DEAL SEVENTEEN
Bago pa man matagpuan ni Alyssa ang libro..
“Pinatawag nyo raw po ako” sabi ng isang tagapagbantay na anghel. Kasalukuyan syang nakahaluhod sa harap ng Archangel Michael. Ang pinuno ng mga guradian angels sa ikawalong departamento.
“Hinid ako ang syang talagang may kailangan sayo kundi ang ating Ama. Gusto ko lamang sabihin sayo na sana ay maging handa ka sa anumang ilalahad ng Ama sayo. Alam kong nagluluksa ka pa sa pagkalipol ng iyong kapatid na si Arwelle ngunit naniniwala ang Ama na ikaw ang nararapat sa misyong ito” sabi ng Archangel na si Michael. Nakasuot sya ng damit na may halong pula at puti at gintong kapa habang nakaupo sa pilak na trono.
“Maraming salamat po sa inyong pag-aalala at sa tiwalang binibigay ninyo.” Tinaas ng Archangel ang kanyang kamay at lumapit dito ang kanyang kanang kamay at inabot ang isang scroll. Nang makuha nya ito ay saka naman inabot sa kanyang tagasunod.
“Buksan mo Norielle” utos nito sa kanyang tagasunod. Malugod naman itong ginawa ng anghel.
Hindi katulad ng ibang misyon na naaatang sa kanya, tila ba ang scroll na to ay may kakaibang bigat din na dala. Hindi ang mismong bagay, kung hindi sa damdamin.
“mahabaging Ama! Totoo po ba ang mga ito?” napahawak si Norielle sa kanyang bibig ng mabasa ang mga ulat sa scroll. Hindi nito malaman kung ano ang sasabihin. Tanging ang nararamdaman lang nya ngayon ay sakit at pagkahabag.
“Nalulungkot akong ipaalam sayo ang mga bagay na iyan.” Bakas din sa boses ng Archangel ang simpatya para sa kanyang tagasunod.
“Nasan po siya Archangel?” tanung nito habang hilam ang mata ng luha
“Nasa silid ng pag-sisisi. Dadalin kita doon ngunit kailangan muna nating puntahan ang Ama”
Nanghihina man sa nalaman ay tumalima rin sya ng tumayo ang Archangel. Naglakad ito palabas ng kanyang silid ng trono papunta sa bukal ng katotohanan kung saan naghihintay ang Ama.
----
“Ama narito na po kami” Lumuhod ang Archangel at ang tagasunod nya bilang pagbibigay galang sa Ama
“Halikayo rito sa aking tabi” paanyaya ng Ama sa kanila
“Ngunit Ama hindi po kami karapat dapat na maupo sa tabi ninyo” nakayukong sagot ng Archangel
“Gaya ng sinasabi ko sa lahat, ako ang magsasabi kung sino ang hindi karapat dapat. Inaanyayahan ko kayo kung kayat maupo na kayo” saka nito tiunro ang espasyo sa kanyang tabi
Nag-aalinlangan man, naupo rin ang Archangel ngunit ang taga sunod nya ay nanatiling nakatayo sa kanilang gilid.
“Anong bumabagabag sayo? Damang dama ko ang kalungkutan at sakit na dinadala mo” sabi ng Ama sa nakatayong si Norielle
“Naiabot ko na ang scroll sa kanya Ama” sagot ng Archangel dahil batid nyang hindi magawang makapagsalita ng kanyang tagasunod.
“Nalulungkot ako sa mga nangyayari, nasasaktan ang puso ko sapagkat lahat kayo ay anak ko, lahat kayo ay sakin nanggaling. Ngunit hindi ko magagawang salungatin ang propesiya” sabi ng Ama sa tagasunod
“Ngunit bakit po Ama? Bakit kailangang mangyari ang mga ito? Maaari nating lipulin ang mga demonyo bago pa nila magawa ito. Bakit hindi yon ang ginawa natin? Bakit kailangan nating magahintay na malipol ang karamihan sa mga anghel sa lupa. Bakit tila pinabayaan nyo sila?” hindi maiwasang maging puno ng hinanakit ang pagtatanong ng anghel sa Ama
BINABASA MO ANG
A Love for A Fallen Angel: Alyssa's Deal with the Demons
FanfictionMy Death Angel... My Love! book two