo sa Library!” sigaw nito habang nakangising lumingon sa akin.
Taka ko siyang tinignan bago agaran na sinundan siya dahil sa sinabi niya.
“ Wait! Hintayin mo ako!” anang ko at binilisan ang takbo ngunit sadyang nangaasar siya para bilisan ang pagpidal niya.
Tawa lamang ito ng tawa habang binibilisan ang pag pidal, makakaisa rin ako sayong lalaki ka!
Halos kapusin na ako sa hininga ko sa ilang minuto kong pagtakbo para mahabol siya bago namin marating ang destinasyon namin. Ngunit mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya ng wala akong makitang library sa harapan namin.
“Anong kalokohan to?” inis kong sabi.
“Wait, wait. Chill lang, chill.” Ani nito habang hinihingan na umalis sa bike na akala mo siya ang tumakbo.
Napairap naman ako sa inasta niya. Kinuha nito ang cellphone niya at parang mag tinatawagan. Ano bang trip niya? Is he calling the library to come here?
Napapadyak padyak na lang ako ng paa ko habang hinihintay siya, kapag ito prank niya lang, sasapakin ko siya ng literal. Ilang minuto ang lumipas bago siya humarap sa akin.
“On the way na daw. Hintayin na lang natin.” Ani niya.
“On the way? Ang alin? Ang library?” pilosopo kong tanong.
“Oo” seryoso naman niyang sagot.
Hahakbang na sana ako palapit sa kaniya para sapakin pero umatras siya at itinaas ang mga kamay na parang sinasabing susuko na siya.
“Joke lang! Joke lang!” natatawa niyang sabi. “Masyado ka namang mainipin babe, mawawala rin yan pagdating ng hinihintay natin.”
“Tsk.” Asik ko at umayos na ng tayo.
Nandito kami ngayon sa parang tapat ng isang building or condominium yata. Hindi ako familliar sa lugar since hindi naman ako nag gagagala, pero masasabi kong malayo layo ito sa bahay namin.
Natigil ako sa paglibot ng paningin ko ng makita ko ang isang itim na sasakyang huminto sa mismong tapat namin. Pumalakpak naman si Tay. May lumabas ritong isang lalaking i think ka nasa mid- twenties.
YOU ARE READING
In Between
Short StoryIn Between By Ashia_Ashna Taylor who was a star in everyone's sky, Everyone think that he always shine. And then she show, Who made him tell his untold sorrow.