DEAL EIGHT

8.3K 179 5
                                    

DEAL EIGHT

Alyssa’s

Nasa dining table kami ngayon, this is the only day na maagang natatapos ang klase ng lahat kaya on time ang dinner namin. Napansin ko lang din na Ella and Amy had some serious talk before joining us at the table. This year dahil sa rebuilding team pa kami, the management and coaching staff make sure that we’ll have breakfast and dinner together, complete. Para naman mag-jell ng maayos yung team namin. Ang laki ng nawala samin, sana lang kayanin naming to, bilib din ako kasi mukang nakakayan naman ni Ella at Amy yung pressure na iniwan sa kanila ni Ate Dzi. Hmm mukang may announcement na naman.

Saka nga pala diba kahapon I sneak out, So medyo beahave muna ako ngayon kasi ayokong magtanung si Den.

Gabi na rin ako naka-uwi kahapon galing sa library. Ang kulit kasi nung babaeng yun. Hindi nya talaga ako tinigilan. Muntik pa tuloy ako maban sa library dahil lumikha ng ingay yung pag-aagawan namin ng libro.

Buti na lang din at hindi na masyadong nagtanung si den. Sinabi ko na lang na nasira ko yung camera ko kaya pinagawa ko ito kaya ako ginabi. Hay nakapag-sinungaling na naman ako sa kanya.

Mahirap na, sa totoo lang ang hirap magsinungaling lalo na kay Dennise.  Pano mo naman magagawa yun kung ganun ka-sincere na mata ang titingin sayo. Lagi kong nakikita sa mata nya na buo ang tiwala nya sakin. Ayoko naman magsinungaling sa kanya e, kaya lang di ako mapapakali hanggat hindi ko nalalaman kung bakit pag balik nya biglang ganito na lang ang lahat. We have our life, rewritten. At maraming parte ang binura at pinalitan. I can’t just let it go like that.

“Hey Ly. Ella’s talking to you” untag sakin ni Den.

“ha?” yung lang ang naging sagot ko. Hays lately napapansin ko ang dalas ko na atang mag-zoned out.

“San na naman ba kasi lumilipad yang utak mo Alyssa?” tanung ni Ella sakin na parang bang inuusig nya ako.

“Grabe ka moks! Katabi mo na nga yung Gf mo nag-iisip ka pa ng ibang chicks!” pang-aasar ni Marge sakin. Binato ko naman sa kanya yung tinidor na gamit ko.

“Lul!”

“We’re in front of food. Please” mahinahong sabi ni Amy pero ramdam mo ang autoridad ditto.

“Sorry.” Sabi ko na lang sa kanila.

“You okay?” malumanya na tanung sakin ni Den.

“I’am. Sorry, I’m zoning out. I was just thinking about our paper. Di pa kasi lumalabas yung result e.” pagdadahilan ko na lang sa kanya.

“ganun ba. I’m sure the result will be favorable. Stop thinking about it. Ang galling mo kaya” sabi nya sakin sabay hawak pa sa pisngi ko. Hinawakan ko naman yung kamay nya na nakahawak sa pisngi ko tapos hinalikan yung gilid nito na malapit sa labi ko. This is one of so many things I love about her, she always believes in me. She always think that I can do anything.

“Aherm.  Sa pagkaka-alam ko mamaya pa yung dessert e” sabi ni Marge na nag-kukunwari pang nauubo.

“Pansin ko lang ate Marge. Palagi mong pinag-titripan si Ate Ly. Siguro miss mo na si partner no?” agaw atensyong tanung ni Micg. Si jia yungtinutukoy nila. Sila kasi yung partner sa court diba?

“hahahaha. Nahalata mo pala yun Mich?” natatawang sabi ni Aerieal. Pati tuloy yung ibang mga seniors nagtawanan na rin.

“Grabe kayo sakin! Isusumbong ko kayo kay Jia loves, lalo ka na Mich. Sasabihin ko na wag ka nyang set-an pag nakabalik na sya!” sabi nito na para bang bata na nagtatampo na lalo namang kinatawa ng lahat.

A Love for A Fallen Angel: Alyssa's Deal with the DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon