"Hey friend! How's your vacation? "
"it's really good. How about yours?""Hey! It's our first year in senior high school, are you excited?"
"of course... I'm not HAHA."Maraming istudyante ang pumapasok sa gate at sinasalubong din sila nang kanilang mga kaibigan. Kwentohan, tawanan at kung ano- ano ang ginagawa nila.
Kanya-kanya namang tigil ang mga kotse sa parking lot.
"oh bat ang tahimik mo? Nasan na yung masungit mong dila? "
Magkasama kami ni Iron pumasok sa gate dahil hinatid kami ni Mommy.
Huminga ako nang malalim at nag patuloy lamang saaking paglalakad.
"Ah alam ko na, kinakabahan ka ano? HAHA wag kang kabahan nandito lang ako"
Tumigil ako at tinignan siya.
"First of all, hindi ako Kinakabahan. Second of all, hindi kita kailangan." ngumisi ako sakanya at saka nag patuloy sa paglalakad
Pumunta ako sa faculty at inayos ang schedule ko.
Kagaya nang college student, may kanya kanya din kaming schedule at malaya kaming gawin kung anong schedule ang gusto namin.
3 subject sa umaga at dalawang subject naman sa hapon. Computer Programming ang kinuha kong course dahil gusto kong mamaster ang pag locate sa iba-ibang tao, mahack ang iba-ibang internet at kung ano-ano pa na hindi ko pa masyadong kabisado.
Every subject iba-ibang classroom ang papasokan namin depende sa subject na kinuha namin.
Pumasok ako sa isang room dito sa 3rd floor nang building at huminga nang malalim nang makita ang iba ibang istudyante na nandito sa loob.
Umupo ako malapit sa bintana at pinag masdan ang mga puno na nasa labas. Malakas ang hangin at nag lalagasan ang mga dahon nito.
"Qina! "
Napatingin agad ako sa pinto nitong classroom nang marinig ang pangalang 'Qina' na mula sa kilalang boses
"Hey, don't call me that name" bulong ko sakanya nang makalapit ako
"oh Im sorry nasanay lang. By the way, bakit ka nandito? Kailan mo pa plinano na mag aral dito? Di'ba home study lang ang gusto mo? "
"well, hindi ko din alam. Biglaan e. Hindi naman ako ang may gusto na pumasok dito."
"Buti nga dito kana e. Same section tayo sa first subject at mas magagawa natin ng mabuti ang mga plano natin kapag mag kakasama tayo sa isang lugar. At isa pa dito din nag aaral ang ibang grupo na nakalaban na natin noon kaya mas mabibigyan natin sila nang pansin."
"Matagal kana ba ditong nag aaral? "
"Oo naman, since first year nang junior high school kaya kabisado ko na lahat nang sulok nitong school pwera nalang sa isang lugar na mahigpit na binabawalan ang mga istudyante na pumasok doon. Don't worry, mamayang lunch samahan kitang mag libot-libot dito"
"Good morning class! "
Nagsibalikan kami sa kanya-kanya naming upuan nang pumasok ang isang guro.
"Introduce yourselves first . Oh by the way, I am Teacher Stiffa"
Sunod sunod naman na nag pakilala ang aming mga kaklase.
"I'm Eurhie Trizia, 18 years of existing"
"I'm Niesy Aiz-hurt Valiant, 18." that's my father's middle name but I used it as my last name temporary. Hindi ko pwedeng gamitin ang apelyido ni Dad dahil kailangan kong mag ingat sa gustong pumatay saakin.
"Zeshca Lhexira Wender, 18."
Zeshca? Sounds familiar...
"This is your first year in Senior high school, therefore it is expected that you have mastered the basic skills and foundation in Accountancy for these are the weapons that will help you in this higher order thinking skills battlefield. You need to make it sure that you understand the flow of the lesson so that you can have a better feedback later on"
Nag salita lang ng nag salita ang aming guro hanggang sa naubos ang oras.
"Anong next subject mo? " tanong saakin ni Eurhie
"Social Sciences, ikaw? "
"ah. Engineering sakin e. Hatid na kita baka maligaw kapa"
"Ihahatid mo talaga ako dahil wala akong alam sa mga building dito"
Lakad...
Lakad...
Lakad...
Umakyat kami sa isa pang building at tumigil sa isang classroom.
"Dito ang klase sa Social Sciences"
"Ang layo ah."
"Malayo nga pero buti nalang sa second floor ang classroom niyo dahil kung napunta ka sa 3rd floor naku malaking gulo"
"huh? Bakit naman? "
"Sa 3rd floor kasi nitong building nang Science ang madalas na classroom nang mga mayayabang na tao kagaya nalang nang mga grupo na nakalaban na natin noon"
"Ahhh"
"Sige mauna na ako. Kita tayo mamaya sa cafeteria, bye"
Kagaya sa unang subject ay nag pakilala muna kami isa't isa at nag discuss nang kaunti hanggang sa maubos ang oras at ganoon din ang nangyari sa huling subject.
"Niesy!" rinig kong tawag ni Eurhie
Buti naman hindi Qina ang tinawag niya sakin marami pa namang tao dito sa cafeteria
"I already ordered our foods. Here, let's eat"
Pagkatapos kumain ay lumabas na kami nang Cafeteria at kagaya nang sinabi niya kanina ay sasamahan niya kong maglibot dito sa school.
"Doon sa kaliwa ang building nang Junior High school at sa kanan ang Senior high school. Doon naman sa dulo, nandoon ang napaka taas na building nang college."
"Napaka dilim naman dito" saad ko nang makarating kami sa isang lugar na napakaraming puno
"ito ang tinatawag na black forest pero madalas scary forest ang tinatawag dito nang nakararami."
"Scary Forest ba dahil madilim? Ah teka, bakit may napaka taas na pader dito? Sapagkakaalam ko hindi naman ito ang dulo nitong school? "
"tama ka Scary Forest ang tawag nila dito dahil madilim at ang pader nayan ay hindi naman talaga ang dulo nitong school. Sinadya talagang gawing napaka taas ang pader nayan at makikita mo pa doon sa gilid ay nakakadena ang gate"
"Bakit? "
"Dahil ang gate nayan ang lugar na mahigpit na binabawalan ang mga istudyante na pumasok. Kapag pumasok kadyan siguradong hindi kana makakalabas. Kaya kung ako sayo wag ka nang magtangka pang alamin kung ano ang nasa loob. Qina, kilala kita alam kong matigas ang ulo mo pero ito ang tatandaan mo kapag pumasok ka sa gate nayan walang sinoman ang tutulong saiyo. Let's go kailangan na nating bumalik may klase pa tayo"
Hahakbang na sana ako palayo dito sa forest ngunit awtomatiko akong napahinto nang mahagip nang aking mga mata ang naka black half-mask na lalaki na umakyat sa gate nitong pinagbabawal na lugar.
Nakasuot siya nang itim na pantalon at itim na T-shirt .
Nag tama ang aming mga mata at nag katitigan nang ilang segundo bago siya tuloyang makapasok sa gate.
"Qina what's wrong? "
"I-I saw a guy " tugon ko nang hindi maalis ang tingin sa gate
"Guy? What are you talking about? Walang pumupunta dito dahil lahat sila natatakot sa lugar na ito. Let's go, guniguni mo lang yon"
Nagkatitigan kami at alam kong hindi yon guniguni lang.
I saw him. I know I saw him...
YOU ARE READING
TWO FACE The Girl In The Black Dress
Teen Fiction"Hiding my personality is my special skill" The Girl in the Modern City and The Girl in the Ancient City. The ORDINARY and The EXTRAORDINARY.