14
Naguguluhan. Yan ang salitang umiikot sa isipan ko ngayon. For more than 10 years He disappeared, bakit ngayon lang siya dumating? Bakit niya hinayaan na mawala ang komunikasyon niya sa amin? Bakit ... bakit ngayon lang?
I’m asking myself why I’m being like this, I should be wearing a smile in front of him that he didn’t break his promise of coming back to us... that took so long.
Just like how I read in the books, when a character felt like the world stopped and couldn’t move because their long missed loved ones are now in front of them... that are the situation right now.
I badly want to hug him, and ask him why? I badly want to call him Dad and ask how he is... but I couldn’t. I stared at him and ask my mind, ‘Is this for real?’
Ngunit tuluyan ng tumulo ang luha ko ng maramdaman ko ang bisig niya. This is for real.
“I missed you.”
In those three words, I couldn’t control my feelings anymore, I burst my tears out that I hid for that 10 years.
If this is just a dream, I would rather sleep forever than to wake up and die in my nightmares again.____________________________________________________________________________________________________
“What happened?”
He took a sip of the orange juice before he looked at me, “Yung kumpanyang inaplayan ko sa dubai ay tinago kami. Pinapatrabaho kaming walang sahod, kaya kadalasan ay wala kaming makain. Pinutol rin ang kahit na anong komunikasyon namin rito para hindi kami makapagsumbong sa mga awtoridad.” Kita ko ang pagdaloy ng galit sa bawat salitang binibigkas niya. Pansin ko rin ang kapayatan ng katawan niya.
Napahigpit ang hawak ko sa hawak kong baso. I badly want to go to that company and file a case to lose their precious company and go to jail until their last breath in this earth. F*** those people.
“Marami kaming mga biktima ang nakulong doon. We tried so many times to escape but always ending up getting caught... hanggang sa tuluyan na lamang kaming sumuko at tanggapin ang kapalaran namin.”
I can’t look at his eyes, it’s like I’m seeing the tragic things that happened to them. Alone, losing hope, missing family, injustice work and barely eating. Even mom can’t look at him. We feel awe to him, especially to me and felt guilty to the words that I threw to him from behind.
And now, I learned not to judge someone without knowing that person’s side. We never know if that person is smiling or suffering.
The hatred desire I felt to him for 10 years disappeared for just a minute of him explaining.
“Then how did you get out of there?” I curiously asked at him.
“Isa sa pamilya ng katrabaho ko ang tumulong samin at nagpursiging hanapin kami. Hinding hindi ko kakalimutan ang ginawa nilang kabutihang loob at ng dahil sakanila ay nandito muli ako at nakikita ang minamahal kong pamilya.” Nakangiti nitong saad.
Nang dahil sa sinabi niya ay nahihiya akong tumungo. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kaniya. I’m afraid that he thinks we didn’t make an effort to find him...
Ramdam kong lumapit siya sa akin at agarang yinakap, “I know what you’re thinking. Alam ko na ginawa ninyo ang inyong makakaya para hanapin ako. It’s just that you didn’t fail, you just don’t have the power to search and find me.”
“Don’t worry. They’re now in jail and paying their sins.”
Mom also joined our hug and felt each other’s heartbeat. I missed this.
We share some chitchats, laughed and we all forget that tragic and scary nightmare.
After an hour I finally decided to prepare for my classes. Wala talaga akong balak pumasok ngayon since I wanted to cherish this moment but Dad insisted I needed to go to my classes since malapit lapit na rin ang graduation ko.
I get my bag and walked to school with my dad and Mom beside me. It may look cringe but they wanted me to experience these little things I didn’t get to experience. Nang makarating sa gate ay nagpaalam na ako sa kanila. I smiled and whispered that I hope when I get back to home... they’re still there.
“Selinaa!” tawag ni Aljon mula sa gate. Nandoon na silang lahat at mukhang kakapasok lang rin.
This might be the best day again...
“Laki ng ngiti natin ah.” Ani ni Clyde.
...or maybe not.
“Where is your master?”
Binigyan ako ni Clyde ng mapanuksong tingin. Agad naman akong napatawa dahil mukhang alam ko na ang nasa isip niya.
“Ako yung nandito, bakit siya hinahanap mo?” tila nasasaktang ani ni Kurt sa akin.
Agad akong lumapit sa kaniya at pabirong hinampas, “Sira!”
“Bakit mo samin tinatanong? Diba kayo yung dalawang nagsolo magdate ng dalawang araw at hindi man lang nag yaya kahit saglit?” naka taas na kilay na tanong ni Clyde.
Napatingin ako kay Emman ng marinig ko ang pagdaing nito. Napangiwi ako sa kadramahan ng apat na lalaki sa harapan ko, maliban kay Aljon na kumakain ng ice cream sa tabi ko.
“Gusto mo?” alok nito.
Mabilis akong tumango at kinuha ang isa pa niyang hawak na ice cream na nakalaan dapat kay Emman. Kita ko ang pagsimangot ni Emman habang nakatingin sa akin.
“Kayo ba nililigawan at kailangang kasama pa kayo?”dahilan ko naman.
Inirapan lamang ako ni Kurt at Emman. Napatawa muli ako, they always made my day.
“So, sinagot mo na?” biglang tanong ni Aljon na ikinagulat ko.
“Tatlong araw pa nga lang.”
Syempre no gusto kong bumawi sa kaniya dahil hindi naging maganda yung una naming pagkakilala. It’s just that we met as an enemy and end up dating each other. It’s actually way better than to start of being allies and ending up being enemy.
Tinapik ni Aljon ang balikat ako at tumango tango, “Tama yan pahirapan mo pa siya. Abutin mo ng ilang taon.”
“Pero huwag mo masyado paghintayin si Master at maiksi pasensya nun at baka maghanap na lang ng iba.” Sabi ni Emman sabay halakhak.
“Edi mabuti!” ani naman ni Kurt kaya’t binatukan siya ni Clyde.
“Tama na yan maguumpisa na klase.” Pagsingit ni clyde kaya’t nagumpisa na kaming mag gayak papuntang classroom.
“Hindi mo makontak si Tay?” tanong ni Clyde sa akin.
Sinabayan ko lang ang lakad niya para magkausap kami.
“Ha?” taka kong tanong. “Hindi ko pa siya kinokontak. Akala ko kasi nandito na siya.”
Napatango naman siya.
“Mamaya tatawagan ko tsaka baka nandito na rin yun mamaya.” Ani ko bago kami pumasok ng classroom at sakto naman ang dating ng prof namin.
Nagumpisa na ang klase at parang mas lalong napadali ang pag aaral ko dahil sa sayang naguumapaw sa puso ko. Hindi ko namalayan ang takbo ng oras hanggang sa mag lunch break na.
“Tara sa cafeteria.” Aya agad Emman matapos makalabas ng prof.
Tumango ang lahat at sabay na naglakad.
“Si Tay pala?” biglang sabi ni Aljon kaya bigla akong napatingin sa kanila at nakitang wala pa nga siya. It’s almost 12nn, bakit hindi siya pumasok? Baka nakatulog dahil sa puyat?
“Nakontak mo na siya?” tanong ni clyde kaya’t agaran kong kinuha ang cellphone ko.
“Just a sec.”
Hinanap ko ang number niya at saka nag type. Nakakapagtaka na hindi pa siya pumapasok. Sabagay baka napagod siya sa pagdadrive dahil puyat pa, pero sinabi pa niyang kita kami sa school. He should have said to me that he won’t be able to attend today, edi sana naiexcuse ko siya sa mga teacher namin.
To: Din
Where are you, Din? Are you asleep? Dito kami sa cafeteria kung gusto mo pa humabol.
“Din?” takang tanong ni Clyde sa akin habang nakatingin sa cellphone ko. Isinilid ko naman ang cellphone ko sa bulsa ko matapos ko i-send.
“Ahh tawag ko sa kaniya. Short for ‘Aladdin’.” Sagot ko.
Agad namang lumapit sa akin si Emman at binigyan ng mapanuksong tingin, “Kayo ha, may callsign na agad hindi pa nga kayo.”
“Wala na talaga ako pag-asa.” Nanlulumong ani ni Kurt ngunit biglang napatakip sa bibig ng may maisip, “Oh baka kayo na pero sinisikreto niyo lang?”
Nagsi gayahan ng reaksyon silang lahat kaya’t napatawa ako sa kanila. Kung ano anong imahinasyon ang mga nasa isipan nila.
“Congrats.” Bati ni aljon sabay tapik sa aking balikat.
“Sira. Tara na, nagugutom na ako.”
Nagpatuloy kami sa paglalakad at sabay sabay muling kumain sa cafeteria. This will always be my second home. Not because I love school, but because there’s a happiness that I can only find here.
Lumipas ang ilang oras hanggang sa mag uwian. Salo salo kaming kumain ng dinner nila mama at papa sa bahay. I thought that this kind of event would never be part of my life but again, I was wrong. I taught that while you’re still breathing and alive, there’s still hope.
I realized that I’m not yet completely a grown up girl, I still have a long run go.
Nang makaupo sa kama ko ay cellphone ang agad kong kinuha. Baka may reply na si Tay ngunit nagkakamali ako. Ni hindi man lamang niya ito sineen.
Tinawagan ko ito ng ilang beses ngunit laging unattended.
‘Baka lowbat cellphone niya.’ Sa isip isip ko.
Natulog akong hindi pa siya nagrereply. Ngunit nakakailang gabi na akong natutulog ng walang kahit anong respond sa kaniya. Gusto kong isipin na baka wala silang kuryente at hindi makapagcharge ng cellphone o kaya naman bantay niya ang kambal kaya’t hindi makapasok.
But I’m not that stupid to think that there is nothing wrong going on him. It’s now Friday in the evening and our last encounter was Monday. I immediately grab my jacket and wear it and decided to go to their house. I also brought the notebook with the notes and lectures he missed.
It took me only a minute when I reached their house. Nabuhayan ako ng loob ng makita ko ang liwanag mula sa loob ng bahay nila. Talagang makukutusan ko siya kapag isa nanaman ito sa prank niya.
Agaran kong pinindot ang doorbell. But something surprised me when the gate opened. Naguumpisa na akong kabahan.
“Sino po kayo?” tanong ng isang taong hindi pamilyar sa akin.
‘Baka tita niya lang to.’ Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.
“Ah nandito po si Taylor?” tanong ko.
Rumehistro ang pagtataka sa mukha niya, “Taylor? Wala akong kakilalang ganung pangalan iha.”
Napakurap kurap ako, “Ahh ganun po ba.”
Aalis na sana ako ngunit bigla muli siyang nagsalita na talagang nagpatigil sa paghakbang ko.
“Ahh, baka siya yung dating nakatira dito.” Muli siyang napaisip.
Paulit ulit akong bumubulong sa isipan ko na sana mali ang sinabi niya.
“Oo, tama! Si Taylor Castor. Siya yung nagbenta sa akin ng bahay na ito.”
Napayuko ako kasabay ng pagkabitaw ng hawak kong notebooks.
No.Din, where are you?
**********
Written by: Heyitz_Heart24
YOU ARE READING
In Between
Short StoryIn Between By Ashia_Ashna Taylor who was a star in everyone's sky, Everyone think that he always shine. And then she show, Who made him tell his untold sorrow.