DEAL TEN

6.9K 163 5
                                    

DEAL TEN

“Supremo, Pinatawag nyo raw po ako?” tanung ng kanang kamay sa kanyang panginoon

“Anong balita sa kampong pinadala nyo sa lupa?” tanung sa alagad na nakaluhod sa harapan nya. Nakaupo ang supremo sa kanyang trono at taning tinig lamang ang iyong maririnig sapagkat hindi mo magagawang maaninag ang itsura nito sa kadilimang bumabalot sa buong paligid.

“gaya ng nasa plano, ang ating kampon ay nakalapit sa sa tinakdang tao at nagagawa na nyang makisalamuha rito” sagot naman ng kanang kamay

“Magaling. Siguraduhin mong magagawa nya ng maayos ang kanyang misyon.”

“Masusunod po supremo” sabi nito at saka tumungo sa supremo at umalis na sa harapan nito.

“konting panahon na lang.. mahahawakan ko na rin sa aking palad ang tagumpay” at sumilay sa labi ng supremo ang isang mapanganib na ngiti.

Alyssa’s

“Beeeeesssst!” napalingon kaming lahat sa sigaw na yun. At nakita kong tumatakbo palapit sakin si Shiela.

Tumigil ako sa ginagawa kong pag-aayos ng Net at hinarap ang bisita namin para sa gaganaping tune-up game.

“Shiela ano ba? Bakit kailangang sumigaw?” sabi ko habang kinakalikot yung tenga ko. Nakakabingi kasi yung sigaw nya grabe! Hindi pa rin sya nagbabago. Loud as ever.

Nungmakalapit sya sakin ay binagsak nya ang duffle bag nya at niyakap ako ng napaka-higpit. Urg! Eto na naman po tayo sa bear hug nya, yung tipong literal kang hindi makahinga

“best?!!” sigaw ng mga teammates ko. Hahaha Oo nga pala hindi pa nila alam kung ano ang relasyon namin ni Shiela. Hindi ko naman kasi alam kung kailangan ko pang sabihin sa kanila?

Nung kumalas ako sa yakap namin hinila ko sya papalapit sa iba. But I guess, kailangan ko naman syang iinturduce ng maayos sa kanila

“guys I want you to meet one of my best friend. Shiela. Shiela Pineda of Adamson Lady Falcons” masigla kong pagpapakilala sa kanila. Hahaha. Grabe lang yung mga reaksyon nila.

“Akala po namin si Ate Marge ang best friend nyo?” tanung ng isa sa mga rookie namin

‘Well, Marge is my best buddy but etong katabi ko, ito talaga ang original” nakangiting sabi ko sa kanila. Yung mga tingin nila hindi pa rin makapaniwala.

Kahit naman ako hindi ko magagawang maniwala kung bigla na lang may iapapkilala kang best friend mo na ni hindi mo pinapansin sa twing nagkikita kayo sa isang game.

“Weh?” banat naman ni aerieal sakin.

“Oh moks sinong maingay dito ha?” narinig ko ng sabi ni Marge. Kasama rin nya si Den na nagbalik ng mga map na ginamit kanina dito sa court.

“Marie!” nakangiting sabi ni Shiela kay Marge. Bigla namang napatahimik yung isa at sumimangot.

“Marie?!” siawg nila ulit tapos biglang namayani ang nakakabinging katahimikan.

*krooo

*krooo

“hahahahahahahaha!” sabay sabay naman silang nagtawanan. Yung iba naghahampasan pa, yung iba naman nakahawak na lang sa tyan. At ang malupet sa lahat si Ella yung pinakamalakas ang tawa sa kanilang lahat.

A Love for A Fallen Angel: Alyssa's Deal with the DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon