DEAL SIX

10.4K 194 7
                                    

DEAL SIX

Alyssa’s

“Sigurado ba kayong ayaw nyo ng magpasama sa mga anak ng tauhan natin ha?” tanung ni Lolo habang nilalagay ko sa likod ng pick up yung mga gamit naming ni Den.

“Hindi na po Lo. Safe naman dun dahil nasasakupan pa naman ng lupa nyo yon” sabi ko naman. pupunta kami ni Den ngayon sa burol. Isa yun sa mga paborito kong lugar sa buong kalupaan ni Lolo.

“Bunsoy ingat kayo dun ha. Alalayan mo si Dennise Wag na kayong magpaabot ng gabi ha” paalala naman ni Ate sakin

“pasensya na bunsoy at Den di ko na kayo masasamahan. Aasikasuhin ko yung delivery ng mga prutas ngayon e” sabi naman ni Kuya

“Ano ba kayo ate at kuya, wag na po kayong mag-alala. Alam ko naman pong hindi ako papabayaan ni Ly e” sagot ni Den sa kanila.

“oo nga naman. nandito naman ako. So tara na. Mukang okay na lahat ng gamit natin e” binuksan ko na yung pintuan para kay Den.

“Bunsoy wala na talaga kayong nakalimutan?” sabi namn ni yaya

“Okay na po ya. Sige po Lo, ate, kuya una na kami ha” pagpapaalam ko

“Sige po alis na po kami” sabi naman ni Den.

Mga kalahating kalahating oras din ang byahe papunta dun. Nasa farthest east kasi ng lupain ni Lolo yung burol. Nadadaanan yun kapag galing sa school naming nung high school.

“maganda ba dun Ly?” tanung sakin ni Den. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana. Presko ang hangin dahil puro puno ang dinadaanan namin.

“Oo maganda dun. Saka may ilog dun kaya pwede tayong magtampisaw. Natural ang lamig ng tubig don” sabi ko. Nakakamiss din na maligo dun. Dati sila Vic din yung kasama kong maligo dun e

“Wow talaga? Excited na ko. Ang tagal ko na ring hindi nakakapagswimming!” sabi ni den. Ang saya lang nyang tingnan. She look so radiant.

“magpapakasawa tayong magtampisaw mamaya” sabi ko sa kanya.

Makalipas ang ialng sandal nakarating na rin kami sa paanan ng burol.

“Ayan nandito na tayo!” inalis ko na yung seat belt ko para pagbuksan ko na si Den.

“Ang tahimik dito Ly. Nakakatuwa! Maririnig mo talaga yung agos ng tubig pati na rin mag huni ng ibon” sabi nya habang umiikot ang tingin sa buong paligid.

“private na lugar ito. tanging kami at mga tauhan lang ni Lolo ang nakakapunta dito. Hindi rin naman sila madalas pumupunta dito kung kaya tayo lang ang nandito ngayon” paliwanag ko sa kanya. Pumunta na ko sa likod ng pick up para kunin yung gagamitin naming sa picnic.

Dala ko na yung basket tapos si den naman ang may dala ng blanket at unan na hihigan namin.

“hey be careful!” natatawang sabi ko. Pano ba naman si Den tumatakbo na paakyat ng burol.

“Ly bilisan mo!” sabi nya pa. Napapailing na lang ako. Buti na lang pala at pumayag akong umuwi kami dito.  Yung mga nakaraang lingo ay naging stressful para samin. Atleast makakarelax relax naman kami

“Grabe Ly ang ganda dito!” binaba ko na yung basket. Kinuha ko yung blanket na binaba nya saka nilatag. Nung naayos ko na ay nilapitan ko na sya sa kahoy na platform.

I hug her from the back.

“like what you’re seeing?” bulong ko sakanya.

“Oo. Ang ganda talaga dito. Parang gusto ko magpatayo ng bahay sa ganitong lugar” sabi nya. Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya.

A Love for A Fallen Angel: Alyssa's Deal with the DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon