DEAL FOUR

9.4K 217 30
                                    

DEAL FOUR

Den’s

“O asan na raw yung girlfriend mong OA ma-kamiss sayo?” tanung ni Marge sakin. Nakaupo ako sa sofa nung tinabihan nya ako dahil hinihintay ko pa si Ly. Malapit na kasing magdinner pero wala pa sya. Sabi nya hindi daw sya gagabihin pero eto nga madilim na sa labas pero wala pa sya.

“ewan ko nga e. kaninang lunch ko pa huling naka-usap. Tinatawagan ko naman pero hindi naman sinasagot. Tapos ngayon hindi ko na ma-contact Nag-aalala na nga ako e” sabi ko. I look at my phone. At ang wallpaper nito ay yung picture namin ni Ly dun sa park kung saan naghanda sya ng set-up na parang langit at ginawa nya akong anghel. Nasa likod ko sya at nakayakap sa bewang ko tapos nakapatong yung baba nya sa balikat ko samantalang ako naman ay nakahawak ang kamay ko sa pisngi nya. Si marge ang kumuha nito e.

“Pauwi naman din siguro yun.  Di siguro namalayan ang oras” sabii ni Marge. May katext sya. Sigurado akong si Jia yun. Ngiting ngiti ang loko. Kelan kaya magiging sila? Mukang nahuhulg na rin naman si Jia sa charms ni Marge e.

“sana nga. Sana nga din natapos nya yung research nya. Mukang mahirap kasi at kinailangan pa nyang lumayo e may sarili naman tayong library” sabi ko.

“Don’t worry to much. Eh ayaw na ayaw nung nalalayo sayo kaya tyak na nagmamadali na yung umuwi”

Maya maya ay nakarinig na kami ng ugong ng sasakyan. Kahit hindi ko nakikita ang sasakyan ay alam kong kay Ly yun. Kilala ko na ang tunog ng sasakyan nya.

“O speaking of the devil. Andyan na o” sabi ni Marge. Agad akong  tumayo at binuksan ang pinto.

Nakita ko syang bumaba sa sasakyan nya. Nagpunta sya sa likuran at binuksan yung puntuan sa back seat. Pagharap nya nakita kong may hawak syang bulaklak sa kanang kamay nya at dalawang box na magkapatong sa kaliwang kamay nya. Isang malaki at maliit na box.

“Yun naman oh! Kaya pala nalate ng uwi e. hang sweet ng mokong! Yiiiiiieee Hahaha” tukso sakin ni Marge.

Nagkatinginan kami at sabay kaming ngumiti sa isa’t isa, sobrang namiss ko ang ngiti nya. Tanging ngiti nya lang ang may kakayahang tumunaw sa puso ko. Maraming nagsasabi na its not everyday na makikita mo syang nakangiti ng ganyan. Sabi pa nga nila ang damot daw ni Ly. Ayaw kasi ipakita sa kanila yung ngiti nya. Samin lang kasi sya ganyan, sa family nya at sa mga piling kaibigan nya. Kaya ka siguro ma-addict sa ngiti nya e. di mo kasi palaging makukuha. She’ll leave you wanting for more.

“Hello my angel. For you” inabot nya sakin yung bulaklak. Puting rose na nakashape ng parang angel tapos napapalibutan ng blue na roses.

Nag-init naman ang pisngi ko at nagtatatalon sa tuwa ang puso ko. Napakasweet nya talaga.l lagi nyang sinabi na hind naman daw. Wala daw syang ginagawang sweet. But that’s what make it more sweeter. Yung hindi nya namamalayan na kinikilig na pala ko sa mga simple gestures nya.

“Anong meron moks?” tanung ni Marge.

“Wala. Bakit bawal bang bigyan ng bulaklak ang girlfriend ko pag walang okasyon?” kunot noong tanung nito

“Ito naman nagtatanong lang e. ano naman yang mga yan?” turo ni Marge sa mga box.

“o ito para sa team” sabi nya. Inabot nya kay marge yung malaking kahon.

“uy cake! Thank you moks! Guys baba na kayo may pang-dessert na tayo oh!” sigaw ni Marge sa mga team mates namin.

Pumasok na kami sa loob. Agad kong nilagay ang kamay ko sa bewang nya. Sya naman ay naka-akbay sakin.

A Love for A Fallen Angel: Alyssa's Deal with the DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon