DEAL FIFTEEN: The Deal with the Demons
Disclaimer: This chapter has no intention of putting beliefs on our God to the edge. All the words use here, if you find oppensive, is just a part of the story and needed to supply the flow of the story. This is just a work of fiction
Alyssa’s
“Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay kung gusto mong mabuhay ang babae sa kandungan mo” turo nito kay Dennise
“Gusto ko. Gusto ko! Please tulungan mo kami. Give her back to me” pagmamaka-awa ko. Nakasilip ako ng pag-asa sa kanya. Wala akong pakialam kung sino pa sya
“Ibibigay ko ang gusto mo” sagot nya sakin
“talaga? Please gawin mo na. Bring her back to life” pakiusap ko.
“ngunit sa isang kundisyon..”
“sabihin mo! Kahit ano gagawin ko mabuhay lang sya. Mabuhay lang si Dennise” kahit sa dilim kita ko ang kakaibang ngiti sa mga labi nya. Napalunok ako sa pangitaing yon.
“Ikaw ang kapalit” hindi agad natanggap ng utak ko ang binitiwan nyang salita
“Anong ibig mong sabihin?” puno ng pagkalitong tanung ko sa kanya.
“Bubuhayin ko ang pinakamamahal mo kung sasama ka sakin” pinukol ko sya ng nagtatanung na tingin.
“Ang buhay ng pinakamamahal mo kapalit ng pagsama mo sakin. Mamili ka. Ito o ito” tinuro nya ang makabilang bahagi ng kadiliman kung saan naka-flash ang ilang mga imahe.
Sa kanan ang image kung saan buhay na buhay si Dennise at masayang nakikipagkulitan sa mga teammates namin sa dorm. isang eksenang kelan man ay hindi pa naganap. Eksenang wala ako.
Sa kaliwa naman ay makikita ang imahe ko habang nakaluhod na umiiyak paharap sa puntod ni Dennise.
Dinurog ang puso ko ng mga imaheng nasa harap ko. Tumingin ako sa walang buhay na dennise sa kandungan ko pagkatapos ay sa imahe sa kanan kung saan ang saya saya nilang tingnan. Masayang panuorin pero masakit din sa puso dahil wala ako sa eksenang iyon.
“Pano ako makakasiguro na ibabalik mo nga si Den? Na kaya mo talaga syang buhayin?” panghahamon ko sa kanya.
“hindi mo malalaman kung hindi ka sasang-ayon sa gusto ko” sagot nya sakin.
Muli kong tinitigan si Dennise.
Bakit kailangang samin mangyari ito? Nagmamahalan lang naman kami. Nung una ako yung muntik ng mamatay dahil yun ang nakatakda pero kinalaban nya ang lumikha at sinagip ako sa kamatayan. Ngayon naman sya ang nakaratay sa kandungan ko at walang buhay. Bakit kung sino ang nagmamahalan sya pa ang pilit sinisira at pinaglalayo?
Bakit ba sa twing sasaya kami parang ang bilis naman bawiin at palitan ng kalungkutan.
Bakit hinayaan ng Diyos na maghirap ang kanyang anghel? Hindi ba nya ito mahal?
Ayokong kwestyunin ang paniniwala ko sa Diyos pero sa nangyayari samin parang gusto kong tanungin ang sarili ko. Kung ang sarili nga nyang mga anghel hinahayaan nyang maghirap ng ganito pano pa kaya akong tao lang?
Pano na yung mga taong nagmamahal kay Dennise? She’s the most cheerful person i’ve ever met. She can make you love her effortless. Kahit na ako na puno ng galit ang puso nagawa nyang palamubutin.
BINABASA MO ANG
A Love for A Fallen Angel: Alyssa's Deal with the Demons
FanfictionMy Death Angel... My Love! book two