The real story of Two- Face The Girl in the Black Dress is now begin!
8 years after
Red lips
Long straight black hair
Three inch black heels
And above the knee black dress
Sumilip ako sa labas nang aming bahay at nang makumpirma kong walang tao ay saka ako lumabas mula sa bintana dito sa kwarto ko. Nasa 3rd floor ang aking kwarto at buti nalang ay maraming pwedeng tapakan at hawakan upang makadaan paibaba nitong aming bahay.
Nang makababa ay tumungo naman ako sa likod at umakyat sa mataas na bakod na nakapaligid sa bahay. Mabilis akong nakalabas na hindi man lang nahirapan. Hindi na bago sakin ang ganitong paraan nang pag labas saaming bahay na walang nakakapansin dahil nasanay nadin ako sa bawat takas ko noong bata palamang.Agad kong pinaharorot ang sasakyang ipinarada ko sa kanto kanikanina lamang.
Nang makarating saaking pupuntahan ay agad naman akong bumaba at nag lakad papasok sa isang lugar na pag aari nang aming grupo.
The Backstreet Fearless Ladies
"Qina! " pagtawag saakin ni Eurhie na isa sa miyembro nang aming samahan at siya rin ang Cobra.
"Fierce lion! Finally you're here. I am so glad dahil 8 years kana naming kasama at dahil dyan... let's celebrate!!!" saad niya at kasabay ang malalakas na hiyawan at tugtog.
"Here's your wine " pag abot niya saakin nang isang basong alak. Siya si Serrera ang nag buo nitong grupo at siya rin ang tinatawag na Red Dragon.
"Thank you, Serrera."
Kunti lamang ang ininom ko dahil hindi ako maaaring bumalik sa bahay nang lasing.
Walang kinakatakotan ang grupo namin lalo na pag dating sa ibang grupo , pero hindi kami kasama gaya nang iniisip nang marami.
Maraming nag sasabi na ang grupo namin ang pinakamalakas ngunit kami naman ang pinakamasama dahil pumapatay daw kami nang mga tao. Ngunit sa kabila nang kanilang paniniwala ay wala silang ideya kung sino at kung ano nga ba ang layunin namin.
Nais lamang naming turoan ang mga ibang grupo nang leksyon. Dahil maraming grupo ang hindi marunong tumupad sa usapan. Nag tipon-tipon noon ang mga leader nang bawat grupo at nangakong ipagtatanggol ang mga inaapi pero sa nangyayari ngayon ay wala na silang pangakong pinanghahawakan at sila na mismo ang nang aapi.
Time check: 8 am
Inunat ko ang aking mga kamay at inalis ang harang saaking mga mata.
"GOOD MORNING!" masigla kong pagbati nang makalabas na ako saaking kwarto
"Good morning din saiyo Niesy" balik bati saakin ni manang Rot
"Manang, nasaan po si Mommy? "
"Naku kanina kapa niya ginigising pero nakikipag tigasan ka kaya ayon sila nalang muna ni Zyron ang nag sasanay" tugon niya
"Sanay? Bakit po, wala po bang klase ngayon? "
"Simula ngayon hindi kana dito sa bahay mag aaral, naka-enroll kana sa bago mong paaralan "
"PO??? "
Tumakbo ako palabas at pumunta sa sarili naming Gym sa pinaka dulo nitong likod nang bahay.
Hingal na hingal akong nakarating sa Gym at agad na tumungo sa gawi ni Mommy."Oh mabuti't gising kana akala ko wala kanang balak pang bumangon"
ani Iron na ngayon ay pinapaikot ikot sa katawan niya ang hawak niyang arnis stick.
YOU ARE READING
TWO FACE The Girl In The Black Dress
Teen Fiction"Hiding my personality is my special skill" The Girl in the Modern City and The Girl in the Ancient City. The ORDINARY and The EXTRAORDINARY.