Chapter 2

3 0 0
                                    

Zash Aron's Pov

6:00am palang ay nandito na'ko sa school naeexcite kasi akong makita sya:)

Nandito ako ngayon sa restroom dito ko sya inaabangan dahil dito ko sya unang nakita. Panay ngiti ako kapag naaalala ko ang mga nangyari kahapon ngunit napawi ito nang mapansin kong may nakatingin pala sakin. Noong una akala ko sya na iyon pero hindi. Nag katitigan kaming dalawa, wala saamin ang gumagalaw at nag sasalita. Gusto ko sanang mag 'Hi' sakanya pero hindi ko ginawa dahil pinapangunahan ako nang hiya at kaba. Never pa kaming nag usap at never ko pa sya nakasama. Para kaming stranger sa isa't isa, walang kiboan kapag nag kakasalubongan sa daan.

Bumitaw ako sa pag kakatitig sa kanya nang dumaan ang babaeng hinihintay ko kanina pa, tiningnan ko lamang sya habang papasok  ng restroom hanggang sa di'na ito maabot nang mga mata ko. Binalikan ko nang tingin si Zeshca ngunit wala na sya. Nilibot ko ang aking paningin ngunit di'ko na sya nakita.

Hinintay kong lumabas sya sa  restroom at halos ilang minuto nakong nakatayo dito sa labas ngunit nakakapag taka nang hanggang ngayon ay wala parin sya.

"Ah sandali, pede bang mag tanong?  May babae pa bang naiwan sa loob?"
tanong ko sa babaeng kalalabas lang sa cr

"tiningnan ko lahat nang cubicle pero lahat yon walang tao.Marahil time na siguradong bumalik na sila sa kanilang silid" tugon nang babaeng tinanongan ko na mukhang mas matanda pa sakin

Teka, nakaalis na sya?Pero pano e kanina pakong nakatayo dito? Aish di ko man lang nakita na lumabas na pala sya. Gusto ko sana syang tanongin kung anong pangalan nya kaya lang di'ko na sya naabotan. Nakakapang hinayang naman.

Nag lalakad ako ngayon papuntang  room namin nang may narinig akong malalakas na tawanan galing sa corridor.

"Bato bato pick!"

"HAHAHAHA talo ka"

"bato bato pick. Bato bato pick!"

"HAHAHA talo ka din"

Ang babaeng inaabangan ko kanina ay nasa corridor nag lalaro kasama ang isa pang batang lalaki. Lalapitan ko sana sya kaya lang wag na baka makaistorbo lang ako sa kanila. Kitang kita ko sakanyang mga mata na napaka saya nya.

"sino kaya yong kasama nyang lalaki?" tanong ko saaking sarili.

Sana ganyan din sya ngumiti saakin

Zeshca's Pov

kitang kita nang dalawa kong mata kung paano nya tingnan ang babaeng kinaiinisan ko.
Ano bang meron sa babaeng yon? Bakit masaya ang lahat kapag kasama sya?

"HAHAHHA talo ka ulit!" asar nya sa kanyang kapatid

Laro dito, laro doon, laro everywhere!

nakakainis na sila lagi nalang silang sumusulpot kung saan saan.

Niesy's Pov

"Hi Niesy" bati ni Lensie saakin

"tapos muna ba yong assignment saatin ni Teacher?" tanong nya saakin

"Oo. bakit?"

"Mabuti naman kung ganon. Ayaw kasi ni Teacher na walang assignment ang mga istudyante nya. Sige tanongin ko muna yung iba baka kasi nakalimutan nila" sabi nya saka umalis

Napakabuti nyang kaklase :)

"Niesy! Niesy!" paulit ulit na tawag saakin ni Harmon

"bakit?"

"Wala akong assignment e. Nakalimotan kong gawin kagabi"

"huh? bahala ka problema mo na yan. Hindi kita tutulongan. Lesson learn!" masungit kong pag kakasabi sakanya sabay iwas nang tingin

TWO FACE The Girl In The Black Dress Where stories live. Discover now